AURA'S POV
Nagmamadali ako pumasok ng ospital habang maiyak iyak at natataranta. Nag titinginan na din sakin ang mga tao. Di ko alam kung dahil sa suot kong pajama, gulo gulo kong buhok at ang tsinelas kong di mag kapares o dahil sa pag hyhysterical ko sa loob ng hospital.
Di ko sila pinansin at dirediretso lang na tumungo papunta sa labas ng Emergency room. Wala na akong pake kahit isipin nila na nababaliw na ko. Isang tao lang ang nasa isip ko ngayon
Kai..
Ang lalaking mahal ko. Nasa loob siya ng emergency room ngayon. Naaksidente siya kanina sa highway at may nakasalpukan na isa pang kotse. Hindi pa namin alam ang kondisyon niya ngayon pero malala daw ang pag kabangga niya
Natutulog na ako kanina sa bahay nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko namang sinagot kahit antok na antok na ko. Unregistered ang num ng tumatawag. Di ko ugaling sumagot ng mga unregistered number pero dahil wala na ako sa ulirat ay sinagot ko na ito
"Hello?" Napahikab pa ako habang sinasagot ko ang tumawag sa akin pero nawala bigla ang antok ko sa sinabi nito sakin
"Aura! Ikaw si aura di ba? Ang girlfriend ni kuya kai? Nasa ospital si kuya ngayon. Nasa labas kami ng ER" Naiyak ang nasa kabilang linya pero naalala ko pa rin ang boses nito. Boses ni lucy. Ang kaninang inaantok kong katawan ay biglang naalarma. Di kagad ako naka sagot sa sinabi niya...di ako makapaniwala.
Kinuha ko ang lahat ng lakas ko para maka sagot kay lucy kahit nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa mata ko.
"Saang ospital?" Nahihirapang saad ko sa kanya. May kumawala din na hikbi sa labi ko at alam kong narinig niya din yun
"St. Luke's hospital unnie" pagkasabi niya nun ay agad kong kinuha ang wallet ko at umalis ng bahay. Hindi ko alam kung pano ako nakarating ng maayos dito. Basta ang alam ko ay kailangan kong makita si kai.
Nakarating na ako sa labas ng ER at nakita dun si lucy nakatungo at halatang kakagaling lang sa iyak. Wala siyang kasama. Siguro parating pa lang din ang iba. Agad akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya. Naramdaman niya kagad ang presensya ko kaya lumingon siya.
"Aura unnie" she tried to smile pero hindi niya nagawa bagkus ay napahikbi siya. Di ko alam ang gagawin ko pero nagulat ako nung niyakap ko siya at pinatahan
"Okay lang yan. Malakas naman yang si kai di ba? Kaya niya yan" Hindi ko pa alam ang kondisyon niya. Tatanungin ko na dapat kay lucy pero siya na mismo ang nagsimulang mag salita
"Kuya is in critical condition right now. He lost too much blood. Ang dami niyang sugat at malalalim pa" Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Iniimagine ko pa lang na makita siya sa ganung kondisyon ay halos mabaliw na ako. Dapat ako na lang. Bakit siya pa?
Bigla kong naalala yung itsura niya kanina bago siya umalis ng bahay. Di siya mukhang okay nun, parang may bumabagabag sa kanya pero di ko man lang siya pinigilang umalis para mapag usapan namin yun.
Kung sana pinigilan ko siya....
"Kasalanan ko to..." wala sa sarili kong sambit. Agad naman akong narinig ni lucy kaya napalingon siya sa akin ng may pagtataka
"What do you mean?" Nakatingin siya sa akin ngayon na parang matutunaw na ako. Tama naman eh, kung sana di ko muna siya pina alis dahil parang wala siya sa ulirat ay di siya mapapahamak.
"Kanina...nag dinner kami sa bahay kasama ang magulang ko. Okay naman kaming nag uusap at nagtatawanan pero biglang nag bago ang mood niya nang may nilabas at binigay na kwintas sakin si mom" natahimik siya sa sinabi ko at parang may inaalala. Bigla lumaki ang mata niya na parang may naalala na nakakagulat
"K-kwintas?" Nauutal na tanong niya. Kinabahan ako sa inasal niya pero tinago ko to
"Oo. Eto siya" Nilabas ko ang kwintas na naka suot pa sa leeg ko. Di ko pala siya natanggal pag katulog ko.
Tinignan niya ang kwintas at mas lalo siyang nagulat at may nasambit pa siya
"Ito yung kwintas na nakwento ni kuya..." bulong niya sa sarili niya pero narinig ko pa din.
"Ano yu---"
"Lucy! Aura!" Di ko na natapos ang itatanong ko nang dumating sila kuya kasama sila yeol. Bakas sa mukha nila ang pag aalala kay kai.
Agad silang lumapit samin. Nakita ko na nakatingin sakin si kuya luhan. Siguro ay dahil sa hindi ko nasabi sa kanya ang nangyari. Wala ako sa sarili ko nun, ni di ko nga alam kung pano ako nakarating dito sa ospital eh
"Ano nangyari kay kai? Kamusta ang kondisyon niya?" Tanong ni lay samin ni lucy. Tinignan ko sila isa isa at pansin din na nagmadali silang pumunta dito. Mga naka pang bahay din sila at halatang bagong gising lang din
"Critical condition siya ngayon. Masyadong maraming dugo ang nawala" sagot ni lucy sa kanila. Bakas naman ang lalong pag aalala nila kay kai pero gaya ng iba. Wala kaming nagawa kundi mag hintay at magdasal sa panginoon na sana ay maging okay siya
Tumabi sakin si kuya luhan. Tumingin ako kay lucy at nakita ko ang pag tingin niya saming dalawa ni kuya luhan na parang may galit siya samin. Kanina naman okay pa kami eh, bakit biglang nag iba ang aura niya nung nakita ang kwintas ni ate mira?
"Aura. May napag usapan ba kayo ni lucy. More like napag awayan? Tignan mo oh. If looks could kill, we'd be dead by know" mahinang sabi sakin ni kuya luhan sabay simpleng sulyap kay lucy
"Di ko alam kuya. Okay naman kami kanina pero nung nakita niya kwintas ni ate biglang nagulat" halata sa mukha ni kuya ang taka pero di na siya nag tanong at sumandal na lang sa upuan at tahimik na hintay matapos ang operasyon
Makalipas ang isang oras ay lumabas na ang doctor na mukhang pagod dahil sa ginawang operasyon. Agad namin siyang nilapitan at tinanong kagad kung kamusta si kai
"Successful ang operation. After ilang araw ay magigising na din ang pasyente" nakangiti niyang sabi samin. Parang nabunutan ako ng tinik nang narinig kong sinabi iyon ng doktor
"Talaga dok?! Salamat po!" Si yeol ang sumagot sa doktor at halata sa boses niya ang tuwa nang nalaman na okay na si kai
Dinala na si kai sa kwarto niya at pag kapasok ko ay nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Ang dami niyang sugat at galos sa mukha at katawan pero litaw pa din ang gwapo niyang mukha
Lumapit kami sa kanya. Kinausap siya nila kris kahit na tulog pa rin siya.
"Sunog--ay este kai. Gumising ka na nga dyan. Hinihintay ka na ni aura dito" napasimangot ako nung sinabihan siya ni lay ng sunog. Di naman masyado eh. Hahaha
"Kaya nga. Wag ka na ulit gagawa ng ganun. Sobrang pinag alala mo kami. Alam mo ba yun?" Sabi pa ni yeol sa kanya.
"Hihintayin namin pag gising mo para mabatukan ka namin dahil sa halos mag ka heart attack kami nung nalaman namin ang nangyari sayo" sabi naman ni kuya luhan
Pagkatapos ng kulitan nila ay napag isipan na nilang umalis. Sinasama na ako ni kuya luhan pero nag paiwan ako.
"Bukas na ako uuwi kuya. Ipag paalam mo na lang ako kala mommy. Sige na bye. Ingat kayo" pag papa alam ko sa kanila
Buong pag uusap namin nila kuya ay napansin kong nananahimik lang si lucy sa gilid at pinapanood lang ang pagkukulitan namin. Di ko talaga alam ang nangyari sa kanya.
Lumapit na lang ako kay kai at hinawakan ang kamay niya. Kinausap ko na din siya tulad ng ginawa nila kuya luhan kanina
"Kai...gumising ka na ha? Grabe ka. Nag alala ako ng sobra kanina. Buti okay ka na ngayon, di ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sayo. Wag mo na ulit ako pag alalahan---" di pa natapos ang sasabihin ko ay biglang nag salita si lucy at lumabas ng kwarto. Di ko naintindihan ang sinabi niya...
"Sulitin mo na yan dahil pag kagising ni kuya. Mawawala na talaga siya sayo"
--------------------------------------------------------
Bigla ko lang natripan mag UD guys. Hahaha
Salamat sa pagbabasa. Vote niyo na din.
Love love
BINABASA MO ANG
Let's play a love game (Exo kai FF)
HumorL O V E That is the feeling that he doesn't know he doesn't know how to love but I will prove him wrong I will make him fall inlove but what if I'm the first to fall? Will he catch me or let my heart be broken? Will I just be one of the...