SELENE
"I don't like that girl, bakit ba lahat na lang ng umaaligid sa anak mo ay hindi karapat-dapat para sa kanya? He's a Gonzales! Calixto should know the weight of having that name."
"He should be learning on how to run our company at hindi maging pipichuging direktor, ano mapapala niya doon Patricia?!"
"Tone down your voice. And Selene is only his friend, Calixto will not do the same mistake again. At least that girl is better than the makeup artist one, may pinag-aralan."
"She came from a broken family. That is still bad news."
Akala ko ay masakit na ang mga katagang binitawan ni Calixto pero paglabas ko sa kwarto niya ay bumungad sa aking pandinig ang mga pasigaw na bulungan mula sa isang kwarto doon sa hallway. Unti-unti akong naglakad palapit dito at lumilinaw din sa aking pandinig ang lahat. Akala ko ay sa teleserye lang nangyayari ito na pag mayaman ka kailangan, sa kagaya din nilang mayaman ka nakatakda, ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi kasundo ni Calixto ang kanyang ama dahil tutol pala ito sa gusto niyang gawin.
Awtomatiko akong napatakip sa aking bibig ng maramdaman ko ang gustong kumawalang hikbi, hindi ko namalayan na may luha na palang tumutulo sa aking pisngi.
Pakiramdam ko ay nahusgahan ang buong pagkatao ko dahil sa kasalanang hindi naman namin ginawa, hindi ginusto ni mama na iwan kami ni papa, hindi rin niya kasalanan kung bakit ito bumuo nang ibang pamilya bukod sa amin. Pero bakit patuloy pa rin kaming sinusundan ng mga hindi namin kontroladong pagkakamali, parang isang pangit na peklat na hindi na mawawala at iyon na lamang ang kanilang nakikita.
Sa mga ganitong bagay ay mas naaawa ako sa aking ina. Hindi ito nararapat sa kanya, dahil kahit lumaki akong walang ama sa tabi ko ay napag-aral niya ako ng walang tulong ng iba, at ngayon ay maipagtatapos na rin niya ako ng kolehiyo , kahit madalas ay nahihirapan na siyang kumayod para sa pang-tustos ng aking tuition fee at gastusin ko para sa klase. Pinili din niyang mag rotating shifts dahil mas malaki ang sahod dito kahit pa'y hirap na hirap na ang kanyang katawan para i-adjust ang pagtulog niya.
Hindi ko na kayang marinig pa ang mga ibang sasabihin nila kaya dahan-dahan na akong bumaba at tumakbo paalis. Pinagbuksan naman ako ni manong guard ng gate ng makita niya ako, pinasalamatan ko siya at tuluyan ng naglakad palayo. Hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng aking paa, gulong-gulo na din ang isip ko, at ang pagtulo ng aking luha ay hindi na huminto.
Napaupo na lang ako sa daan dahil patuloy na ang paglabo ng aking paningin. Wala na rin lakas ang aking tuhod para igalaw pa ang aking mga paa. Hindi ko inaakala na ikakasira ko pala ito, once you allow someone into your life, you should also be ready for all the consequence that comes with it. Ganon siguro pag na-attach ka na, wala ka ng pakealam sa kung ano ang kakahinatnat ng lahat sa huli.
"Selene!" Tinaas ko ang aking mukha sa malabong pigura ng tao na tumatakbo palapit sa akin. "Shit, you scared me." Maingat niya akong hinila patayo at agad niyang hinawakan ang likod ng aking ulo. "I thought may masamang nangyari na saiyo dahil hindi mo ako sinasagot. Buti na lang naka-on yung GPS ng phone mo." Sabi niya habang yakap-yakap na ako.
Oo nga pala, tinext ko si Atlas.
"Ilayo mo na ako dito." Yumakap na din ako at lalong lumakas ang aking hikbi, sinusubukan naman niya akong patahanin dahil panay ang haplos niya sa aking buhok at likod.
"Selene, he lives in this area. What did he do to you this time?" Hinawakan niya ang aking baba para magtama ang aming paningin. Nakita ko ang matalim niyang tingin at halata ko ang kanyang pagka-inis.
Lalo lang naman umagos ang aking luha, bakit ba apektadong apektado ka Atlas? Wala ka na nga dapat pakealam sa akin, bakit ka pa andito sa tabi ko?
Agad niyang pinunasan ang mga luhang nagsisi-unahan sa pisngi ko. "Shit, Selene. Hindi kita pinapaubaya para saktan ka lang niya." Inis niyang giit sa akin, naghalo-halo na ang emosyon niya at pati siya ay hindi na alam kung ano ang gagawin sa akin dahil palakas narin ng palakas ang iyak ko.
Napamura ulit siya sa naging reaksyon ko. I tried to compose myself para naman mabawasan ang kanyang pag-aalala. "Calixto did nothing wrong, Atlas." Umiling ako at tinakpan ko ang aking mga mata, nagbabakasali na pag ginawa ko iyon ay huminto din ang pag luha ko.
"Wag mo nga siyang ipagtanggol." Narinig kong naiinis niyang turan. I shrugged again, even though I can't see him, I know he's clenching his jaw.
"It's his family. They do not like me..." Napakagat pa ako sa ibaba kong labi ng maramdaman kong may gusto nanamang lumabas na hikbi. Atlas pulled my hands away from my face as he crouched down and leveled my gaze.
"What's not to like about you, Ling?" Tumitig siya sa akin. Iginala pa niya ang kanyang mata sa buong mukha ko, it was careful and soft na para bang wala na siyang ibang hahanapin pa dahil kuntento na siya sa nakikita niya. "Mga bulag sila para hindi nila makita kung gaano ka kahanga-hanga. Bilib nga ako kay Tita Aiko sa pagpapalaki sayo. Shit, daig mo pa nga ang full package." Dagdag niya, na nakapag-patigil sa akin.
Napansin niya ang namumuong luha nanaman sa gilid ng mga mata ko kaya inayos niya ang kanyang pagtayo at ipinatong ang kanyang kamay sa ulo ko saka niya ako hinigit palapit sa kanya.
"Halika na at iuuwi na kita." He said clicking his tongue, and we started walking. Naka-parada pala ang kotse niya sa kabilang gilid ng daan.
"Night shift si mama."
Tumingin siya sa akin saglit bago siya nagpatuloy uli sa paglalakad. "Edi, iuuwi kita sa bahay ko."
Huh???
Napansin niya siguro ang katahimikan ko dahil humarap siya uli sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Makahulugang siyang tumitig sa akin.
"Do you really think I'll leave you alone in this state? Asa ka pa, Selene."
BINABASA MO ANG
If you only knew
Short StoryIn which Selene (Lalisa) finds herself stuck in a love triangle between her friend, Calixto (Taehyung) who is still trying to move on from his ex and her ex, Atlas (Jungkook) who keep confusing her with his actions. A Taglish (Filipino) Taelicekook...