KABANATA 36

1 1 0
                                    


                   ⚜️Bella⚜️


Hindi rin nag tagal dumating si kuya butler sakay sa SUV. Nagmadali siyang bumaba para puntahan kami ni Shadow sa gilid ng 7/11..


Sobrang lakas na kase ng ulan at nababasa na kami ni shadow sa tilamsik neto.


" Miss Bella, bakit po kayo dito sa labas nag antay. Sana po ay pumasok muna kayo sa loob. " sabi habang pinapayongan ako.


" Okay lang po Kuya, maliligo nalang po ako pag dating sa dorm. "



" That man did he hurt you? " seryosong sabi niya sakin.


" Hindi po "


Hindi niya ako sinaktan pero bakit mabigat parin sa puso ko yung reaksyun niya ng makita niya ako dun sa condo ni Kendrick.


" Are you sure Miss Bella? May sinabi ba siyang hindi maganda sayo? " tanong ulit ni kuya sakin habang pinapasakay ako sa SUV.


" Wala naman po, nagalit lang siya kase pinalitan ni Kendrick ang passcode sa condo niya "


" You shouldn't open that door Miss Bella, Sana hinayaan mo nalang siyang magdabog sa labas."


" Bakit naman po?. Eh tatay siya ni Kendrick. Nakakahiya naman po kong hindi ko siya papasukin sa condo ng anak niya Kuya. "


" Kaya nga umalis si Kendrick sa mansion para makawala sa kanya Miss Bella. He's not a father. He's a f*cking controller. "


" Ano ibig niyo pong sabihin Kuya? "


" Hindi anak ang tingin niya kay Young Master. Just like that old man. They treat him as an investment for their business venture. Like a piece in chess"


Naguluhan ako sa sinabi ni Kuya pero isa lang ang maintindihan ko. Hindi tinatrato ng tama ng Daddy niya si Ken.


" Stay away from him Miss Bella, If you ever cross ways with him again. Just run away. Mapapahamak ka lang dahil sa kanya"


" Tatandaan ko po yan Kuya. "


" Whatever he said to you. Don't believe it Miss. "


" Opo Kuya. Huwag po kayong mag-alala sakin. Okay lang po ako.


Hindi rin nagtagal nakarating na kami sa Gate ng dorm ni Alia.


Agad akong nagpasalamat kay Kuya at umalis na din agad siya. Nang makaalis na ang sasakyan niya pumasok din kami agad ni Shadow sa loob.


Pagkapasok ko sa loob ng kwarto namin dun lalong bumigat ang pakiramdam ko. Dumeretso ako sa kama dahil sa halo halong emosyon nararamdaman ko.

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon