ATLAS
Hindi naman talaga ako naniniwala sa love at first sight o kahit ano pang matalinghagang salita tungkol sa pag-ibig, pero nang dumating si Selene sa buhay ko, para bang ang paniniwala ko ukol dito ay awtomatikong nagbago din. Meeting her was not really that magical at all, rather it was mundane and unremarkable but damn I was captivated. Sa dinami-dami ng tao sa loob ng classroom namin, ang mga mata ko ay parang magnetang hindi matanggal sa mga ngiti nito, Selene was so adorable when we were thirteen, fortunately we became seatmates on the second semester of our freshman year in middle school.I was force to hide my little crush on her since she was so focus on her studies so I became her friend instead, we even pick the same senior high school together because we both love arts, ang nakakatawa dito ay hindi ako ang unang umamin. One thing about Selene is, she's very territorial on what hers, it was the reason why we even became a thing.
It happened during our first sports fest as senior high students, Justine and her noticed na may umaaligid na sa akin, So, she did the craziest thing and shouted in front of everyone, in the middle of our basketball game, "Pag na-shoot mo yan, Atlas Ford! Tayo na!!!" Maging ako ay nagulat sa pagiging straightforward niya, si Justine na katabi niya that time ay yumuko na lang sa kahihiyan, pero winagayway lang ni Selene ang banner na ginawa niya para sa akin saka niya ako kinindatan ng magtama ang aming tingin.
Natatawa akong umiling at drinibble uli ang bola, distracted ang lahat ng manlalaro sa kanyang ginawa kaya naman hindi ko na pinatagal pa ang paghihintay niya. I shoot the ball and it glides perfectly inside the ring.
Ang nakakabingi niyang sigaw ang sunod kong narinig na nakapag-patawa lalo sa akin. "HOY! Wala nang aagaw diyan, akin na yan!!!" Tinuro niya pa ako at pinanlakihan ng mata ang mga babaeng nasa first floor na alam niyang umaaligid sa akin. Nagsihiyawan naman ang mga teammates ko, at nagsimula na akong asarin, ang mga iba ay sumipol pa! Si Justine na kanina ay nahihiya ay tumatalon na rin kasama ang best friend niya.
"Selene Mendoza!!! Iyong-iyo ako!!!!"
Napangiti ako ng maalala ko ang lahat ng iyon. Selene gave me 4 years and 2 months of happiness, kaya nung naramdaman kong unti-unti na siyang napapalayo sa akin ay natakot ako. I was so damn scared that she was slowly drifting away from me, so I did the most unexpected thing. I asked for some time off from each other.
Hindi ba ganon naman kadalasan? Minsan kailangan mo lang huminga kaunti at mag-isip, but right after I realized how much she meant to me, Selene wanted a closure between us and officially ended our relationship.
It was my stupidity and lack of faith in our relationship that led to our story ending up like this.. So, I really have no one to blame other than myself, that's why I'm willing to take the consequence of my actions.
Hindi ko na lubos maalala kung nakailang buntong hininga na ako habang buhat-buhat si Selene papunta sa aking condo unit, siguro sa pinaghalong devastation and pagod ay nakatulog na siya sa byahe kanina kahit pa dumaan kami sa drive through ng Mcdo at binilhan siya ng Mcflurry to lighten up her mood sana and energized her ay wala parin itong naging epekto at nakatulog na lang siya habang tahimik na nakatingin sa bintana ng kotse ko.
Agad akong dumiretso sa aking kwarto ng makapasok ako sa aking condo, dahan-dahan ko siyang inihiga sa aking kama at tinanggal ang kanyang sapatos. Matapos ko itong ginawa ay sinuklay ko ang nagulong buhok niya gamit ng aking daliri, nang pagmasdan ko ang kanyang mukha ay nakita ko ang tumuyo ng luha sa kanyang mga pisngi.
"I'm sorry, Selene." Taimting kong sambit, hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko parin ang paghihinayang na pinakawalan ko siya. Dahil kahit paulit-ulit naming sabihin na maayos ang aming paghihiwalay, I hurt her. She didn't even want to see me for months after ng cool off namin. I just knew she was blaming herself during those times, and I wasn't there to tell her na it's not her fault. It was never her fault.
Kumuha ako ng malinis na bimpo at binasa iyon ng lukewarm na tubig saka bumalik sa kwarto para punasan ang kanyang mukha. She stirred from her sleep ng maramdaman ang maingat kong pagpunas sa kanyang pisngi, "Atlas?" Iminulat niya ang kanyang mata at agad nagtama ang aming mga paningin.
"You better rest, Ling." I whispered and continue to wipe her face clean. Hinawakan niya ang kamay ko at ang maganda niyang kilay ay nagsalubong. "Stay with me. Okay?" Hindi ako sumagot, ngumiti lang ako at tinapos ang pagpupunas sa kanyang mukha. Nang makuntento ako ay inilagay ko ang bimpo sa coffee table na nasa gilid ng kama ko. "Atlas..." She whined nung napagtanto niyang hindi ko pinansin ang kanyang sinabi.
Mahina akong natawa at tumayo, kukunin na sana niya uli ang aking kamay nang inikot ko ang aking comforter sa katawan niya. "Atlaaasss, hindi ako nilalamig." Parang batang saad niya, pero binalot ko parin siya ng mga kumot at ngayon ay nagpipigil na lang ako ng tawa dahil mukha siyang pusa na naka-burrito wrap. Kinuha ko yung remote ng aking aircon at pinindot ang ON button.
"Atlas, pakawalan mo ko dito." Pilit niyang ginagalaw ang kanyang katawan pero hindi ko hinayaan na makalaya siya kaya naman humiga na rin ako at tinabihan siya, saka ko siya ikinulong sa aking bisig. "Ssshhh, kung hindi ko to gagawin baka umuwi kang may apo na si Tita Aiko."
"Ang baboy mo, Ford! As if naman papayag ako ngayon na gapangin mo!"
"Ikaw nga tong maypa-stay with me."
"Nakakainis ka!"
Gumalaw-galaw ulit siya palayo sa akin pero agad ko naman siyang kinuha palapit at inilagay ang kanyang mukha sa bandang dibdib at leeg ko.
"Sshhh, inaantok na din ako. Tulog na tayo, tangi ko."
BINABASA MO ANG
If you only knew
Short StoryIn which Selene (Lalisa) finds herself stuck in a love triangle between her friend, Calixto (Taehyung) who is still trying to move on from his ex and her ex, Atlas (Jungkook) who keep confusing her with his actions. A Taglish (Filipino) Taelicekook...