KABANATA 37

4 1 0
                                    


                 ⚜️Third Person⚜️


Puno man ng takot at kabado ang dibdib ay agad bumalik sa lunga ng mga rebelde ang bata kinatagpo ni Capt. Arellano. Habang siya ay matiyagang nagmamasid at nag-aantay ng tamang pagkakataon para lusubin sila.


Pagbaba ng Bata sa butas ay binaybay niya ulit ang makipot na daanan sa ilalim. Para lamang itong isang lumang tunnel sa pagmimina ng ginto. Isang main tunnel ang nagkokonekta sa lahat ng maliliit na daanan papunta sa bawat maliliit na kweba na nagsisilbing silid ng mga rebelde sa ilalim.


Maiihahalintulad mo ang loob ng lunga sa isang colony ng mga langam sa ilalim ng lupa. Bawat parte ng kilusan ay may nahanda maliit na silid at ang pinakamalaking man made underground basement ay dun namamalagi si Cobra.


Kasama ng ilang mga kababaihan na kanyang ginawang personal na tagahatid aliw.


Binaybay ng Bata ang pamilyar na daan papunta kay Cobra para ihatid sa kanya ang Alak na ipinakuha niya sa labas.


Palihim ng naihalo ng bata dun ang gamot ni binigay ni Keelan sa kanya. Nag ipit na rin siya nag iilan syringe na may anesthesia sa garter ng kanyang suot na jogging pants. Ang ibang gamit na binigay sa kanya ni Capt Arellano ay itinago niya muna sa ilalim ng kanyang higaan.


" Wag kang matakot. Kailangan maligtas mo ang kapatid mo. " paulit ulit na sambit niya habang papalapit sa silid ni Boss Cobra.


*Kailangan mo itong magawa ng tama*


Natatanaw niya na ang ilan mga tauhan ni Cobra na nakabantay sa bukana ng silid ni Cobra. Nag iinom na naman sila at nag yoyosi pinag-uusapan kong sino na naman sa mga kawawang bihag ang titikman nila ngayon gabi.


Nandilim sa galit ang paningin niya ng marinig niya ang pangalan ng kanyang kapatid.


* Umayos ka, hindi ka pwedeng nagkamali. Itong pagkakataon lang na ito ang chance niyo para makatakas sa impyernong ito. *


" Oh!!! Nandito na pala ang rasyon natin ng Alak!! Bakit ang tagal mo naman bata!!! "


" Pasensya na mga Boss, Nag-iingat lang para hindi tayo matunton dito. " sagot nito sa kanila.


" Sigeee naa! Ihatid mo na yan kay Boss. Kanina pa yun nag-aantay sa alak niya. " pinadaan nila ang bata at pinapasok sa loob.


Nang makapasok ay nakita niya ang leader ng kilusan na may binabastos na naman na babae. Mas matanda ng kaunti sa kanyang kapait. Walang pakealam si Cobra sa impit na sigaw at iyak pagmamakaawa ng babae para huwag siya netong galawin.


Kahit ayaw neto ay wala itong magawa dahil sa baril na nakatutok sa tagiliran neto. Kahit ilang beses na itong nasaksihan ng bata ay hindi parin nagbabago ang sukdulan galit at pagkasuklam na nararamdaman niya para kay Cobra.


No kong may pagkakataon laman siya at kakayahan ay siya na lamang ang papatay rito upang matapos na ang kasamaan neto.


" Pinuno.. Narito na pang Alak niyo. "


" Sa wakas! Salinan mo ako paborito kong utusan. " agad sinunod ng bata ang sinabi ni Cobra.


Habang ang Babae kasama ni Cobra ay pilit na tinatakpan ang kanyang katawan.


" Wag!!! Hindi pa ako tapos sayo!! Iinom lang ako ng Alak pangpalakas! Tapos magsimula tayo ulit. Hahahahahaha" maladem*nyong tawa pa nito.


Walang nagawa ang babae kong umiyak nalang sa gilid, dahil alam niya na hindi pa tapos ang panghah*lay sa kanya ni Cobra.


* Tiisin mo lang, matatapos na ito ngayon gabi* kita niya kong paano nilagok ni Cobra ang tatlong baso nf alak.


Lihim siyang natuwa sa kanyang nakita, maya maya lang ay eepekto na sa kanila ang pampatulog na inihalo niya sa inumin. Dali dali bumalik ang bata sa kanya pwesto sa sulok.


" May ipaguutos pa ba kayo pinuno?" tanong ng bata kay Cobra.


Base sa itsura neto ay kitang kita na lasing na ito sa alak.


" Wa-la na. Pero dalhan mo ng alak ang mga bahay sa mga bihag. " muling utos neto sa kanya.


Bitbit ang ilang bote ng alak ay nagtungo ulit sa siya sa ibang parte ng lungo. Kung saan nakapwesto ang mga bihag na hostages ni Cobra na binabantayan ng mga armado netong tauhan.


Nang makarating siya roon ay agad siyang sinalubong ng isa sa mga ito para kuhanin ang dala dala niyang alak.


" Kumuha ka dun ng palutan! Bilisss!! Kanina pa kami nagugutom rito!!! " utos neto sa kanya sabay hampas s kanya ng malakas sa may batok.


Lihim niyang tiningnan ang mga matatanda at bata sa loob ng isa pang maliit na lunga. Nakaupo sila sa lupa at nakayuko takot na takot na baka saktan na naman sila ng mga armadong lalaki nagbabantay sa kanila. Ang iba sa kanila ay nanghihina na walang sapat na kain at tulog.


* Konteng tiis nalang mga kasama, makakaalis din tayo rito * lihim na sambit ng bata.


Bago siya tuluyan umalis para kumuha ng pulutan sa imbakan nila ng pagkain at nilingon niya muli ang mga bantay.


Lahat sila ay nilalagok na ang alak na binigay niya. Muling bumakas ang saya sa mukha ng bata.


* Sir Keelan, nagawa ko ng maayos ang plano. Hindi magtatagal makakatulog na silang lahat at makakaligtas na rin kami sa lugar na to. *


Matalino ang bata, dahil hindi laman sa alak niya hinalo ang gamot na binigay ni Keelan maging sa tubig na iniinom ng mga rebelde ay naghalo rin siya.


Sinisiguro niyang lahat makakainom sa pampatulog na nilagay niya.


Matapos ihatid ang pagkain sa kanila ay bumalik ulit siya sa kanyang pwesto sa gilid ng labas ng kwarto ni Cobra. Inaantay na bumulagta at mawalan ng malay ang mga rebelde sa ilalim. Para mabigyan niya na ng hudyat si Captain Arellano na kasalukuyan nag aantay sa labas ng kanilang lunga.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Still on weekly updates guys. Busy pa din ako maghanap buhay huhu

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon