⚜️Keelan⚜️
Mag aalas kwarto na ng gabi ng marinig ko ang warning shot galing sa loob ng lunga. Hudyat na nagawa ng maayos ng bata ang pinapagawa ko sa kanya.
Dala ang Assault riffle ko ay maingat akong pumasok sa loob..
Napaka pulido ng pagkakahukay nila Cobra sa hideout nila. Para akong pumasok sa loob ng colony ng mga langam sa ilalalim ng lupa. Napakaraming maliliit na tunnel na nagsasanga sa loob.
At tamang tama nga lang para sa tao na magalaw at makalakad sa loob ng ginawa nilang tunnel.
Para nga akong nasa loob ng minahan ng ginto.
Nang mapalalim ako sa loob ay na.
kita ko na ang iilan mga tauhan ng kilusan na naka bulagta at wala ng malay.
*smirk*
Mautak kayo pero naisahan lang kayo ng isang bata. Sobrang mabisa nga ang gamot na binigay ni Aden samin.
Bawat madaanan ko ay tinatalian ko ng Nylon Cable at sinisiguro kong mahigpit talaga ang pagkakatali neto para kahit magising sila ay hindi sila makawala.
" Sir Keelan." salubong nung bata sakin.
" Bata.. Si cobra! "
" Nasa lunga niya po. pero di ako sigurado kong wala na din siyang malay ".
" Sige, tulungan mo akong itali sila neto" tinuruan ko siya paano gamitin ang Nylon cable na dala ko.
Matapos masigurong nakatali na lahat ng membro ng Kilusan.
" Pakawalan mo ang mga kasamahan mo at lumabas na kayo rito bata. Ako na ang bahala kay Cobra"
" Sige po Sir. Pero mag iingat po kayo. Sundan niyo lang po ang tunnel na ito sa dulo ang lunga ni Boss Cobra " agad siyang tumakbo sa ibang direksyon.
Sinundan ko ang tunnel ang bumungad sakin ang walang malay na bantay sa labas.
Tinalian ko sila ng Nylon Cable bago pumasok sa loob.
(-__-)
Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.
Nakita ko si Cobra na nakabulagta at wala ng malay katabi ng bote ng alak. Mukhang pati ang langit ay umaayon sakin. Napakadali mo namang nahulog sa mga kamay ng otoridad pinuno ng kilusan.
Nilapitan ko siya at sinapok ang ulo niya para masigurodang tulog nga talaga siya. Ng wala akong makuhang reaksyon ay agad ko siyang tinalian ng Nylon Cable.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST
RomancePROLOUGE: Do you know what the most terrifying aspect of life is? Ito yun katotohan sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat. Pwedeng masaya ka ngayon pero bukas hindi na. Pwede din buhay ka ngayon pero bukas pinaglalamayan kana. What are you scare...