Inis

54 4 5
                                    

SELENE


SELENE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Justine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






"Justine." Ipinatong ko ang aking mukha sa aking palad at pinagmasdan ang dahan-dahang pagtulo ng ambon sa mga tanim nila Justine. Sumulyap ako saglit sa kanya at panay parin ang pindot nito sa kanyang cellphone, nakakunot din ang kanyang noo, suminghap ako ng isang malalim na buntong hininga na ikinatigil naman niya saka ako pinagtaasan ng kilay.

"Oh?" Tanong niya sa akin.

"Buti pa ang tikbalang may love life, ilan kaya ang mga tikbalang na kinakasal ngayon?" Malumanay kong sagot saka bumuntong uli ng hininga, pinagmamasdan ko parin ang ambon at ang maliwanag na sikat ng araw na tumatama din sa pananim.

"Gago, naka-drugs ka ba?"

Muntik na akong matawa sa kanyang sagot kung hindi lang bumukas ang gate nila Justine at ang malakas na pag tawag ni Alex sa mga pangalan namin. "Pinag-lihi ka ba ng sama ng loob Justine?! Dami mong demand, nagpapabili ka lang naman! Buti na lang to the rescue tong si Calixto!" Pag re-reklamo ni Alexis habang hawak-hawak ang mga inutos na bilhin ni Justine sa kanya, agad nanlaki ang aking mata ng makita kong nakasunod sa kanya si Calix na may hawak ding malalaking plastic bags na puno ng laman.

Awtomatikong gumalaw ang aking katawan at humiga sa sahig at ipinikit ang aking mga mata, kung bakit ko iyon ginawa ay hindi ko din alam. Malapit na ata akong mawalan ng bait dahil sa mga naganap nung nakaraang araw.





If you only knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon