Suko

39 2 8
                                    

A/N: Ang huling POV ni Selene.

SELENE

SELENE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mag-isa sana akong pupunta dito sa town library pero naabutan ako ni Calixto sa may school gate at dali-dali akong tinawagan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mag-isa sana akong pupunta dito sa town library pero naabutan ako ni Calixto sa may school gate at dali-dali akong tinawagan. Maaga daw kasing umalis si Alexis para ayusin yung nirentahan niyang bar para bukas, si Justine naman ay may family dinner, magpapa-good shot muna daw sa magulang bago walwal kaya sa huli ay kami ni Calixto ang magkasama ngayon, pareho naman kaming over-achiever at passionate sa aming kurso kaya kung aral talaga, walang tanggihan. Halos magda-dalawang oras na rin kaming nagsusulat ng mga notes at nag a-advance reading kaya hindi ko masisisi kung ngayon ay tulala na lang si Calixto sa kanyang pwesto. Maging ako ay sumasakit na rin ang likod kaya minasahe ko ang aking balikat at inikot-ikot ang aking leeg, pag mulat ko ay kaharap ko na si Calixto at nakatitig sa akin.

"Pagod ka na? Sabihin mo lang, okay lang naman akong maiwan dito. Mag co-commute na lang ako pauwi." Ngiti ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita ng ilang segundo at naka-tingin lang sa akin kaya medyo nailing ako kaya itinuon ko na lang ang aking tingin sa librong nasa harapan ko.

"Hindi pa naman, antayin na lang kita."

"Sigurado ka?" Sinulyapan ko siyang muli pero ibinaling na niya ang kanyang pansin at nagsulat sa isang sticky note. Nang makita kong seryoso siya sa kanyang ginagawa at mukhang ayaw magpa-istorbo ay hindi ko na lang din siya pinansin.

If you only knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon