PROLOGUE

70 6 11
                                    

"What the heck?"



Hindi makapaniwalang sabi ko habang tinitignan yung diary na nakalagay sa isang shelf at nakahalo don sa mga books. Nandito kase ako ngayon sa Backstreet Bookstore to grab more wattpad books since I already finished everything that I've been reading and hindi ko naman inexpect na makakita ako ng self diary dito. Yung sa mismong gusot gusot na notebook pa talaga.



I couldn't help but to think tuloy na pinagtripan to ng mga kaibigan nya kaya napunta dito yung diary nya. But that is kung mga gago at mapang asar lang talaga yung mga friends nya, or there is the possibility din naman na sya talaga yung nag lagay nyan as a joke at para mag papansin na rin.



Hindi ko nalang yon pinansin at kinuha yung librong nasa tabi non since yon naman talaga ang bibilhin ko as I walk away from that shelf. After non nag lakad na rin ako papunta sa counter para bayaran yung libro na kinuha ko at para na rin makauwi na'ko since hapon na rin. Ito lang naman sadya ko dito.



Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng bookstore ay bigla nalang akong napahinto at agad kong binalikan yung diary-ng nakita ko kanina sa isang shelf to see if kung nandon pa yon o baka may kumuha na. "Should I get you?" Tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan yung notebook na yon, baka kase kung sakaling balikan dito tapos kinuha ko na.



Hinablot ko yung notebook na yon at binuksan yung first page to see kung kanino yon at kung may nakalagay bang information about sa may ari, pero wala. The only thing that was there is yung text na 'diary' na may design at sa baba non ay may nakasulat na 'dino-saur' which is I don't even know the meaning behind it or baka kung mahilig talaga sa dinosaur yung owner?



Since wala nga akong nakitang information sa first and second page ng notebook agad ko nalang tinignan yung pinakalikudan at huling page, nag babakasakaling may nakalagay don. I was trying so hard not to read it at hanapin lang yung number or kung ano man ng may ari to respect his or her privacy na rin, mamaya kase baka may TMI pa'kong mabasa dito.



While I was looking at the last page of the notebook ay wala pang kahit anong sulat don so I guess hindi pa nya na pupuno yung lahat ng pages pero watak watak na yung notebook nya, siguro kung saan saan nyo to sinisiksik. Agad naman akong napahinto at mahinang natawa when I saw something sa pangalawang page ng notebook sa may likod bago yung pinaka-last.



"Gmail, Instagram, password." Pagbasa ko sa mga yon at sa gilid ng mga nakasulat na yon is some of his personal information like his instagram account, along with his password. Instagram, Facebook or number lang naman nya yung hinahanap ko pero may nasama pang password nya huh, what if I open ko kaya yung account nya? Kidding, that's disrespectful.



"I'll just add you later when I got home." Bulong ko sa sarili ko bago ko tanggalin yung isang strap ng backpack ko para maipasok ko sa loob non yung diary ng kung sino mang dinosaur na'to at nang maibalik ko sakanya.



When I got in home in a subdivision ay wala na naman sila mommy at daddy so I guess nasa work pa sila, the only people that was here is our workers kaya agad naman nila akong nilapitan, binati at tinanong kung may gusto ba akong kahit ano, but I just shook my head as an answer as I smiled at them. "Wag nyo na po akong alalahanin, I'm fine." I said bago umakyat sa taas.



When I already got in my room, I immediately dropped my bag on the floor as I throw myself in my bed as I immediately grab my phone on the pocket of my skirt. Agad kong in-open yung Instagram ko at sinearch yung username nya don which is '@dinosuaric' the same one that was written infront.



Isa lang naman yung account na may ganong username ang lumabas saakin kaya mabalis ko rin syang nahanap, but the only problem is that his account is private. Nag send nalang ako ng follow request sakanya habang nag papagulong-gulong sa kama ko habang iniintay yung approval nya.



But halos mag iisang oras na'kong nakatulala sa harapan ng phone ko ay wala paring nag a-accept saakin kaya napairap nalang ako at binaba na yon as I close my eyes out of annoyance. Hindi ko alam kung bat ako naiirita pero kung ayaw nya kong i-accept then fine, akin nalang tong diary nya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Backstreet Diary (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon