Prologue

16 0 0
                                    


Kakatapos lang ng midterm exams namin, pa'no naman kaya si Mr. Right ko? Kailan kaya siya dadating?

"Uy ano sagot niyo sa question no. 13? Nile River kasi sagot ko!"

"Hala?! Nile River pala? Gagi yung nasulat ko yata ay Pasig River!"

"Kahit kailan ka talaga! Ano yun?! The longest river in the world? Sa tingin mo, Pasig River yung sagot dun?!"

"Sorry ha? 'Di naman kasi ako nakapagreview tulad mo! Oh edi ikaw na, saksak mo pa sa baga mo 'yang Nile River mo na yan!"

"Kahit nga siguro Grade 1, alam ang sagot sa tanong 'yan. Ang sabihin mo lang, bobo ka talaga, tsk tsk."

Ang dalawang nag-aaway na parang mga aso't pusa ay mga alaga ko, ay este mga kaibigan ko.

Tatlo lang kami magkakaibigan. Ang pinakamatalino at ang pinakamaganda sa grupo ay si Lyna at ang isa naman na palaging lutang at sabog ang utak ay walang iba kundi si Marina.

Si Lyna ang isa sa mga famous sa campus namin dahil sa kagandahan niyang mala-diyosa kaya maraming siyang manliligaw at taga-hanga. Siya rin ang Valedictorian namin since grade 7 kaya asan ka pa? May beauty na, may brain pa!

Siyempre wag naman natin kalimutan si Marina. Siya lang naman ang walang ambag sa lipunan chariz, wala akong madedescribe sa kanya basta ang alam ko lang na kapag may palabanan siguro sa pagiging lutang at sabog ang utak, wala ng ibang mananalo diyan, kundi si Marina na yan! Papalakpak pa siguro ako sa saya.

At syempre, ako. Ako lang naman si Lili Ziana, for short, Lizi. Hindi man ako pinakamaganda o matalino tulad ni Lyna at siyempre hindi ko naman lalabanan ang pagiging lutang ni Marina, kahit sa kanya na lang 'yun, ako lang naman ang pinakatarantado at napakapasaway sa balat ng lupa. Akalain mo naman kasi, kaya kong ipa-walkout ang isang teacher dahil sa pakikipagdebate ko habang sa klase. At isa pa, ako ang pinaka jologs sa aming magtotropa kaya mahilig ako mang-trip at kung minsan, napupunta pa ako sa principal's office dahil sa mga katarantaduhan na pinaggagawa ko sa buhay.

Pero syempre people change din naman dahil ang Lizi niyo ay nagtransform bilang isang aswang, joke lang siyempre, nagmamature na at incoming first year college na rin naman kaya lahat nagbabago hanggang sa minsan napapatanong nalang ako sa sarili ko na...

Pa'no ako nakarating sa puntong 'to ng buhay ko na wala naman akong ibang ginawa kundi maging tarantado at pasaway dati?

Nasanay na akong may pinagtitripan simula pa highschool. Tawag pa nga nila sakin noon, "Crazy Sigang Babae." Kahit tanongin mo pa lahat ng estudyante sa school ko noon, wala kang maririnig na sagot na, "Lili Ziana Bustamante, Grade 12, section 1." Kung tatanungin sila, "Kilala niyo ba si Lizi?" Pustahan, ang sagot nila ay "Hindi mo kilala 'yun? Siya ay kilala bilang 'Crazy Sigang Babae' sa campus na 'to, walang may balak lumapit sa kanya kasi baka madali pa ng mga malakasang trip 'nun tulad ng..."

Weirdo Slam
"Sa'n ka pupunta, Weirdo?" tanong ko sa babaeng may salamin na hindi ko din naman alam ang pangalan basta gusto ko lang siyang pagtripan.

"A-ah sa li-library, bakit?" gagi nauutal pa ampotek. Hindi lang pala weirdo ang isang 'to, nerd pa pala.

"Gusto mo samahan kita?" Feeling close pa ako dito e pagtitripan ko lang din naman.

"Pwede naman" at dumiretso na nga kami sa library. Dumiretso siya sa mga bookshelves at naghahanap ng kung ano mang librong may interest siya pero sana makakita siya ng libro na may title na, "The Weirdo–Oh, That's Me!" makakarelate pa siya dun.

Habang ako naman umupo sa isa sa mga upuan at piagpahinga ang mga kamay ko sa lamesa. Maya't maya, nakaramdam ako na may umupo sa harapan ko at tiningala ko ang babae na ngayo'y nagbabasa na ng isang makapal na libro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Prince and the NuisanceWhere stories live. Discover now