Tayo at Ako

0 0 0
                                    

Noong sinabi mo sa 'king hindi mo na ako mahal, sa totoo lang wala akong maisip na sabihin pabalik noong mga oras na iyon.

Kaysa magsalita, mas pinili kong pakiramdaman ang sarili kong damdamin at tanungin sa sarili kung; Ano na ba ang susunod kong gagawin ngayong pagkatapos ng maraming taon nang pananatili sa piling mo ay nagising ka na lang na hindi na ako ang laman ng puso mo.

Ni ang paghagulhol nang iyak ay bigla kong nakalimutan sa mga oras na iyon. Tanging malalim na pag-iisip ang pumalit.

Magiging totoo ako sa 'king sarili, pero ang pinakauna kong naisip pagkatapos nun ay ang iwanan ka at talikuran na lang lahat nang pinaghirapan natin.

Dahil bakit pa ako mananatili sa taong hindi na pala ako ang tinitibok ng kaniyang puso.

Ngunit matapos ang araw na iyon ay napa-isip akong muli...

Ano ba ang desisyong nararapat kong gawin?

Ang sinasabi ng isip ko'y ang bitawan at iwanan ka, ngunit bakit nakikipagtalo ang puso ko at sinasabi nitong manatili muna at subukan pang ayusin ang lahat.

Naroroon ako sa puntong alam ko na ang kailangan kong gawin ngunit ayaw kong gawin ito.

Ngunit sa huli mas pinili ko pa rin ang manatili. Kung bakit ay hindi ko alam ang eksaktong sagot.

Basta pinili ko pa rin ang manatili sa kabila nang kaalamang hindi mo na ako mahal.
Pinili ko pa ring ayusin ang relasyong hindi ko na alam kung kaya pa nga bang ayusin.
Pinili ko pa ring hawakan ang kamay mo kahit alam kong nakabitaw ka na.

At pinipili ko pa rin ang piliin 'yong TAYO kahit pakiramdam ko na sa dulo'y magiging mag-isa na lang ulit AKO.

Writen by;
— Luna 🌙

Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon