CHAPTER TWELVE
LUMABAS si Frances ng bahay pagkatapos magluto. Tinawag niya si Matthew na nagwo-work-out sa labas.
Nasa may bandang dalampasigan ito. Cargo shorts lang ang tanging suot at nakayapak pa sa buhanginan. Pawisan na ang buong katawan nito. Nakikita niya pa talaga ang pagtulo ng pawis nito sa noo, sa leeg, at sa malapad na dibdib.
Nagpe-flex ang lahat ng muscles sa katawan nito habang iwinawasiwas nito ang arnis na hawak. Sumisipa pa ito pataas sa ere. Sumunod ay binitiwan nito ang arnis at sinimulan ang "fighting" routine nito.
Sumusuntok, yumuyuko, sumisipa, naniniko, pumapadyak, humahampas... Matitigas na mga galaw, kalkulado, suwabe at sigurado ang bawat kilos.
Paulit-ulit.
He looks like a warrior training for a fight, a soldier getting ready for a war.
Frances dreamily sighed while looking at him. Matthew's no prince charming.
He's a mighty knight.
Bumuga ng malakas na hangin si Matthew at saka huminto sa pagkilos. Tumaas baba ang dibdib nito. Nilagay nito ang mga kamay sa magkabilang baywang at saka nagsimula ng breathing exercises.
Mabilis na bumalik si Frances sa loob ng bahay para kumuha ng tubig. Paglabas niya ay nagpupunas na si Matthew ng pawis nito at saka nagsuot ng itim na shirt.
"Here," sabay abot niya rito ng isang basong tubig.
"Salamat." Kinuha ni Matthew ang baso gamit ang kaliwang kamay nito. Habang ang kanan naman ay kinuha ang kamay niya. Mabilis nitong naubos iyon at ipinatong lang ang baso kung saan.
"Halika, punta tayo doon," sabay turo ni Matthew sa isang maliit na kuweba na nasa dulo ng dalampasigan. Kaunting lakad lang naman mula sa bahay nito.
"Anong mayroon?"
"You'll see."
Pagkarating nila ng kuweba ay nakita ni Frances na may isang maliit na pinto doon. Kuwebang may pinto? Ngayon lang siya nakakita ng ganoon! At ngayon lang din siya nakapunta sa kuweba na iyon kahit pa mahigit isang buwan na sila sa poder ni Matthew.
Sinusian nito ang pinto at pagkapasok ay agad na binuksan ang mga ilaw. Napasinghap siya nang makita na hindi lang pala basta kuweba iyon!
It's a training field for gun shooting!
Napalingon siya kay Matthew. "Wow! May ganito pala rito?"
Tumango ito at may binuksan na namang switch ng ilaw. Sa malayong parte ng kuweba ay umilaw ang mga shooting target boards na korteng tao. May switch pa ulit na binuksan si Matthew at may isang maliit na portion ng dingding ang bumukas!
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang iba't ibang klase ng mga baril, rifles, at pistols na nakasabit sa bumukas na dingding.
May koleksyon si Matthew ng mga baril!
"This is my father's shooting field. Matagal na 'to. Bata pa 'ko nang pinagawa 'to ni Papa. Sayang kasi ang space ng kuweba. Pero maganda ang pagkakakulob kaya pinagawa niya 'to," pagkukuwento ni Matthew habang may kinuhang handgun mula sa pinakita nito.
Kinasa nito iyon at lumabas ang magazine ng baril. Sa baba ng mga baril ay maraming box ng mga bala siguro. Kumuha doon ng ilan si Matthew at saka nilagay sa magazine.
Inilibot niya ang paningin sa buong kuweba. Hindi nilagyan ng kisame kaya ang mga ilaw ay nakasabit lang gamit ang ilang iron steels na nakasabit naman across the sides of the cave. Ngunit sa taas pa ng mga ilaw ay ang halatang kurba ng kuweba. May proper ventilation din doon.
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomansaMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...