Binuksan ko ang bintana at dinama ang simoy ng hangin. Kakalipat ko lang dito sa Siquijor, napagpasiyahan kong dito muna sa probinsya manirahan.
Makakatulong din kasi 'to sa mental health ko. Bilin kasi ni Dra. Sanchez na magbakasyon muna ako't lumanghap ng sariwang hangin.
“Apo, handa na ang hapunan tara na't kumain” pagtawag sa akin ni lola. Lumabas naman ako ng kwarto at dumiretso sa hapag-kainan.
Bago sa akin ang ibang pagkain dito, sa Maynila kasi umo-order lamang ako palagi dahil mag isa lang naman ako. “Kain ka lang nang kain apo” ngumiti lang ako kay lola. Hindi kami ganoon ka close ng lola ko dahil sa siyudad ako lumaki.
“Yami, isarado mo ang bintana mamayang gabi. Masyado kasing malamig dito sa gabi, baka mapaano ka” normal lang naman ang pagkakasabi niya nito ngunit may kung anong nagpatayo ng mga balahibo ko.
Pagkatapos kumain ay naghugas ako ng pinggan at pumanhik muli sa aking kwarto.
Mabilis ang pintig ng aking puso habang nakatitig ako bintana, katapat ng kwarto ko ang isang napakalaking puno.
Napupuno ito ng alitaptap, rinig na rinig ko rin ang huni ng mga kuliglig. Isang malakas na hangin ang dumampi sa aking balat.
Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin. “Yami....” biglaan akong napamulat nang marinig ko ang pangalan ko. “Ilusyon lamang 'yon Yami, wala lang 'yon” isinara ko ang bintana at humiga sa malaki at malambot kong kama.
Agad akong yumakap sa unan ko at pumikit, hindi ako mapakali, hindi ako makatulog. “Yami...” tinakpan ko ang dalawang tenga ko at pumikit. “S-stop please” ilang sandali pa ay kumalma na ang sistema ko.
—————
Pagmulat ko ay naglalakad ako patungo sa tapat ng puno. Mayroong malakas na hangin na pumapaikot sa akin, tanging liwanag ng bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw ko sa aking nilalakaran.
“Yami...” nagpalinga-linga ako. “Yami...Yami...Yami” iba't ibang boses, tatlong malalaking boses ang naririnig ko. Napalunok ako, kusang tumigil ang mga paa ko nang makarating ako sa tapat ng malaking puno. “S-sinong nandiyaan?”
Napapitlag ako nang may humawak sa balikat ko. “Sino ka?!” tumingala ako upang maaninag ang mukha n'ya. Isang matangkad na lalaki, bughaw ang kaniyang mga mata, mahaba ang kaniyang kulay gintong buhok, mapupulang labi at mayroon s'yang malaking katawan na tinatakluban lamang ng kaunting tela. “Yami...” napalingon pa ako sa gilid n'ya, dalawa pang lalaking kamukhang-kamukha at kapigura n'ya.
“S-sino kayo? anong kailangan n'yo sa'kin?!” bahagya akong napaatras, dahan-dahan namang lumapit ang isa sa kanila. “Yael, yael ang ngalan namin” hinawakan niya ang pisnge ko “Kami ang tatlong prinsipe ng punong ito” sambit pa ng isa sa kanila.
Nanunuyo ang lalamunan at labi ko sa bawat titig nila sa akin. “Maaari ka ba naming angkinin binibini?” nakatitig lamang ako sa kanila at dahan-dahang tumango.
Inilapit niya sa akin ang kan'yang mukha at hinalikan ang aking labi. Wala sa sarili ko itong tinugon, bawat halik ay nakapagbibigay ng init sa katawan ko. Nagulat pa ako nang hawakan ng isa pang Yael ang kaliwang dibdib ko at pinisil-pisil ito. Habang ang isa pa'y pumunta sa likod ko at hinalik-halikan ang batok ko, pababa sa likod.
“Hmm...” Nakapikit ako at ninanamnam ang bawat halik at haplos nila sa balat ko. Ramdam ko ang mga ugat ng puno na gumagapang sa aking katawan at tinatanggal ang saplot ko. “Sobra kang nakakaakit Yami” may ugat na pumulupot sa dalawang pulsuhan ko.
YOU ARE READING
R•18 (SPG) #ongoing
Kısa HikayeHi, I'm new here hopefully na suportahan nyo ako thank you♥️ And warning ⚠️ bawal sa Bata, dahil SPG Ang story