Chapter 6

9 4 0
                                    

“Dionela Eireihz Alcazar,” basa ko sa nakasulat na pangalan sa cover ng libro.

Nasa maliit na library ako ng bahay ngayon. Wala silang lahat kaya wala akong magawa sa buhay. Si Ate Lizzy ay umalis bigla kaninang umaga, hindi ko rin alam kung saan ang lakad niya pero mukhang importante kasi nagmamadali siya. Ang mag-asawang si Ma'am Dione at Sir Ian ay lumipad na naman patungong Hongkong at hindi ko alam kung kailan sila ulit babalik. Iniwan nila ang kulugong anak na hindi ko alam kung saan na namang lupalop ng Pilipinas pumunta. Paggising ko pa lang ay note lang ni Ate Lizzy sa ref ang nadatnan ko na aalis daw siya.

Kaya heto at pinagdidiskitahan ko ang mga librong nagkalat dito sa maliit na silid.

Bumalik ang tingin ko sa librong hawak-hawak. Tingin ko ay kay Ma'am Dione ito.

Ito pala ang full name niya?

Ang ganda naman!

Nang magsawa sa pagkalikot ng mga libro ay ibinalik ko na. Nakakatakot naman kasi hawakan ang ibang libro, paano ba'y mukhang nasa old books section na ako umabot. May mga nahuhulog na papel kaya ibinabalik ko na lang.

Nang matapos ay bumalik ako sa kwarto. Plano ko sana ay maghanap ng trabaho. Hindi na kinakaya ng boredom ko ang pananatili rito. Sa sobrang kabaitan naman kasi ng mag-asawa ay hindi na nila ako pinapayagang magtrabaho rito sa loob. Kaya naman balak ko na lang ay mag apply ng iba pang trabaho, mas maraming raket, mas maraming pera.

Galante nga magbigay ng pera ang mga boss ko kahit palamunin lang naman ako rito. Nakakahiya na rin kaya para kahit papaano ay hindi ako makakaasa sa kanila ay magsasariling sikap na lang ako.

Matapos kong magbihis ay nagmadali na akong kumilos paalis. Hindi ako puwedeng maabutan ni Ate Lizzy dahil siguradong hindi ako makakaalis.

Mabilis ko naman narating ang malapit na bagong bukas na resto bar sa may bukana ng villa. Di bale na kung malapit lang ito sa villa, mas madali akong makakarating at hindi mahihirapan.

Saktong nadadaanan ko naman ito pauwi kaya balak ko sana ay after class ay didiretso ako rito.

“Alexis!”

Bahagya pa akong nagulat sa pagtawag ng kung sino.

“Alexis! Dito!”

Finally! Nakita ko rin.

Si Lienne ang kanina pa tawag nang tawag. May mga kasama itong hindi pamilyar sa akin. Mukhang mga circle of friends niya mula sa ibang school o kaya ay ahead sa akin kasi hindi ko nakikita.

Noong una ay nag-aalangan pa ako kung lalapit ba ako o huwag na lang. Pero sa huli ay napalapit din ako.

Parang tanga itong pumalakpak. “Guys! Si Alexis, iyong sinasabi ko sa inyo!”

“Euston Acheleus, Kio for short,” ngiti ng isang lalaking singkit na hindi rin pamilyar sa akin. Inabot nito ang kamay.

“Adele,” wika naman ng babaeng kulot ang buhok.

“They are all Roseinstenians pero sa ibang department lang ang iba at iyong iba naman ay higher level,” sagot ni Lienne nang mahina akong magtanong sa kaniya.

“Kio is from London, while Adele is from Hong Kong. Magpinsan ang dalawa. Ngayon lang sila nakauwi dito.”

Marami pa siyang kuwento tungkol sa mga kaibigan niya pero napako na ang tingin ko sa lalaking papalapit.

“Si Raze pala iyong kahapon, ano? Muntik ko na siyang hindi makilala! Boyfriend pala iyon ni Adele.”

Hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya lalo na nang matalunton ng aking mga mata ang kaniyang nakakapanghinang tingin.

“Oh! Speaking of the handsome creature, he's here pala!” Napaiwas na ako ng tingin.

“Lien—”

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Napatanga ako nang biglang lumambitin sa braso nito si Adele. Ngunit mas nabigla pa ako nang lumapat ang mga labi ng babae sa kaniyang mga labi.

What a scene!

Ang katabi ko naman ay nangingisay na at tila binudburan ng asin na hindi mapirmi.

“Shit! Nakakakilig talaga ang dalawang 'yan!”

Nabitawan ko na ang kutsarang hawak-hawak at hindi ko namalayang ubos na pala ang iniinom kong juice!

“Huy! Anong nangyayari sa 'yo?” siko ng katabi kong madaldal.

Kahit ako ay hindi ko rin maintindihan bakit nandidilim ang paningin ko na parang gusto kong manghablot.

“Ah! Wala! Nangangati lang ang palad ko. May nahawakan siguro ako kanina.” Umakto pa akong kumakalikot ng kung ano sa bag ko.

“May alcohol ako!” Naghanap ito sa bag at bigla nitong inabot ang maliit na bote ng alcohol. “Oh! Lagyan mo at baka lumala yan.”

Pagkatapos ay tumayo na ako.

Itutuloy ko na ang plano ko. Pero paano naman ako a-apply dito?

Manghahablot ba ako bigla ng waiter dito? Tapos tatanungin ko na kung sino ang manager nila?

Nawala ang plano ko! Nawala ang lakas ng loob ko! Bakit ba kasi nakita pa ako ng bruhang 'to?

“Oh, saan ka pupunta?”

“CR lang ako,” sagot ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umalis na lang agad lalo na nung masulyapan kong naglalampungan ang dalawa sa gilid. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako.

Sa sobrang gigil ko ay nagkaroon yata ako ng lakas ng loob kaya imbis na sa CR ang punta ko ay nakaabot na ako sa cashier.

Marami ang nakapila kaya lumipad ang tingin nila sa akin nang sumingit ako sa harap. Ang sama pa ng tingin sa akin nung isa.

Nag-aalangan naman na ngumiti sa akin ang cashier. Hindi alam ang gagawin.

“M-Ma'am, pila lang—”

“Where's your manager?”

Huli na bago ko narealize ang sinabi ko. Tunog expensive ang pagkakasabi ko kaya aligaga naman ang cashier na nasa harap ko. Kinabahan pa yata.

“Ano pong problema, Ma'am?”

“I need to talk to your Manager,” pinanindigan ko na.

May isang waiter ang lumapit.

“Ma'am, pakihintay nalang po ako. Tatawagin ko lang po si Sir.”

Gumilid na ako. Ngayon lang ako tinablan ng hiya kaya napaupo ako sa may upuan.

“Nakakahiya,” lihim kong sermon sa sarili.

Bakit ko ba kasi sinabi iyon? Tunog demanding tuloy ako! Baka hindi na ako tanggapin!

“Excuse me, Ma'am. Naghihintay na si Sir sa loob.”

Napahinga ako ng malalim.

Ito na! Ito na!

Ngayon pa ba ako kakabahan?

Inayos ko muna ang sarili at chineck ulit ang dalang bag na naglalaman ng documents ko. Dala ko na rin ang resume at biodata ko.

Sigurado na ako! Kailangan kong makapasa!

Kumatok ako ng tatlong beses ngunit wala akong narinig na sagot. Ang sabi naman ng waiter ay hinihintay na daw ako ng manager nila kaya okay lang siguro na pumasok na ako agad.

Pinihit ko ang seradura. Subalit natulos na naman ako sa kinatatayuan ko.

Bumungad sa akin ang malinis at malawak na opisina. Pero hindi iyon ang tuluyang nakakuha ng atensyon ko.

Isang pamilyar na bulto ang natatanaw ko. Gusto kong umatras. Hindi ko inaasahan 'to!

Si Draze? Manager ng resto bar na ito?

Hindi ako nakikipagbiruan!

MASK OF SECRET SHADOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon