Habang nag lalakad kami papunta sa puno ng narra ay may nakapukaw ng aking atensyon, isang babae na ngayon palang nakikita ng aking mga mata, bumaba ito galing sa isang magarbong sasakyan at sa unang tingin ay masasabing galing ito sa mayayaman na bansa.
Hindi maitatanggi ang kanyang taglay na kagandahan, lubos lubos ang binigay na biyaya ng dyos at dyosa sa kanya, ang mukha nyang mala dyosa na kahit sinong mapalingon sa kanyang gawi ay mahuhumaling sa taglay nitong kagandahan na kahit si Psyche na asawa ni Cupido ay nahihigitan nito.
"Levitico bilisan mo, ang oras ay tumatakbo" sabi ni Jacob na nakakuha naman ng atensyon ko.
Nang lumingon ulit ako sa gawi ng dalaga ay wala na ito doon kaya naman ay sumunod na ako kay Jacob.
Natatanaw na namin ang puno ng narra "Malapit na tayo sa puno, pano ba yan....." sabi ni Jacob na nakangisi habang nakatingin saakin na agad naman kumaripas ng takbo.
Hindi na bago saamin ito dahil lagi naman namin itong ginagawa sa tuwing pupunta kami dito sa punong ito.
Mabilis ang aking pagtakbo ngunit hindi parin nawawala ang taglay na galing sa pagtakbo ni Jacob kaya naman ay lugi talaga ako sakanya, sya ang nauna sa puno kaya naman ay ililibre ko sya ng tanghalian.
"Papaano ba yan ako nanaman ang nanalo" napatawa nalang ako sa sinabi nya at umupo na sa baba ng puno.
"Osige ako na ang bahala sa tanghalian mo" sabi ko habang habol habol ang aking hininga, "ngayon, paano ang magiging ganap sa darating na piging sa linggo?" tanong ko.
"Simple lang pero saaking pag kakaalam ay may darating na bisita si itay" sagot nito.
"At sino naman ito? kilala mo ba?" sunod sunod na tanong ko.
"Sa pagkakaalam ko ay sina Juanito at ang kanyang ama't ina ang tinutukoy ni itay dahil sabi nya ay kababata at nakakalaro natin ito nung mga bata pa tayo" napatawa ako ng malakas sa mga narinig ko.
"Kababata? itinuring ba tayong kaibigan non e halos araw araw ay inaaway tayo non" pagbibiro kong sabi
Natawa naman sya sa mga sinabi ko.
"Naalala mo paba nung una natin syang makita?" tanong nya habang patawa tawa.
"Oo naman hinding hindi ko iyon makakalimutan" sabi ko habang hindi mapigilan ang katatawa "namimitas tayo non nang mga bulaklak sa hardin nila at nakita nya tayo, kaya naman ay pinagbabato nya tayo ng maliliit na bato" dugtong kopa sa mga sinabi ko at sya naman ay tawang tawa na parang wala na sa sarili.
"Grabe.... ano na kaya ang itsura ni Juanito ngayon, nag bago naman na ata ang ugali nito sa tagal ng panahon" at sabay kaming tumawa sa sinabi nya "biro lang hahahaha" dagdag pa nya.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit sila naparito?" tanong ko kay Jacob.
"Ang nabalitaan ko ay ikakasal na ito sa susunod na buwan" sagot ni Jacob na ikinagulat ko.
"Aba't mag aasawa na pala ito hahahahaha, siguro nga ay tuluyan na itong nag bago" sabi ko na ikinatawa naming dalawa.
Madami pa ang aming mga napag usapan kagaya nalamang ng natitipuhan namin sa isang babae, ngunit hindi na ako masyadong nagsalita dahil ayoko na muling maalala ang nakaraan na dapat ay binabaon na sa limot kaya mas pinili ko nalang na makinig sa kwento ni Jacob na ngiting ngiti habang ikinukwento saakin kung sino at ano ang personalidad ng kanyang natitipuhan ngayon.
"Hindi ka paba nagugutom?" tanong ko kay Jacob nang bigla kong maramdaman ang sakit ng aking tiyan.
"Buti nalang ay naitanong mo iyan sakto ay gutom na ako, isa pa't libre mo ako sa pagkakataon na ito" Sabi nito na ikinangiti ko.
YOU ARE READING
Having your Memories with Me
Kısa HikayeIsinilang sa isang maharlikang angkan, si Juan Levitico ay kilala sa kanyang taglay na kagwapuhan at sakanyang pagiging mayaman sakanilang bayan, isa rin syang sikat na manunulat sa kanilang bayan kaya naman ay madami ang humahanga sakanya lalo na a...