Chapter 11

40 2 0
                                    

Malaya kong hinihintay si Eliana palabas ng klase. Nauna akong lumabas dahil may dinaanan pa ako sa student council office.

Nakita ko siyang papalabas ng room namin kaya sinalubong ko na siya. Tinaasan agad niya ako ng kilay.

"Sungit," puna ko sa kaniya.

Inirapan niya ako. "Ano na naman, Silver? Mula ba pag-uwi, hindi mo ako tatantanan?" Iritadong reklamo niya.

I smiled at her.

"Ihahatid kita..."

Mas lalo niya akong inirapan. Natutuwa talaga ako sa kaniya sa tuwing sinusungitan niya ako. Halatang hindi siya madaling makuha sa bawat mabulaklak na salita.

"I have my driver," she said to me.

I shook my head. Hindi niya alam na kinuha ko ang number ng kaniyang driver.

"Wala. Nasiraan ang driver mo kaya ako na lang ang maghahatid sa iyo." Palusot ko pero totoo naman talaga.

Kumunot ang kaniyang noo.

"Bakit hindi sinabi sa akin? O nag-text man lang? Bakit kailangan sa iyo pa?" Tanong niya.

I shrugged my shoulders. "Well, ask your driver. Basta ako ang maghahatid sa iyo ngayon..." sagot ko.

"What?!" Gulat na gulat siya. "I will commute. Kaya ko naman umuwi!" Giit niya.

Akala niya siguro papayag akong mag-commute siya.

"No, Eliana."

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Desisyon ka sa buhay ko?" Sarkastikong usal niya.

I smiled. Damn! I swear, I want to crash my lips to hers right now.

"Oo. Kaya i-uuwi kita."

She rolled her eyes at me. "I still don't want to go home. I want to go somewhere else to unwind."

"Sasamahan kita pagkatapos ay ihahatid kita sa inyo..." masuyong sambit ko.

Her eyes narrowed at me. "Sigurado ka?"

Pinagdududahan pa talaga niya ako.

"Kailan pa ako hindi naging sigurado pagdating sa iyo?"

Humalukipkip siya. Nagdadalawang isip.

"Baka sa iba mo ako dalhin. Wala akong tiwala sa iyo..." angil niya.

Tang ina!

"Sa altar kita dadalhin huwag kang mag-alala..." banat ko habang kinakamot ang batok ko.

Imbes na magsasalita sana siya pero hinila ko na ang kamay niya. Kinuha ko din sa kaniya ang kaniyang bag kahit na magaan lang 'yon pero gusto kong ako ang magbubuhat no'n.

Ang ending nasa likod ko siya habang ako nasa harap niya at hawak ang kaniyang kamay. Para kaming magka-holding hands sa sitwasyong iyon pero hinayaan ko na lamang.

"Nasaan ang kotse mo?" Binasag niya ang katahimikan.

"Nasa front gate na," simpleng sagot ko. "Pinalabas ko kanina sa mga kaibigan ko. Bakit?"

"Wala. Natanong ko lang naman." Aniya.

Nakarating kami sa may front gate ng University. Iginiya ko siya sa sasakyan ko. Pinagbuksan ko rin siya ng pinto.

"Sakay na," masuyong sabi ko.

Sumakay siya agad sa passenger seat. Umikot ako papuntang driver seat. I started the engine and glance at her.

"Seat belt," paalala ko.

Padabog niyang ikinabit 'yon sabay baling sa akin.

"Happy?" Puno ng sarkasmo ang tinig niya.

Playboy's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon