chapter 19

10 4 2
                                    

Sebero achilles

Kinakabahan si seb habang papasok sya sa company ni azael, kinakabahan sya kung paano sasabihin ditong nag dadalang tao sya sa anak nila

Nang makapasok ai seb sa elevator ay panay ang dasal nya na sana ay pakinggan sya nito at matanggap ni azael ang anak nila

Nang tumigil ang elevetor sa 15th floor ay huminga muna si seb ng malalim bago humakbang papalabas ng elevator, nanginginig ang mga kamay na utay utay syang nag lakad papalapit sa pinto ng oposina ni azael

Nang mapansin nyang naka bukas ng maliit ang pinto ay sumilip muna sya bagi sana pumasok, pero napatigil si seb sa pag pasok ng makita nyang may ibang tao doon

Naka upo ito at si azael sa couch sa loob ng opisina, parang may pumiga sa puso ni seb ng makita nyang hawak ni azael ang kamay ng babae

Papasok sana sya ng biglang niyakap ng babae si azael,

Buntis ako azael, hindi ko ito kaya ng mag isa, nalulungkot ako pag na aalala kong iniwan kami ng tatay nya anong gagawin ko azael rinig nyang iyak ng babae

Pumatak ang luha ni seb ng makita nyang niyakap pabalik ni azael ang babae kausap nito, gusto nyang pumasok, gusto nyang bawiin ang mga kamay ni azael at ilayo ito sa babaeng kayakap nito at sabihing nasasaktan sya pero anong magagawa nya, wala syang karapatan

Shh calm down Eunece, stop crying, im here, ill be with you through your pregnancy ok, stop crying, narinig nyang pag alo dito ni azael

Dahan dahang tumalikod si seb at tumakbo papunta sa CR halos madapa pa sya sa  panlalabo ng mata nya dahil sa luhang  hindi nya mapigilan sa pag patak

Nang makarating sya sa Bathroom ay agad nya itong ni lock at doon sya umiyak, bawat luhang pumapatak sa mata ni seb ay kasabay nito ang bawat sakit at tanong sa isip nya, ganon din ba ang magiging reaksyon ni azael pag sinabe nya ang tungkol sa anak nila, bakit pakiramdam nya bigla silang nawalan ng anak nya ng karapatan sa ama nito, bakit hindi nya nakita ang ganong saya sa mata ni azael nung panahong sya ang kasama, bakit hindi nito nagawang sabihing mahal sya nito, o sadyang sya lang ang nag iisip na mahal din sya ni azael

Utay utay tumayo si seb at tiningnan ang sarili na mamaga ang mata nya , namumula ang ilong nya kaka iyak, bahagyang itinaas ni seb ang damit nya at hinaplos ang wala pang umbok nyang tiyan habang pinupunasan ang luhang tumutulo sa mga mata nya

Kakayanin koto anak para sau, kakayanin natin to , hahanap ako ng tyempo na sabihin sa dady mo na meron nang ikaw, hindi ako susuko kahit ikaw nalang mahalin nya pag kausap ni seb sa baby sa tyan nya, kahit nasasaktan na sya ngaun palang, kakayanin nya, para sa anak nila, kahit hindi sya mahalin nito kahit kilalanin lang nito ang anak nila

Matapos kalmahin ni seb ang sarili ay lumabas na sya ng hindi na halata ang pag iyak nya, wala si zach ngaun siguradong kasama na ito ni marcus

Ng pumasok si seb ay si azael nalang ang nandon wala ni eunece, dahan dahn syang pumasok

Illebaby hows your stay at rynon's place tanong nito sa kanya bago sya niyakap at hinalikan sa ulo

Rynon's place ? Tanong nya dito na naguguluhan

I called you last night Rynon was the one who answered the phone saying you're gonna stay at his place for the night doon na realize ni seb na nag ainungaling dito si rynon para hindi nito malaman na nsa ospital sya

Ah it was fine maikling sagot nya dito bago ngumiti duto at umupo sa misa nya , gusto nyang sabihin ang tungkol sa anak nila pero sa tuwing ibubuka nya ang bibig nya ay walang salitang lumalabas doon

Guerra Series1: Azael Feo Guerra - Bond (Under Editing)Where stories live. Discover now