𝗣𝗿𝗼𝗹𝗼𝗴𝘂𝗲

9 0 0
                                    

“Oh, pare, kamusta ka? Yan ba yung anak mo?” Tanong ng tatay ni Nathan. “Ang ganda ahh, halatang hindi nag mana sayo,” sabi nito, sabay tawa ng malakas.

“Mana sakin yan oh,“ sagot nito, boses ay parang hindi makapaniwala at pataas, “lahat yan sakin, sa nanay yung ganda,” ani nito sabay humalakhak pabalik.

“Ang laki nadin ni Nathan,” sabi ng tatay ni Sophia, “parang nung nakaraan lang naiihi kapa sa takot kapag hinahabol ka ng aso.” Ang dalawang ama ay humalakhak, tila nag labas ng saya at ligaya na hindi maitago.

Kumaway si Nathan kay Sophia. “Hi,” sabi nito, tila hindi mapakali ang isip, “have we met each other before?” Tanong nito sa dalaga.

Tahimik lang ang dalaga, tila siya ay naiilang pero nag pakita parin ng ngiti. “You also look...familiar,” sagot nito, boses ay napaka hina.

Tumakbo si Nathan pa punta sa kaniyang kwarto, agad agad nitong binuksan ang kaniyang cellphone at binuksan ang isang dating app. “Why do they look so similar?” Tanong nito sa sarili habang nag t-type para mag send ng message sa kaniyang nakakausap.

Nathan: Hi, may chika ako. The daughter of my father's friends look just like you! This might sound crazy, pero I want to ask kung ikaw yon.

Nag reply naman kaagad ang kaniyang kausap.

Sophia: Oo, ako nga.

Napangiti ang binata, matapos ang pag uusap sa telepono ng napaka tagal, hindi niya inaasahang makikita niya eto sa personal.

Agad-agad itong tumakbo papalabas ng kwarto at bumalik sa dalawang amang nag uusap. Umupo ito sa harap ni Sophia, mga ngiti ay abot tenga at para bang mapupunit ang pisngi.

Kumaway ang dalaga at ngumiti pabalik. “Hi, Nathan,” sabi niya, boses ay pabulong.

“Nga pala, tanda mo ba yung arrange marriage na napag usapan natin noon?” Tanong ng ama ni Nathan. Sumagot naman ang ama ni Sophia, “Na ikakasal natin sila pag asa tamang edad na? Oo, tanda ko pa.”

“Mukhang mag kasundo naman na sila at walang magiging problema,” sabi ng ama ni Sophia.

Ang dalawang ama ay nag patuloy sa pag uusap, habang ang dalawang magkasintahan ay nakatulala habang nakatitig sa isa't isa, hindi makapaniwala sa narinig nito.

𝗬𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗟𝗼𝘃𝗲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon