A/N: Unedited
-
Humigpit ang hawak ko sa door knob habang nakatingin sa mata niya. He pursed his lip making his jaw more attractive.
"Pumasok ka muna." Matabang kong sabi at iniwas ang paningin.
Gumilid ako para makadaan siya. Napapikit ako dahil biglang binalot ng pabango niya ang ilong ko.
Iyon at iyon pa din.
Sinarado ko ang main door at sumunod sakanya. Nakatingin lang ako sa likod niya hanggang sa umupo siya sa sofa at ilibot ang paningin sa bahay.
Hanggang sa pag-upo ko ay nanginginig pa rin ang kamay at tuhod ko dahil sa kaba.
"Nice house." He commented.
Pilit akong lumunok.
"Yeah.." Saad ko at pinasadahan siya ng tingin.
He's still the same. Thick eyebrows, tan skin, ruffled hair, slim lips and of course those pointed nose.
Reylohr Jigz Basquez.
Nagtama ang mata naming dalawa at nakitaan ko na agad 'yon ng emosyon.
"Kamusta ka?" He asked softly.
"Ayos naman, ikaw?" Ibinalik ko ang tanong sakanya.
Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya at kinamot niya pa ang tungki ng ilong bago sumandal.
"Artista na." My eyes widen.
Siya?!
"Huh?" I blinked twice.
Ngumiti siya kaya lumabas ang dimple niya.
"Oo," sagot niya at humalakhak.
Napanganga lang ako sa sinabi niya at pilit na pino-proseso. Nakarinig ako ng mga ingay kaya alam kong papunta na sila Ate Fin at makikita si Reylohr dito.
"Bakit antagal mo nam—" Sinulyapan ko sila at nakita ko ang mga mukha nilang gulat na gulat.
"Uh. . ." Wala akong masabi.
Nakatingin rin si Reylohr sa mga pinsan ko at bahagyang tumabingi ang ulo na tila kinakilala niya ito.
Napamasahe nalang ako sa noo ko dahil sa mga pangyayari, naramdaman ko ang mga aura nila sa likod ko kaya nilingon ko ulit sila sa pangalawang pagkakataon.
"Uy, pare! Long time no see ah." Bati ni Tj at ngumisi.
"Uy! Sorry! Nag stay kami sa Canada kasi eh." Sumulyap siya sa'kin.
Wala sa sariling nagtama ang mata namin ni Ate Fin na seryoso pero mukang hindi makapaniwala sa nakikita niya.
Umusod ako para maka-upo sila sa tabi ko, umupo naman sila habang nakatingin pa rin kay Rey.
"Kota kana ah! Sikat ka ngayon sa internet!" Ani ni Tj na nagpataas sa kilay ko.
Sikat?
Nahihiyang kinamot naman ni Rey ang tungki ng ilong niya bago ngumiti at sumagot.
"Swerte lang."
Nakatingin lang ako sakanya habang nakikipag usap siya kela Tj.
Mas lumapad ang katawan niya, mas naging maamo ang mukha at mas naging mukang mabait, natawa ako sa naisip.
Hinugot ko ang phone sa bulsa at may tinext.
Ako:
Gising kapa ba?
Ilang segundo ang lumipas at nag seen na agad si Klay.
YOU ARE READING
Passenger Prince (Cousin Series #1)
RomanceThwyane Zia Fracktumos. The girl who's been out for fun and was always a reckless girl ever since she had rest before she achieve her dream, finally met her match. But who could it be among the four? Pick your fighter.