Kabanata 37

51 3 0
                                    

Kabanata 37





Sometimes, I can control the water and its waves. Some things are so absolute. To smile and mean it, to love and be free. To live without worries and to believe in impossible things. But there are things that haunt me. Strangling my hope and testing my sanity.

Ganoon naman palagi, hindi ba? Kung kailan akala mo okay ka na, biglang ipapaala sa’yo ‘yong mga nakaraan na pilit mong kinakalimutan. Parang kahit anong limot, hindi epektibo. Kahit anong pikit, magmumulat ka pa rin.

I took so many photos of myself. Hoping to not see the broken part of me. Minsan, ayoko ng babaeng nakikita ko sa salamin. Why can’t she love me? Why can’t she understand me? Why…

Who hurt you?

The color in me is slowly fading. Painting me with a different and unfamiliar feeling. But then, as I remember, it's the darkness once again. The painful memories of the past still haunt me; they will always make me tremble in fear, and they suffocate me.

“It’s okay, Vallia. I’m here, okay? Mabilis lang ‘to.”

Dahil sa liwanag na tumutusok sa mga mata ko, mabilis kong ipinikit ang mga mata ko. Sa dami ng nagsasalita sa paligid, gusto ko na lang tumahimik. Hindi ko na ininda pa ang kung anong nangyayari ngayon sa katawan ko. May nakaturok naman na anesthesia kaya kahit sakit ay ‘di ko ramdam.

Napapikit ako.

When I am finally freeing myself from what has hurt me, the darkness always reminds me. As hard as it is to fix broken glass, it's also hard to erase the memory of it—to put the tiny parts back on it.

“The operation is done. This is ADL 0067. 0067 is complete.”

Some things are so absolute, but not enough to fix the white paint with a little red in it—to make it white again.

Ilang oras nang magising ako. Puti ang kisame. Puti rin ang pader. Pero wala na ang nakakasilaw na ilaw na nakatutok sa mga mata ko. Tamang ilaw na lang para makita ang nasa paligid ko.

It was empty.

May bulaklak sa tabi ng hinihigaan ko at may note na nakasulat doon. Dahil sa panghihina’y hindi ko ‘to magawang abutin kaya kahit hirap ay binasa ko itong mabuti.

‘Get enough rest, Vallia. I’ll visit you soon. You can ask the personal bodyguard if you want something or if you feel something weird, okay?’ —Aki

Why did I agree to do this? I don’t know. Maybe the anger? The desperation to find out the truth? Or maybe… out of pity?

Nang pumasok ang isang doktor, sandali nitong tinignan ang kung ano man dapat tignan sa akin. Nagtanong ng kung ano-ano, at tinawag ang isang nurse para maturukan ako ng kung anong gamot.

Hindi ko na inalam ang lahat. Pumayag naman ako. At kung ano man ang mangyari, desisyon ko ‘to. Walang nagdikta, walang pumilit.

“How are you feeling?”

Isang linggo. Sa loob ng isang linggo, tanging pagtulala at pagtingin lang sa bintana ang ginagawa ko. Sobrang lupaypay ng katawan ko para igalaw. Ang personal na bodyguard na sinabi ni Aoki ang siyang tumutulong sa akin sa pagkain, pagbihis, at paglinis. Pati pag asikaso sa mga gamot, inumin at pagsama sa’kin sa banyo, ang personal bodyguard na ‘yon ang gumawa. Mas matanda siya ng kaunti sa’kin pero hindi siya mahilig magsalita. Tahimik at tikom lang ang bibig.

“Okay naman n-na…” pumiyok ako ng kaunti.

Nilingon ko ang personal bodyguard na nagbabantay sa’kin. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin pero agad din iniwas nang lumingon ako.

Hindi ko pa masyadong nababawi ang lakas ko pero kahit papaano, nakakakilos at nakakapagsalita na ako nang hindi nahihirapan o nauutal gawa ng kung anong gamot na itinuturok sa akin.

Ngumiti si Aoki sa harapan ko. “Mabuti naman kung ganoon. Inayos ko na pala ang lilipatan mong school. Dito lang din ‘yon sa Manila kaya pagbalik mo, p’wede ka na ulit pumasok ng walang iisipin pa. Paid na rin ang tuition mo pati ang tutuluyan mo.”

“Salamat, Aoki.”

“No worries. Just do what you’re told.”

Natahimik ako.

Sa isang linggong pamamalagi ko sa loob ng pribadong kuwarto na ito, paulit-ulit kong inisip ang naging desisyon ko mula sa usapan namin ni Aoki.

Kung tama ba ang ginawa ko’y hindi ko alam. Siguro sa tulak ng damdamin kaya nagdesisyon ako agad pero alam kong hindi ko naman na mababawi pa ang pangako.

I looked at myself in the mirror. Hindi ko nakilala at namukhaan ang sarili. Ang dating wavy na brown at mahabang buhok ko ay maiksi na. Bagsak at straight na ang lapat ng buhok ko ngayon at itim na itim na rin ito. Inayos din ang kilay ko at pinalitan ang kurba nito. Naging straight ito ng kaunti. Hindi ko alam kung bagay ba ‘yon sa’kin pero puring-puri naman ako ng baklang nag-ayos sa’kin.

“Oh my… bagay na bagay! Taasan ang sweldo ni Bratzie!” Sabi ng isang baklang nag-ayos din sa’kin.

Nagtawanan ang mga bakla sa loob ng salon. Pumalakpak naman si Aoki at tinignan ako at pina-ikot pa ang upuan ko para makita ang likuran ng buhok.

“Very well, Bratzie!”

“Thank you, Madame. Maganda naman na kasi ‘tong alaga mo kaya kaunting ayos lang at viola! May bagong specie ka na!”

“You exceed my expectations, Bratzie. You always do. Very good, very good.”

Mula sa salamin ay hinawakan ni Aoki ang balikat ko at ngumiti sa’kin. Hindi ko magawang ibalik ang ngiti dahil alam ko na ang kasunod nito.

“What do you think, Vallia? Are you ready?”

Kumurap ako. Huminga ako ng malalim at tumingin sa sarili. Kaya ko ba?

“Don’t ever doubt youself. Remember your anger. The desperation.”

Tumango ako kay Aoki at tinitigan ang banyagang mukha sa salamin. She’s not me. She’s another person. And her name is Adel— the one who will complete this mission.

“Who are you?”

“I’m… Adel.”

Ngumisi si Aoki.

“That’s a bit more like it.”

Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon