"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKASIYAM NA KABANATA
AGAW-LIWANAG-AT-DILIM
Ikaisandaa't labing-apat na Tagpo
Overwhelmed ang libo-libong mga bata gaya rin nina Aniway at Jershey na walang pagsidlan sa saya gayundin ang matatanda, mga teen-ager at mga magkakasintahan habang pinapanood si Mickey Mouse na sakay ng kanyang Jungle Cruise Boat na rumaragasa sa mga kailogan ng Adventureland sa saliw ng isang musikang instrumental version ng Circle of Life kasama ang mga tauhan sa Lion King at ng Jungle Book na nag-a-appear sa Castle.
Sa pagpapalit ng eksena, matutunghayan naman si Mickey Mouse sa Pirates of the Caribbean na sakay ng kanyang boat na dumaraan sa attraction plays sa saliw ng musikang He's a Pirate bago pa magpasabog ang kanyon.
Sa Westerland, sakay naman si Mickey Mouse ng isang steamboat na ginagalugad ang kahabaan ng kailogan ng Amerika sa saliw ng tunog ng instrumental arrangement na Just Around the Riverbend from Pocahontas.
Sa pagpapatuloy ng kanyang paglalakbay, makikita naman si Mickey na nagmamaneho ng isang runaway mine train na kung tawagin ay Big Thunder Mountain na lulan ang mga country bears sa saliw ng instrumental sound na Little Oscar's Horror hanggang sa pagwawakas ng nabanggit na segment.
Sa Fantasyland naman, mapapanood sa Show Building sina Mickey at Minnie na sakay ng carousel sa saliw ng tunog-instrumental na Let the Memories Begin leading to a montage ng iba't ibang film na nagtatampok kina Snow White at ang Seven Dwarfs, Sleeping Beauty, the Beauty and the Beast at Cinderella.
Sa muling pagpapalit ng eksena, magpapatuloy ang kakaibang adventure ni Mickey Mouse sa Star Tours nang maki-join siya sa mga star speeders habang tumatakas sa mga star destroyers hanggang sa pagtalon nila sa under construction na Death Star, na tanging daan sa kanilang kaligtasan patungo sa crusant o city-covered planet.
Bilang finale, matutunghayan si Mickey Mouse na sakay ng music book habang lumilipad sa lahat ng Park's Lands sa pamamagitan ng ending montage -- makikita si Mickey Mouse muli na nasa Castle Balcony to say goodbye.
Kasunod noo'y malakas na palakpakan at hiyawan ng mga tao na labis na nagsasaya sa pagbubunyi sa napakagandang panooring kanilang nasaksihan kasabay ng amazing water blast, lights, at fireworks! May mga tumatalon sa labis na kasiyahan. Abala naman ang iba sa pagkuha ng video at still pictures. May nagyayakapan para ipadama ang pagmamahal sa isa't isa kabilang na sina Ine, Ernie, Jershey, Adonis, Aniway, Althea, Louie, Jessa, John at Bea Jessa na nag-uumapaw sa labis na kaligayahan.
Pansamantalang nakalimutan nila ang kani-kanilang personal problems gayundin ang problema ng mga naghihirap nilang kababayan sa Pilipinas.
All reactions:8Charet B. Monsayac, Carol Palomo Legaspi and 6 others
11LikeCommentShare
Ganun talaga dapat may stress reliever taung lahat di pede puro drama sa buhay dapat mag enjoy paminsan minsan.
LoveReply
Write a comment...
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
AdventureKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...