CHAPTER 17 (CHRISTMAS)

4 0 0
                                    

"Ang daming gagawin, parang gusto ko na lang maging kabute." ngumuso si Fiona.

Nasa canteen kami ngayon, we're having our lunch together. Isang linggo ang nakalipas nang umuwi si Dwayne sa Dolores. Clouded ang utak ko pagkatapos ng nangyari sa amin. I need to focus dahil magf'finals na kami. Sobrang dami kong ginagawa ni hindi na ako makapaglaan ng time para makausap si Dwayne. Lahat ng oras ko ay napupunta sa project, thesis at tour.

Pero hindi talaga mawala sa isip ko iyong nangyari. I don't regret it. Parang ang unforgettable lang dahil kahit imahe ni Dwayne nang gabing iyon ay na sa utak ko pa.

"Huy girl, lumilipad na naman ang utak mo." hinigit bahagya ni Viy ang dulo ng buhok ko.

"A-ah pagod lang ako. Kulang pa tulog ko e. A-anong sinasabi mo?" I asked.

"Halata nga, lahat naman tayo wala pang tulog. Pwede pa bang magshift?" si Fiona, napapakamot na sa ulo niya.

"Go be' walang pumipigil." tinawanan siya ni Viy.

"Kapag natapos na ang sem' Christmas break na. Makakapagahinga na siguro tayo hindi ba?" saad ko.

"Si Mr. Derama magbibigay iyon ng project. Hindi ba wala tayong written exam sa kaniya?" ngumuso si Fiona. Pinaglalaruan niya ang tissue na nasa kamay niya.

"Gago pinaalala mo pa talaga." bumagsak ang balikat ni Fiona.

Napatingin na lang ako sa kisame ng cafeteria.

Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito. May tumatawag sa akin na hindi rehistradong numero.

Tumahimik naman sila Viy at Fiona.

"Hello, sino po ito?" I asked.

"Ito po ba ang guardian ni Ms. Chin Arzena?" sabi ng babae sa kabilang linya.

"Yes po, kapatid niya po ako." kumunot ang noo ko.

"Hindi niya po kinuha ang grades niya kahapon. Makikisuyo lang po na puntahan niyo po para mapirmahan niyo po ito katibayannna nakita niyo po ang grado niya."

"Ay, sige po. Mamayang hapon po paglabas ko po ng campus."

"Sige ma'am thank you din po."

Napakunot ang noo ko nang ibaba ko ang tawag. Hindi kasi sa'kin nasabi ni Chin na kailangang kunin ang report card niya sa school. Palagi niya iyong pinapakita sa akin, ngayon lang ata ako hindi na inform ni Chin. Hindi siya pumapalya, ngayon lang talaga. Siguro ay naging busy ako, nakalimutan ko na sinabi niya sa akin? Mamaya ay tatanungin ko na lang siya pag-uwi sa bahay.

Iyon nga ang nangyari, kinuha ko ang report card ni Chin. Nagulag ako nang makita na sobrang baba ng grades niya, halos lahat ay pasang-awa na. Tinanong ko pa nga sa adviser niya kung iyon ba talaga ang report card niya, dahil parating mataas ang grades niya.

Nang umuwi ako sa bahay ay kinonpronta ko agad si Chin tungkol sa grades niya.

"Wala akong maintindihan sa mga tinuturo ate. Babawi na lang ako next semester." ngayon ko lang nahalata na parang pumapayat na siya at lubog na lubog ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit siya napupuyat, hindi na kasi kami magkasama sa kwarto.

"At bakit hindi mo sinabi sa akin na kailangan ko pa lang kuhanin ang report card mo?! Hindi ka naman pumapalya noon ah!" binagsak ko ang bag ko sa couch. Galit talaga ako dahil feeling ko ay may hindi siya sinasabi sa akin, at ano ang dahilan kung bakit mababa ang mga grado niya.

Touching The Sun (8ternity_)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon