Chapter 3: Trouble, Sir

3K 51 4
                                    

Hindi ko alam sa sarili ko na sa kabila ng mga warning sa akin ni Maxine tungkol kay Simon Ferrer ay nandito ako at naghihintay sa kanya sa isang cafe dahil sa usapan namin noong isang araw.

I can't believe it, I actually gave my personal number to him. There is really something with his aura, parang gusto kong sumunod na lang sa kanya sa lahat ng oras. Dagdag pa na sobrang hot niya palagi kapag puting long sleeves na lang ang suot niyang pang-itaas tapos naka-unbuttoned pa ang unang dalawang butones. Kahit sino maglalaway. Ang bango-bango pa!

"Sorry, I am a bit late. Nag-overtime ang meeting at na-stuck pa sa traffic," sabi niya habang umuupo sa upuan na katapat ko.

"It's okay." Napalunok ako nang makita kong mag-flex ang muscles niya. Shit naman! Hindi ba talaga niya gusto ng sub na matigas ang ulo? Ready naman akong magpasakal.

Ang landi, Yvette!

"Are you ready?" he asked me after ordering his usual coffee.

I frowned. "For what?"

"I contacted one of my friends. He is currently looking for a sub. Baka magustuhan mo siya," paliwanag niya at ngumiti sa akin.

Nag-init ang pisngi ko. "Huwag ka muna masyadong umasa. Maxine already introduced me to other doms, all of them suck." I rolled my eyes.

"Baka naman kasi masyado kang maldita." Humalakhak siya. "Just try this one. Kung hindi mo siya magustuhan, babawi ko sa 'yo."

Nahigit ko ang hininga ko. Pasimple kong sinulyapan ang katawan niya. Ilang babae na kaya ang napaluhod nito?

"Nakahanap ka na ba ng babaeng willing maging slave mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala pa. Bakit gusto mo na ba?" Ngumisi pa siya.

"Sinong babae ang nasa tamang pag-iisip papayag na maging sex slave?" Nagtaas ako ng kilay at humilig sa upuan ko.

Umiling siya. "You don't understand the Master-Slave relationship. It may sound brutal but believe me, you will enjoy every second of it if I am your master."

Is he trying to convince me to be his slave? No! It will never happen.

"Whatever. Nasaan na ba ang sinasabi mong dom? Late na siya, ha?" Ngumuso ko at tumingin sa kanya.

Sandali pa siyang tumitig sa akin bago umiling at tumingin sa glass wall ng cafe. "There he is!" he said and looked at the man outside.

Kagaya niya ay nakasuot din ng office suit at maganda rin ang hubog ng katawan. May itsura rin pero mas gwapo pa rin itong si Ferrer.

"Raoul, I'm glad you made it." Pinatayo ako ni Simon at hinarap sa kaibigan niya. "This is Yvette Villa Rico, the little girl I am talking about. And Yvette, this is my friend, Raoul Luisita."

Nakipag-kamay ako kay Raoul. "Nice to meet you."

"A Villa Rico. Did your parents know that their unica hija is entering the kink world? I am one of the shareholders of your Azucarera." He smirked and pinched my hand.

Napalayo ako sa kanya nang wala sa oras at tumingin nang masama kay Simon Ferrer na nagpatay-malisya lang.

Umupo sa tabi ni si Raoul Luisita habang ako naman ay inabala na lang ang sarili sa pag-ubos ng milkshake ko. Nakakainis! Dad will kill me kapag nalaman niyang nilalandi ko ang katrabaho niya.

"You know her?" tanong pa ng hayop na si Simon Ferrer.

"Of course, lagi siyang naikukuwento ng daddy niya sa amin tuwing may meeting kami. His soon-to-be attorney daughter is not only holding one degree by this time but three. Impressive, isn't she?" Malokong tumingin sa akin si Raoul. "I wonder what it feels to dominate this strong independent woman in bed."

I scoffed. "Guess what? You will never know because I don't like you to be my dom."

Bigla ay sumama ang timpla ng mukha niya. "I don't like your attitude, little girl."

"I don't care, I don't like yours either." Umirap ako.

"Yvette," that was a warning from Simon Ferrer.

Mahinang natawa si Raoul. "I don't that this brat is the one for me. Himala na lang kung makakahanap siya ng dom na gugustuhin ang ugali niya. I am done with her. Thanks, by the way." Tumayo na siya at inirapan pa ako.

"Thank you for your time." Bumuntonghininga si Simon Ferrer habang pinapanood na umalis ang kaibigan.

Padabog siyang bumalik sa pagkakaupo at tinitigan ako nang masama.

"That was the worst. Bakit naman sa lahat ng ipapakilala mo sa akin ay nakakasama pa sa work ng parents ko?" usal ko.

Masama niya akong tiningnan. "I didn't know and we have to work really hard on that bratty attitude of yours. No one will want you kung ganyan po pakikitunguhan lahat ng Dom na ipapakilala sa 'yo."

"Lahat naman kasi ng pinapakilala niyo ay ang attitude din, binabalik ko lang sa kanila." I pouted my lips.

Umiling siya. "You are hopeless. Seryoso ka ba talaga sa paghahanap ng dom?" Humalukipkip siya.

"Of course, I am. Kaya nga ako nagpapatulong sa 'yo. What if ikaw na lang? Bakit naman kasi slave ang gusto mo?" sabi ko at kinagat ang labi. Baka isipin niya na bet na bet ko siya.

"For a law student, you don't act and sound like one. At hindi ka rin marunong umintindi ng isang salita. But don't worry, I'll help you. Kung gusto mo, pwede kitang i-train bago tayo maghanap ng dom na babagay sa 'yo." Naningkit ang mga mata niya sa akin.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Ibig sabihin, you will be my dom for a while."

Nagkibit-balikat siya. "Parang ganoon. I can spare some time while I am looking for a slave."

I bit my lower lip. "I-I like that. Deal."

He giggled. "That was fast."

"Tatanggi pa ba ako, good catch ka na kaya. Pasalamat ka at pogi at mabango ka." Ako naman ang natawa.

Bigla na namang pumasok sa isip ko ang mga babala ni Maxine tungkol sa kanya. Totoo bang masama siyang tao? Parang hindi naman kasi dahil sa itsura niya ngayon.

"Prepare yourself then, I will not hold back, especially with a brat like you," he said and then grinned.

"Excited na ako. Kailan ba tayo mag-uumipsa?" Napuno yata ng sugar ang buong sistema ko kaya ganito na lang ako ka-hyper.

"This coming friday at my place." Inabot niya sa akin ang isang card kung nasaan ang address niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung saan nakatayo ang bahay niya. Kahit ang daddy ko ay hindi maka-secure ng lupa sa subdivision na ito dahil bidding ang labanan dito.

"Wow, gaano ka ba kayaman, Simon Ferrer?" pabiro kong tanong sa kanya.

"You don't have to know that. See you," he said and stood up.

"Aalis ka na?" Parang tunog-disappointed pa ako. Nakakainis.

"Yeah, why? I have work to do," he answered.

Hindi na nahinto ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. "Wala akong sasakyan pauwi. Hatid mo ako sa amin."

Natigilan pa siya sandali. "You are really something, Yvette." Hinatak niya ako patayo at halos kaladkarin niya ako palabas ng cafe.

Humalakhak ako. "Ganito ka ba sa mga naging sub mo, sir?" Ang harsh pero gusto ko naman. Iyong mga naging boyfriend ko kasi, parang mga lantang gulay.

I saw him smirking "You will never know, trouble."

RedCollar Series #1: Simon FerrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon