Simula ng bardagulan

191 3 0
                                    

Kim Minjeong

Pangalan pa lang pangmalakasan na, yung mukha ko pa kaya. Ako si Minjeong, 22 years old pero mukhang 16 pa lang hehehe, highschool lang ang tinapos ko dahil mas ginusto kong tumulong sa bahay kaysa mag aral.

Noong isinilang ako sa mundong ito, laking tuwa ng magulang ko pero sad to say hindi na naging ilaw yung mga kamay nila kasi wala namang bumbilya... ang ibig kong sabihin pareho na silang dead as in yung hindi na humihinga nung baby pa ako.

Bakit sila namatay? Tanong mo sa doctor. Paano sila namatay? Tanong mo sila, ako ba namatay dito? Joke lang.

They died while I'm at a very young age, bata pa ako noon huhuhu. According to the information gathered by the investigation of the authorized police officer, my parents died because a car hit them...car accident alangan naman sila yung bumangga sa car. Tapos hindi na sila humihinga noong tinakbo sa hospital, ewan ko ba kung bakit tinakbo kung pwede naman isakay baka umabot pa sila ng buhay. I was totally devastated that time, yung luha ko nagpabaha hanggang Japan kaya nagkatsunami sila don.

Anong nangyari sakin after mamatay parents ko?

Ayun tamang iyak at hinga lang habang dumedede ng gatas, inalagaan ako ng pamilya Yi Zhuo which is super mabait, masipag, mapagmahal kahit sinasabihan nila ako na pinaglihi daw ako sa siraulo. Well totoo naman. They took care of me bat parang inenglish ko yung nauna? Anyway highway sila ang nagsilbi kong magulang, sinasamahan ko si nanay magtinda ng gulay sa amin. Ang sabi niya nga sa akin ako daw ang lucky charm niya kasi mabilis mabenta yung mga paninda, paano hindi mabilis tinatakot ko yung mga bibili sasabihin kong “bibili? Or duduraaan ko kayo?" Ang talino ko talaga eversince. Si tatay naman ay maaga kaming iniwan, hindi para sa ibang babae ah, namatay siya dahil sa sakit.

Well hindi lang ako ang mag isang inalagaan nila, syempre may kasama akong gorilla……si Ning or mas kilala sa pangalang Luningning, ang kanilang nag iisang unica ija na maladisney princess kung umasta pero yung humor pangkanal. Pero mas tinatawag ko siyang praningning dahil praning talaga siya.

Si Ningning ay kabaliktaran ko, kung siya madalas magsilbi sa simbahan ako walang silbi hehehehe. Makadiyos at mahinhin siyang gumalaw pero deep inside kumukulo talaga dugo niyan and aggressive. Mas aggressive pa kesa sa asong may rabies. May mga araw naman na magkasundo kami kaso bilang lang sa daliri, kung baga sa isang linggo isang araw lang kaming bati. Nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil mas lamang siya ng 99 na braincell kesa sakin, kaya nakapagapply siya sa magandang company. Paanong hindi siya tatanggapin ay sobrang ganda niya at matalino, bobo lang tatanggi at magrereject sa kanya akalain mong isang Ning Yi Zhuo ang mag aapply sa kumpanya niyo tapos babalewalain mo lang. Aba dapat mong gawin yon kasi impakta siya, de joke.

"Minjeonggggg!!!!!"

At nagsalita na nga ang anghel sa kalangitan pero may konting kademonyohan.

"Ano? Makasigaw ka akala mo galing ka sa digmaan"

"Panong hindi kita sisigawan kanina ka pa diyan nakatunganga habang ako nagtratrabaho"

Eto madalas namin pag awayan, work work work and syempre pagkain. Ewan ko sa babaeng to pinaglihi ata sa baboy, pero yung katawan naman mukhang kawayan.

"Mata mo umiikot ng 360 degrees, tinatawag ka ni nanay. Gumalaw ka na"

Tumayo ako tapos tumalon talon.

"Ano ginagawa mo?" nagtataka niyang tanong.

"Gumagalaw"

Umilag ako dahil sinubukan niya akong batukan.

"Ikaw ang galing mo sa kalokohan, kaya laging naiistress sayo si nanay eh" sinimulan niya ng ligpitin ang kalat sa lamesa.

Inayos ko ng mabuti ang suot kong faded na t-shirt "Hoy tuwang tuwa kaya si nanay sakin mas madalas niya nga ako bigyan ng papuri kesa sayo"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My conyo girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon