Magulo ang room buong student council noong madatnan ko. Nilinis ko muna 'yon bago simulan ang mga naiwan kong trabaho nitong nakaraan.
Umupo ako sa swivel chair at binuksan ang computer. I wear my thick glasses and brush my hair sideways.
Sinimulan ko ang trabaho ko. Nag-encode ako ng mga listahan para sa nalalapit na foundation day ng University.
Habang ako ay nagtitipa, bumukas ang pintuan ng student council at pumasok doon ang Vice President.
"Good morning, Pres!" Bati niya sa akin.
Tumango lang ako sa kaniya at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Habang tumatakbo ang oras ay siya ring pagpasok ng mga staff ng student council.
Binati lang din nila ako pero tanging mga tango lamang ang aking iginagawad sa kanila. Alas diyes pa naman ang klase ko kaya nang matapos ako sa aking ginagawa, pinatay ko ang computer bago lumabas ng opisina.
Ah! The pressure of being a student council and as well as my image as the University playboy. Hindi ko alam na ganoon pala ang bansag sa akin pero wala na akong naging pakialam doon.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Nabasa ko agad ang mga chats nila Gerard sa group chat.
CHISMOSONG UNGGOY
Gerard: Himala at wala sa dito sa room si master @Silver
Travis: Tanga! Nasa student council 'yon. May ginagawa. Nauna pa siyang pumasok kaysa sa'yo.
Carlo: Utak ay ginagamit din minsan hayss😎
Gerard: Nahiya naman ako sa iyo, pre! Tang ina, ikaw nga nangongopya sa akin.
Carlo: Kapal ng mukha mo hahaha🤣
Typing...
Gerard: Typing si master @Silver
Silver: Ingay ninyo. Pare-pareho kayong makakapal ang mukha🤣
Travis: Sakit mo naman lods :( Paano ba maging ikaw?
Silver: Iyong hindi mo matutumbasan kagwapuhan ko🙃
Gerard: Saan po banda ang kagwapuhan niyo? Inaayawan nga ikaw ng babae mo :( Aguy, sad face🤣🤣
Carlo: Awit lods... Gising ka na naman sa panaginip mo😂😂
Travis: Nurse, may crazy po dito. Pakikuha naman siya😌😌
Silver: Mga gago. Kayo ang baliw. Takas sa mental ampota🙄
Napailing na lang ako habang tuwang-tuwa silang asarin sa group chat namin. Minabuti ko na lang din ang pumasok sa klase namin.
Naabutan ko agad si Eliana doon sa kaniyang upuan. Hiyawan ang mga kaibigan ko na parang hindi ko sila naririnig.
"Yo, Silver!" Bati ng ibang kaklase ko.
Hindi ko sila pinansin at nagtungo sa tabi ni Eliana. It's my regular seat already so no one dares to sit with her rather than me.
"Pustahan, may banat na naman 'yan kay Ms. Sy!" Naririnig kong sambit ni Carlo.
Nilingon ko silang tatlo sa gilid at sinamaan sila ng tingin. Tinawanan lang nila ako sabay talikod at nagkunwaring walang nakita.
BINABASA MO ANG
Playboy's Confession
Roman pour AdolescentsEntitled as the University Playboy, Silver A. Aquillo, an engineering student and a leader of the student council president sees dating like switching clothes and going over girls without a second thought not until his thoughts changes when he meets...