BLAIRE SAMANTHA'S POVPapasok pa lang ako ng campus ng bumungad sakin ang dalawang taong masayang naglalambingan sa ilalim ng puno. Na para bang sila lamang ang tao na nandirito.
"Ang sweet naman nila!"
"Bagay na bagay talaga sila!"
"Nakakainggit!"Parang tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko ng marinig ko ang sari saring bulungan ng mga taong nakakakita sa kanila.
Kaya pala hindi na niya ako nagawang hintayin dahil mas importante pa para sa kaniya ang babaeng kasama niya ngayon kesa sakin.
"Oyy bes ang aga natin ah." napatingin naman ako sa kaibigan kong si scarlett ng kalabitin ako nito.
Gusto ko mang ngumiti pero hindi ko magawa kaya nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya.
"Okay ka lang bes? Mukha ka yatang matamlay at wala sa mood ngayon? May nangyari ba?" sunod-sunod niyang tanong.
Bumaling naman ako ng tingin kina Min at Stella pero agad ko ring inilihis dahil masiyadong masakit ang nakikita ko ngayon. Hindi ako sanay na makita siyang may kasamang iba. Parang feeling ko paulit na dinudurog ang puso ko.
"Kaya pala matamlay at wala ka sa mood, dahil pala iyon sa mga bwesit na mga demonyong yan. Aba bes pag ako napuno diyan sa bwesit mong fiance, tatamaan talaga siya sakin. Isa pa bes bakit hindi mo nalang ipatigil kay tito seth ang arrange marriage niyong yan?"
"Alam mo namang mahal ko si Min, hindi ko kayang malayo sa kaniya."
"Kahit ganitong harap harapan ka na niyang niloloko. Okay pa rin sayo? Aba bes hindi porket mahal mo siya eh hahayaan mo nalang siya na saktan ka ng paulit-ulit. Bes wake up walang gamot para sa pagiging tanga at martyr." inis niyang saad sakin.
"Naiintindihan ko naman siya bes eh, hindi pa naman kami legal na mag-asawa kaya pwede pa naman niyang gawin kung ano ang gusto niyang gawin."
"Kahit nasasaktan ka?! Ewan ko sayo bes matalino ka naman pero ang tanga mo naman pagdating sa pag-ibig. Haysstt bahala ka na nga kung ano ang gusto mong gawin. Tara na at baka malate pa tayo." nauna na itong maglakad sakin.
Muli akong bumaling kina min ngunit wala na sila doon.
Nagpakawala muna ako ng isang mahabang buntong hininga bago sumunod kay scarlett. Alam ko naman kung ano ang ipinupunto ni scarlett eh. Hindi ko naman siya masisisi kung magalit siya sakin dahil sa pagiging tanga ko. Alam kong nag-aalala lang siya sakin, pero siguro ganito talaga kapag mahal mo ang isang tao mahirap na sayong layuan siya kapag naging parte na siya ng buhay mo.
"Hi blaire!" bati ni michael sakin pagkapasok ko palang ng classroom.
Araw-araw siyang ganyan. Ang sabi pa nila eh may gusto daw ito sakin ngunit hindi ko na lamang pinansin.
"Are you free tonight?" nagulat naman ako ng sumulpot ito sa harapan ko.
"B-bakit naman?" tanong ko saka umupo.
"Well I just want to have a dinner date with you." nakangiting sagot niya.
"HOY THOMPSON WAG MONG ISALI ANG KAIBIGAN KO SA MGA BABAE MO DAHIL TANGA AT MANHID YAN!!" singit naman ni scarlett. Napanguso naman ako sa kaniya. Si michael naman ay naguguluhang nakatingin samin.
Walang ibang nakakaalam na engage kami ni min. Tanging mga pamilya namin, tsaka si scarlett lamang ang may alam. Ewan ko nga lang sa mga kaibigan ni min. Pero si stella, alam niya ang tungkol doon. Ganon ba talaga kamahal ni min si stella para sabihin sa kaniya ang bagay na yun?
"Anong ibig mong sabihin scarlett?" naguguluhang tanong ni michael.
"Ah michael pasensya ka na ngunit marami kasi akong gagawin mamaya eh. Pasensya na talaga." saad ko. Napatingin naman ito sakin saka napakamot sa batok niya.
Gwapo naman si michael. Actually siya pa nga yung pinakagwapo dito sa section namin kaya lang sa isang tao lang talaga tumitibok ang puso ko.
Kay Min
"Ganon ba? Sige sa susunod nalang." nginitian ko na lamang siya.
"I heard may magpopropose daw doon sa may field!"
"Kaya pala andaming balloons doon!"
"Tara tingnan natin!"Kapwa kami napatingin ni scarlett ng marinig namin yung usapan nung mga kaklase namin.
"Magpopropose? Sino naman kaya?" tanong nito sakin. Nagkibit balikat naman ako, "Mabuti pa tingnan natin."
Aangal sana ako ngunit agad na ako nitong hinila.
Pagdating namin sa may field ay maraming estudyante ang nakapalibot doon. Kaya sumingit kami para makita kung sino ang dalawang taong pinagkakaguluhan ng mga tao. Pero nagsisi rin ako kung bakit pa kami sumingit dito.
Si Min ay nakaluhod sa harapan ni stella habang hawak hawak nito ang kamay ni stella.
"Will you be my girlfriend?" isang tanong na siyang nagpadurog ng puso ko.
"Yes! Yes!" pasigaw na sagot ni stella.
Naramdaman ko namang hinila ako ni scarlett palayo doon ngunit parang wala ako sa sarili ko. Sobrang sakit ng nasaksihan ko. Bakit ba nangyayari to? Bakit?
MIN?
_____
Way Back Into Love
@itsme_kitcath
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomanceBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?