BLAIRE SAMANTHA's POV
Sabado ng hapon na ngayon at tatlong araw na ang lumipas matapos maganap ang eksenang nagpadurog ng puso ko. Matagal na yun pero sariwa pa rin sa utak ko ang pangyayaring yun.
Parang winasak ng libo-libong karayom ang puso ko.
Alam ko namang hindi pa kami kasal ni min at alam kong may karapatan pa siyang magkaroon ng girlfriend niya pero di ko maiwasang masaktan lalo pat mahal ko siya. Masiyadong masakit!
Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago lumabas ng kwarto. Napatigil pa ako ng makasalubong ko si min na bihis na bihis.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
Seryoso ang mukhang bumaling ito ng tingin sa akin.
"It was none of your business." malamig nitong sagot sakin. Napayuko naman ako ng nilampasan ako nito ngunit agad na napaangat ng tingin ng tumigil ito ng ilang metro sa akin.
"Maghanda ka mamaya at linisan mo yung isang guest room dahil dito muna tutuloy si stella habang wala pa si manang." saad niya. Napahawak naman ako sa seradura ng pinto.
"Pero paano kung malaman nina tito miguel to?"
"Hindi nila malalaman kung mananahimik ka lang."
Gusto kong tumutol pero itinikom ko na lamang ang bibig ko. Kahit anong pilit pa ang gawin ko siya parin naman ang masusunod.
Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang papalabas siya ng bahay.
Ano pa ba ang aasahan ko sa kaniya eh ako lang naman ang may gustong maikasal sa kaniya. Alam kong napipilitan lamang siya sa kasunduang ito. Sinabi na niya sa akin noong una na pumayag lamang siya sa kasunduang ito dahil ayaw niyang madisappoint yung parents niya.
Nung una maayos pa naman ang pakikitungo niya sakin pero nung malaman ko na may mahal na siya at iyon ay si stella ay bigla na lamang itong nagbago. At yun nga nalaman ko na lamang na sila na habang ako nandito at palihim na nasasaktan kapag nakikita silang magkasama. Bakit kaya ang unfair ng tadhana sakin?
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa paglilinis. Nilinisan ko na rin yung isang guest room katulad ng sabi ni min. Napatigil lang ako ng may marinig akong katok.
Dali-dali naman akong naglakad palapit sa pinto tsaka ito binuksan. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni tito miguel. Ang daddy ni min. Tumingin naman ako sa likod niya at hinanap doon si tita celine pero hindi ko ito nakita. I guess si tito lang ang bumisita.
"Tito naparito po kayo?" tanong ko saka nilakihan ng bukas ang pinto. Agad namang pumasok si tito miguel at umupo sa sofa.
Umupo naman ako sa kaharap na upuan ni tito miguel.
"Binisita ko lang kayo hija. Teka nasaan si min at tsaka si manang linda at mang mando? " tanong niya tsaka inilibot ang paningin sa buong bahay.
"Ahh si min po?...... Pumunta sa bahay ng kaibigan niya, may gagawin daw po silang project." pagdadahilan ko. Ayaw ko naman na mas lalong magalit sakin si min. "Si manang naman po ay pinauwi ko muna sa probinsya nila dahil nagkasakit daw po ang apo niya. Saka si mang mando naman po eh nag leave po muna. "
"Ganon ba?! Kamusta naman kayo ng anak ko hija?" panandalian akong natahimik dahil sa tanong ni tito miguel.
"Ahh okay lang po kami ni min tito. Actually nga po eh mabait po siya sakin." pagsisinungaling ko.
"Mabuti naman kung ganon."
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni tito miguel hanggang sa hindi ko napansin na gabi na pala.
"Mauna na ako hija. Pakisabi nalang sa anak ko na galing ako rito." - tito miguel. Tumango naman ako sa kaniya.
"Sige po tito,sasabihin ko po sa kaniya. Sana po sa susunod ay isama niyo rin po si tita celine." tumawa naman si tito dahil sa sinabi ko.
"Oh sige hija. Mauna na ako."
"Sige po tito. Mag-iingat po kayo." aniko.
Hinatid ko nalang si tito hanggang sa labas ng bahay. Kumaway lang ako kay tito miguel, gumanti naman siya ng kaway bago pinaharurot paalis ang sasakyan.
Papasok na sana ako ako ng matanaw ko ang kotse ni min na paparating. Nang maiparada na nito ang kotse niya ay agad itong lumabas tsaka umikot upang buksan ang pinto ng front seat. Bigla nalang bumagsak ang balikat ko nang lumabas doon si stella na nakasuot ng backless dress na hapit na hapit sa katawan niya.
Nakatingin lamang ako sa kamay ni min na nakapulupot sa bewang ni stella. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Para bang ayaw niyang mawala si stella sa kaniya sa sobrang higpit ng pagkakapulupot niya kay stella.
"Get the hell out of our way." malamig na sambit ni min.
"Nice to meet you again Samantha!" nakangiting bati ni stella sa akin. Hindi ako bobo para hindi malamang peke iyon. Alam kong natutuwa siyang nakikitang ganito ako. Hindi naman ito ang unang beses na nagkaharap kami.
Hindi ko na lamang siya sinagot.
"Did you cook?" walang kaemo-emosyong tanong ni min sakin.
"Pasensiya kana nakali------."
"YOUR SO STUPID AS ALWAYS!" napaatras ako dahil sa galit nitong sigaw sakin.
"N-nagpunta kasi si tito--------."
"DAMN WITH YOUR EXCUSES!" galit nitong sigaw sakin."Dito ka matutulog buong gabi."
Nagulat naman ako sa sinabi nito. Sobrang lamig dito sa labas tapos dito niya ako patutulugin. Wala na ba talaga siyang pakialam sakin? Ganon niya ba talaga kaayaw sakin?
"Pero malamig dito sa labas at marami ring mga lamok rito."
"It's not my problem anymore." matigas niyang saad tsaka naglakad papasok ng bahay. Gusto ko man siyang pigilan at pakiusapan pero hindi ko na lamang ginawa dahil sa panghihina.
Nagpaiwan naman si stella na ngayon ay nang-aasar na nakatingin sakin.
"Oww I pity you samantha!Kawawa ka naman wala man lang pakialam sayo si min. Well goodluck! Matulog ka ng mahimbing hah!" sabi niya bago tumatawang naglakad papasok ng bahay. Tanging masamang tingin lamang ang iginawad ko sa kaniya.
Gusto ko siyang saktan pero natatakot akong baka mas lalong magalit sa akin si min. Ayaw ko nang dagdagan pa ang galit niya sakin.
My life is so damn miserable!!!
______
Way Back Into Love
@itsme_kitcath
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomanceBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?