Two

138 5 0
                                    

*************

Kasalukuyang nag sa-shopping ngayon si Xia sa XNL mall isa sa mga pag-aari Nya. Yes inassume na nyang kanya kahit hindi pa official na kanya talaga. Pasasaan ba't sa kanya parin ang bagsak nito she's only the heiress ika nga. 

Sa katunayan, maraming properties ang kanyang mga magulang. Mapa malls, hotels and resorts, restaurants, school at iba pa. Tamad na syang isa-isahin at baka mainggit lang ang iba dyan. Xia kung tawagin sya ng kanyang mga kaibigan at Nicole naman sa kanyang mga magulang. 

Ayaw na ayaw nyang tinatawag na Xia kung hindi ka nya kilala, a totally STRANGER has no right to call her Xia. A famous line indeed, "Don't you dare to call me Xia! it's XIAMARA ok? huwag kang feeling close! LOSER!" Kung ayaw mo ng gulo, umiwas ka nalang.

lumaki sya sa pangangalaga ng kanyang yaya na si yaya Sally. Ito ang nagsisilbing kanyang pangalawang ina. Hindi nya madalas kasama ang kanya maga magulang. Pano ba naman laging kung hindi out of town eh out of the country. Sa isang buwan maswerte na sya na nagkikita sila ng limang beses pero may pagkakataon din na kahit ni isa ay wala.

Hindi naman sa nagrerebelde sya. Naiintidihan din naman nya na para sa kanya ang lahat ng paghihirap ng mga ito. Hindi nya lang maiwasan ang magtampo at malungkot. Hindi nya naman kailangan ang mga materyal na bagay. Ang gusto nya lang ay ang makasama nya ang parents nya. Kaya hindi sya masi-sisi kung ganyang ugali ang inaasta sa iba.

Minsan narin syang naloko. Hindi sa pagbo-boyfriend,  NBSB pa sya kundi napeke sya ng kaibigan. Nang dahil don hindi na sya basta-basta nagtitiwala maliban sa sarili nya at sa pamilya. Imbis na magmukmok dinadaan na lang nya sa liwaliw tulad ng pagsa-shopping at mga night outs.

4th year college sya ngayon at kunting kembot nalang ga-graduate na. Business Administration ang pinakuha sa kanya kahit HRM ang gusto nya. Business Ad. ang utos ng parents nya para sa kumpanya na hahawakan nya in the future. Subalit mas gusto nyang magluto lalo na ang pagbe-bake ng mga cookies.

Wala naman syang magagawa dahil once na sinuway nya ang ama, magiging katapusan na ng kanyang marangyang buhay. Pag may gusto kasi ang kanyang ama dapat talagang sundin. Mabait sa kung mabait ito ngunit pag magalit ay nakakatakot. Minsan na nitong naranasan kaya ayaw na nyang maulit pa.

Bilang unica ija, malaki ang expectation mula sayo. Kung baga perfect made pero dahil nga sya si Xiamar Nicole Lopez at ayaw nya sa plastikan, ginagawa ang gusto hindi sya napipilit sa kung anong dapat isuot, kilos at gawa. She dressed according to her style, she acted by herself walang halong pagkukunwari at higit sa lahat ginagawa ang gustong gawin.

*After 5 hours*

Matapos ang pagkahaba-habang pagiikot sa mga botique si Xia ay nakaramdam narin ng pagkagutom kaya naisipang kumain sa mcdo.

Kunti lang ang kanyang nabili dahil walang gaanong nagustuhan ang kanyang magagandang mata. Kulang pa ang sampung paper bags para sa araw nito ngunit dahil sa pagod narin kaya kailangan ng kumain.

Kahit naman mayaman sya, paborito nya paring kumain sa Mcdo bukod sa may value meal eh masarap naman talaga. Dito narin nya nakasanayang kumain at magpalipas ng oras.

Nakapag-order na sya ng pagkain. Hindi na nya kailangang pumila pa dahil papasok palang sya agad ng may mag-aassist sa kanya na mga crews. Yes again mga crews dahil kapag kakain sya dito hindi lang isa o dalawang plato kundi halos pantatlohan o panlimahan ang order nya lalo na paggutom na gutom. Hindi naman tumataba, malakas lang talaga ang metabolism nya.

Kilala na sya dito at regular costumer kaya hindi na sya pahirapan sa pagpila. Uupo nalang sya at kusang lalapit ang mga crew, brat nga diba??. May naka reserved naring table para LANG sa kanya.

Yes, tama ang nabasa nyo. Para "LANG" talaga sa kanya. Walang sino man ang maaring umupo doon at kung may magtangka humanda kana sa bangis ng isang Xiamara Nicole Lopez.

*After the meals have been prepared*

Takam na takam syang kumakain. Wala syang pakialam sa paligid. Basta pagkain ang kaharap, solo nya ang mundo.

*_* hmmm~~~



*_* uhhhmmm~~~

*__* hmmm~~

*kublit*

*kublit*

*kublit*

  "What the hell!!!!!" sigaw nya sa bastardong gumambala sa masarap nyang kain.   

^~_~^

Naging ganyan tuloy ang mukha ng dalaga nang may hinayupak na naglakas ng loob para disturbuhin ang moment sa pagkain. Sarap na sarap pa naman sya sa kanyang kinakain. It's been 3 days kasi mula nong huli syang kumain dito kaya namissed talaga nya ang ganitong senaryo. 




Dito lang muna..parang ang sarap pa matulog..

Ok ba ang new story ko?? Vote and comment lang kayo. Libre at madali lang. Hehehehe

The Spoiled Brat became a Mommy!!??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon