Chapter 1

2.3K 41 11
                                    

Ezekiel

Dalawang oras lang ang naitulog ko kagabi dahil naka on duty ako para bantayan ang Camp. Maganda ang sikat ng araw ngayon, Hindi na masyado maulan dahil umalis na ang bagyo Dante sa Pilipinas. Marami residente ang apektado ng baha at landslide.

"Pre tumawag si Sir Migo, may mga bago baril parating, Kailangan natin kunin sa Pantalan ng barko" Saad ni Archie sa akin.

"Ganun ba, Tara puntahan natin" sabi ko sa kaniya.

"Ikaw na ang mag drive ng sasakyan" binigay niya sa akin ang susi ng sasakyan.

"Alis na tayo para maaga tayo makabalik" sabi ko. Pumunta kami sa sasakyan, Binuhay ko ang makina bago nilisan ang kampo. Sa ngayon binabagtas namin ang kabuuan ng Highway Road papunta sa Pantalan. Sa kalagitnaan kami ng biyahe may humarang sa amin.

"Pre NPA, Ambush ito" Bigla ko inapakan ang brake ng sasakyan kaya napahinto ako. Hinawakan ko agad ang baril ko.

"Pre NPA nga, ano gagawin natin?" Umigting ang panga ako.

"Hindi tayo bubuhayin ng mga yan Pre. Lalaban tayo" matapang na Saad ni archie.

May tatlong armado lalaki nakaharang sa dinadaanan namin. Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril.

Pinaulanan nila kami ng Bala. Lumabas ako sa kotse para paputukan sila. Walang gusto sumuko at palaban ang mga armado lalaki.

"Pre malakas ang mga baril nila. Kailangan natin makatakas sa madali panahon. Pre takbo!" Saad ni archie.

"Tara" sa Akma tatakbo sana ako ay bigla ako nabaril sa tama. Naramdaman ko bumaon ang Bala sa laman ko. May tama ako sa balikat. Kailangan ko makatakas dahil kung hindi papatayin nila ako.

"Pre may tama ka" Umalingawngaw ang boses ni Archie. Hindi ko na magawa lumingon sa kaniya. Kahit may tama ako sa hita at balikat ay pinilit ko makatakas. May tulay ako nakita. Tumalon ako.

Bigla dumilim ang paningin ko. Lord ikaw na ang bahala sakin.

D-Dahan-Dahan ko minulat ang mga mata ko. Pagkagising ko may katabi ako babae, nakadantay ang hita niya sa tiyan ko at nakayakap siya sakin. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ng babae. Mahimbing na natutulog sa tabi ko. Bigla ko siya tinulak kaya bumagsak ang katawan niya sa sahig.

"Aray ko!" Napahiyaw siya ng bumagsak  sa sahig. Kinusot niya ang kaniyang mata."Pogi gising kana!" Saad niya.

Sino ang babae ito at nasaan ako?

"Who are you? Nasaan ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako nga pala si Elizabeth Ramos pogi, Naku nandito ka sa bahay namin, Nakita ka ni Tatay palutang-lutang sa dagat. May tama ka ng Bala ng baril sa balikat at sa hita mo. Natanggal na ang mga Bala na nakabaon sa katawan mo" Saad niya."Sundalo ka pala dahil naka uniform ka ng makita ka ni Tatay." Saad niya.

"Ganun ba. Anong Lugar ito?"

"Dito ka sa Davao De Oro ngayon. Mukha may kalaban ka dahil may tama ka ng baril. Sino ang naka-ekwentro mo bago nangyare sayo yan pogi?" Na intriga tanong niya.

"Inambush kami ng NPA sa daan habang papunta sa Pantalan. Ako nga pala si Ezekiel Montenegro. Maraming salamat dahil tinulungan mo ako, kayo ng tatay mo" sabi ko.

Napako ang mata niya sakin.

"Ezekiel Montenegro pala ang pangalan mo. Wow pangalan palang ang gwapo na" Ang lapad ng ngiti niya sakin. Mukha mabait ang babae ito."Nagugutom kana ba? May pagkain sa kusina baka gusto mo kumain" Aniya.

"Elizabeth ilan araw ba ako walang malay?" Na intriga tanong ko sa kaniya.

"Apat na araw pogi. Mukha matindi ang mga pinagdadaan mo para makatakas sa kamay ng NPA. Huwag ka mag-alala Pogi walang NPA dito sa Lugar namin." Saad niya.

HMS #1 A Soldier Heart (R-18) Complete Where stories live. Discover now