BLAIRE SAMANTHA'S POV
Alas singko y media pa lang ay gising na ako. At kanina pa ako bumabahing.Siguro dahil ito kagabi, sobrang lamig rin kasi sa labas. Parang lalagnatin ako, pero pinilit ko parin ang sarili kong bumangon para magluto ng agahan.
Bumangon ako tsaka lumabas ng kwarto. Agad naman akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina para magluto.
Lumipas ang ilang minuto ay tapos na rin akong magluto. Kaya napagdesisyunan kong bumalik muna ng kwarto para magpahinga. Masiyado nang mabigat ang pakiramdam ko.
Sa tingin ko'y may lagnat nga ako.
Papasok na ako ng kwarto ko ng bumukas ang pinto ng kabilang kwarto, na siyang kwarto ni min. Ngunit para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng makita kong si stella ang lumabas doon. Nang makita ako nitong nakatingin sa kaniya ay nang-aasar itong ngumiti sa kin.
Sunod namang lumabas si Min at kita ko ang gulat sa mga mata nito ng mapatingin ito sakin.
Hah! Bwesit kailan ba titigil ang pusong to na masaktan? Bakit paulit-ulit nalang? Akala ko nagkaroon na ako ng puwang sa puso niya?Wala lang pala yung kagabi.
"Tapos na akong magluto ng agahan."saad ko bago pumasok ng kwarto.
Nang maisara ko na ang pinto ay doon na nagsimulang magsituluan ang mga luha ko.
Impit na napaiyak lamang ako.Ano bang nagawa ko para parusahan ako ng ganito? Naging masama ba ako noon?Bakit puro sakit nalang ang nakukuha ko ngayon? Bakit? Bakit?
Nanghihinang napasandal nalang ako sa pinto at napatulala.
Hanggang kailan? Hanggang kailan ko kayang tiisin ang sakit nato? Masiyado nang masakit sa puso ko. Nakakapanghina.
Unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ko at bigla na lamang na nandilim ang paningin ko.
MIN VLADIMIR POV
Hindi ako mapakali habang kumakain kami. Masiyado akong binabagabag doon sa nangyari kanina.
'oh baka naman nabobother ka dahil nakita kayo ni samantha na magkasama ni stella sa iisang kwarto.'
Inis na napailing ako.
Bakit naman ako mabobother? She's nothing to me.
Napatingin naman ako sa pagkaing nasa plato ko.
Bakit hindi pa bumababa yung babaeng yun?
"Babe are you okay? Your spacing out." napabaling naman ako kay stella ng magtanong ito.
"Im fine." maiksing sagot ko.
"Okay!" pareho naman kaming napatigil ng narinig naming nagring ang cellphone ni stella. Agad naman niya iyong sinagot.
"Yes mom...... Oh.... okay!" sagot nito bago binaba ang tawag. Tumingin naman ito sakin.
"Ahmm pinapauwi na ako ni mommy kailangan pa kasi naming sunduin yung pinsan ko sa Airport." saad nito sakin. Napatigil naman kami ng makarinig kami ng busina sa labas ng bahay. "Maybe that's my driver."
"Hmmmm. Take care." sagot ko.
"Sige mauna na ako. Bye!" agad itong tumayo tsaka lumapit sa akin at humalik bago naglakad palabas ng bahay.
Sinundan ko naman siya at hinatid hanggang sa sasakyan niya.
"Bye babe!" sambit nito bago pumasok ng sasakyan.
Nang makaalis na si stella ay agad akong pumasok ng bahay.
Bakit hindi pa bumababa yung babaeng yun?
YOU ARE READING
WAY BACK INTO LOVE
RomanceBlaire Samantha is a simple girl. Na ang tanging gusto lamang niya ay ang mahalin rin ng isang Min Vladimir. Pero paano mangyayari yun kung may iba nang tinitibok ang puso ni Min? Magawa niya kaya itong mapaibig o susuko na lamang siya?