Stell's POV"Teal, kinakabahan ako." Kabadong sabi ni Pablo ng makarating kami sa restaurant.
Nag book kami ng private room, para hindi dumugin ng fans si Pablo.
"Chill ka lang blue, mabait si Justin. Basta kapag nag joke siya tumawa ka nalang." Natatawa kong sabi.
"Pogi points ba, kapag tumawa ako?" Tumango nalang ako dito.
Hindi naman na kailangan ng pogi points ni Pablo, dahil pogi na ito sa paningin ko. Pero one thing for sure, matutuwa si Justin kapag natawa ito sa mga korni jokes niya.
"Justin!" Pasigaw kong bati dito ng mapansin kong nakapasok na pala ito sa loob ng kwarto.
"Ah hello Justin, Pablo Nase pala." Nanginginig na sabi nito bago makipag kamay kay Justin. Hindi ko tuloy mapigilang matawa ng palihim. Sobrang cute kasi ng itsura ni Pablo ngayon.
"Hello, kanina pa kayo?" Sagot naman ni Justin, bago makipag kamay din kay Pablo.
"Hindi kakadating lang namin, maupo na kaya tayo. Ang awkward niyong dalawa." Natatawa kong sabi bago maupo, at sumunod naman ang dalawa.
Parang mas lalong naging awkward ang sitwasyon, matapos kasing maupo wala ng nag salita sa dalawa. Si Pablo tahimik lang, parang naghihintay mag salita si Justin. Ito namang si Justin, kunwari busy habang pinag lalaruan ang halaman sa lamesa.
Jusko naman anong gagawin ko sa dalawang to.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?