Elizabeth
H-Habang lumilipas ang araw, Tumatakbo ang minuto, ang oras ay mas lalo ako nalulungkot dahil magaling na ang sugat ni Ezekiel sa balikat at hita niya. Darating ang araw na aalis siya sa bahay. Babalik sa Lugar kung saan siya nagtatrabaho bilang sundalo. Masyado ako na attach sa kaniya at tuluyan na talaga nahulog ang feeling ko sa kaniya. Kahit palihim lang ay umuusbong sa puso ko Gustong-gusto na ko siya.
Baka mahal ko na talaga siya, Hindi ko lang masabi-sabi sa kaniya. Sino ba kasi hindi magkakagusto sa lalaki yun, gwapo, matangkad, mabait at higit sa lahat maganda ang build ng katawan.
Kainis! Hanggang paghanga lang ako kay Ezekiel. Baka kaibigan lang ang tingin niya sakin. Masakit kaya masabihan na kaibigan lang ang tingin ko sayo, galing pa mismo sa bibig ng lalaki gusto ko. Ayaw ko ma friend zone, mahirap kaya.
Tapos ako lang ang nagmamahal sa amin dalawa. Ako lang pala.
Kainis bakit kay Ezekiel pa! Bakit sa kaniya pa ako nagkagusto na impossible maging kami!
Nagulat ako dahil nilapag niya ang balabal sa balikat ko at tumabi siya sa akin. Nakaupo kasi ako sa tabi ng dagat habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Payapa ang gabi ngayon. Mabuti nalang low tide kaya hindi malakas ang alon sa dagat.
"Malamig baka sipunin ka" Malambing na sabi niya. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Naamoy ako ang pabango niya. Ang bango-bango niya talaga.
Kaya ko sabihin sa kaniya na Gustong-gusto ko siya at hindi lang yun mahal na mahal ko na siya. Hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo nararamdaman ko.
"Gustong-gusto kita Ezekiel" Napabulalas na sambit ko.
"O-Ows, T-Talaga" Bigla nawala ang ngiti sa labi ko dahil nakatingin siya sakin. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Nalaglag ang balabal sa buhanginan ng tumayo ako. Umalis ako sa harapan niya. Nag mamadali ako pumasok sa kwarto ko. Para ako tanga dahil iniwan ko siya mag-isa sa tabi ng dalampasigan na mag-isa. Sinabi ko na sa kaniya na Gustong-gusto ko talaga siya. Ano kaya ang magiging reaction ng mukha niya. Pagkatapos ko mag confess sa kaniya, ano kaya ang sasabihin niya sa akin bukas.
Humiga ako sa kama, Kinumutan ko ang katawan ko at nakatitig lang ako sa kisame.
Kainis ka Elizabeth bakit sinabi mo kaagad na Gustong-gusto mo siya, baka mailang sayo ang tao.
Kapag hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoo nararamdaman ko parang sasabog ako kaya sinabi ko. Kahit wala kasiguraduhan na magugustuhan niya rin ako.
Maaga ako nagising at nakita ko si Inigo sa mesa habang nag timpla ng gatas.
"G-Good morning ate,mabuti gising kana" Saad niya.
"Good morning" sabi ko, Pumunta ako sa banyo para maghilamos at mag gurgle."Inigo gising na ba si Ezekiel?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo ate maaga nakagising si Kuya, hinatid niya nga si nanay sa Palengke dahil marami dala mga gulay. Tapos bumalik siya agad dito sa bahay. Tingin ka sa labas ate, nagsisibak siya ng kahoy para igatong, alam mo ate napakabait ni Kuya Ezekiel. Tahimik at wala ka arte-arte sa katawan. Close sila ni mama at kanina habang nakatingin ako sa kanila nag-uusap panay ang tawanan nila dalawa. Kahit ano e utos ni nanay sumusunod agad na walang ka reklamo-reklamo sa kaawan" Saad niya. Nakita ko siya nagsisibak ng kahoy.
Kagagaling niya lang sa Disgrasya kung ano-ano ang pinaggagawa dito sa bahay. Hindi pa nga siya totally magaling. Kung mapa-ano siya.
"Ganun ba" Saad ko.
"Oh ate bakit ganiyan ang reaction ng mukha mo?" Na intriga tanong niya.
"Hindi pa totally magaling si Ezekiel kung ano-ano ang ginagawa. Kung mapa-ano siya aber" sabi ko.
YOU ARE READING
HMS #1 A Soldier Heart (R-18) Complete
RomanceBata palang si Ezekiel Montenegro pangarap na niya maging Isang Dakila Sundalo, Ayaw na ayaw niya Matulad sa Tatay niya Architect. Mas gusto pa niya humawak ng Machine gun at Armalite kaysa sa mag drawing. Sa kasamaan palad habang nakikipag barilan...