CHAPTER 2

61 32 32
                                    

"Nakakapagod."

Pabagsak akong umupo. Kakatapos lang ng activity namin sa physical education. Pinatakbo kami ni sir paikot sa court. Its was so tiring.

Pakiramdam ko natagtag lahat ng taba ko sa katawan dahil sa pagtakbo ko. Pawisang-pawisan ako. Sila Sierra chill lang samantalang ako halos maubusan na ng hininga.

Ganito siguro talaga kapag mataba. Mabilis mapagod. I need to eat later, nagugutom na ako dahil sa pagtakbo namin.

Pagkatapos kong magpahinga, mag isa akong dumiretso papunta sa canteen, hindi ko alam kung nasaan si Sierra kaya ako lang mag isa. Nag order ako ng dalawang burger at isang juice. Nang matapos  ko 'yong kainin lahat ay pumunta na ako sa library.

Mas gusto ko dito sa library kasi tahimik, magandang makinig ng music habang nagbabasa. 

"Sabi ko na nga ba nandito ka lang e!" Nagulat ako sa biglang paglapit ni Sierra, agad ko syang sinenyasan na tumahimik, masyadong malakas ang boses nya. "Ay sorry. Bakit hindi mo ako sinama dito, madaya ka hinanap kaya kita."

"Wala ka kasi kanina. Saan ka ba galing?"

"Kasama ko si Caiden, kinaladkad na naman ako ng pinsan mo para magpanggap na girlfriend nya. Pagsabihan mo nga iyang si Caiden, masyadong guwapo, pinagaagawan ng babae," bumuntong hininga sya. "Buti nalang maganda ako, naniwala sila na ako ang girlfriend ng tipaklong na iyon...Bakit hindi ka nagsasalita?" tinaasan nya ako ng kilay, nagtataka siguro sya kung bakit ang tahimik ko.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko at tinatamad akong magsalita." ngumiti ako sa kanya, napataltak naman sya.

"Hindi na ako nagtataka." napailing sya. "Pero iba ang pagiging tahimik mo ngayon e, anong iniisip mo? I can feel that something's bothering you. Okay lang kung ayaw mong sabihin, hindi kita pipilitin."

Bumuntong hininga ako. Hindi naman nya ako pinipilit magsabi pero pakiramdam ko dapat kong ibahagi sa kanya ang iniisip ko para naman mabawasan. Unfair din naman para sa kanya kung hindi ako magsasabi, kasi sya lahat kinikwento nya sakin. Kahit pagtae nya ng matigas kinukwento pa nya.

"What does it feel to be kissed?" hindi ako makatingin sa kanya, nahihiya ako sa tinanong ko. Nagtaklob ako ng libro sa muka.

"Tangina," mahina pero may diin nyang mura. Nang tingnan ko sya nanlalaki ang mata nya at nakaawang ang labi, hindi makapaniwala na nagtanong ako ng ganoong bagay. "Bakit bigla kang na curious? May humalik ba sayo?"

"Wala. Kalimutan mo nalang."

"Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi pa naman ako nahahalikan pero sabi ng iba masarap daw. Bakit ka ba nagtatanong? Sabihin mo sakin ang dahilan."

Bumuntong hininga ako. Hindi nya ako titigilan kapag hindi ako nagsabi kaya kinuwento ko sa kanya ang nakita ko. Dalawang araw na ang lumipas pero hindi parin mawala sa isip ko ang pakikipaghalikan ni Trevence. At mas lalong hindi mawala sa isip ko ang sinabi nya, parang seryoso sya na willing sya na turuan akong humalik kung gusto ko.

"Bad influence sya, sinisira nya ang innocent mind ng best friend ko! 'Wag kang lalapit sa lalaking iyon ha," bumuntong hininga sya. Ilang saglit lang ay nagtanong. "Maganda ba iyong babae?"

"Mas maganda ako." Pareho kaming natawa sa sagot ko. Totoo naman. Mas maganda naman talaga ako pero mas matured sya at mas sexy siguro dahil ahead ang edad nya sakin.

Pagkatapos ng klase nagsiuwian na silang lahat. Si Sierra ay sumabay kay Caiden samantalang ako at nanatili sa loob ng room dito ko nalang hihintayin si kuya sabi nya sakin susunduin nya ako. Nag text na ako sa kanya na dismissal na kami bago mamatay ang phone ko.

Captivating Deception (Affection Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon