CHAPTER 3

56 32 23
                                    

"Trevence Adam! Aba! Kanina pa kita tinatawag, lumabas ka riyan!"

Nanlaki ang mata ko. Sobrang lakas ng pagkaka-katok sa pinto ng mama nya. Nagkatinginan kami ni Trevence, pinanlakihan nya ako ng mata.

"Tago na, dali!"

Mabilis akong kumilos. Gumapang ako sa ilalim ng kama ni Trevence nahirapan pa ako dahil hindi ako kasya, pinagsiksikan ko lang ang sarili ko.

Bat kasi mataba ako?.

"Trevence Adam!"

"Sandali lang ma! Bubukasan na!"

"Bakit ang tagal mo? Anong ginagawa mong bata ka ha? May babae ka ano!"

Nanlaki ang mata ko. Pigil na pigil ko ang hininga ko sa ilalim, pinagpapawisan din ako ng malamig, kinakabahan ako.

"Wala ma. Naliligo kasi ako kanina, alangan namang lumabas akong walang damit."

"Bumaba ka na, kakain tayo, may dala kaming pagkain ng papa mo. Pasalamat ka papakainin pa kita e hindi ka naman naghugas ng plato."

Hirap na hirap na ako sa pwesto ko. Gusto ko ng lumabas mula sa pinagtataguan ko. Pinagdarasal ko na sana umalis na sila dito para makalabas na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magtago, pwede namang magpaliwanag ako ng maayos sa mama nya hindi iyong ganito na parang may ginagawa kaming masama.

"Kayo nalang ma. Busog pa ako, galing ako sa birthdayhan ng kaibigan ko."

"Bakit hindi ka nagbalot? Diba sabi ko pag birthdayhan magbabalot ka, para makatikim kami ng handa. Ire-rate ko over ten."

"Ma, naman, nakakahiya hindi na ako bata. Sige na, labas ka na, tutulog na ako maaga pa ang klase ko bukas."

"Sya sige. Kapag nagutom ka bumaba ka nalang. Sigurado ka na wala kang dinalang babae dito ha, ayaw kong magka-apo. Babasagin ko ang itlog mo gagawin kong scrambled egg at ipapakain ko sayo kapag nalaman ko na may babae kang dinala dito."

Nakahinga ako ng maluwag noong lumabas ang mama nya. Tinulungan ako ni Trevence sa pagalis sa ilalim ng kama, kinailangan pa nyang iangat ang kama para lang makalabas ako.

"Your mom is scary."

He chuckled. "Ganon talaga iyon pero mabait si mama. Hindi nga ako takot sa kanya. Si mama ang takot sa'kin, tamo napa-alis ko agad."

Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi daw takot pero taranta't pinagpapawisan na kanina.

"Okay puti ang uwak."

Natahimik kaming dalawa. Nakakabinging katahimikan na naman ang bumalot sa buong kwarto ni Trevence. Nakaupo ako sa dulo ng kama at sya naman ay sa maliit na sofa sa tapat ko lang. Nakatitig lang kami sa isat-isa, walang may gustong magsalita.

Pumasok sa isip ko ang muntik ng mangyari sa'kin kanina. Hindi ko maiwasang maiyak. Kung hindi ako naka-alis baka na rape na ako. Bumalik ang galit ko kay Trevence, kasalanan nya ang lahat ng ito.

Kasalanan nya kung bakit muntik akong mapahamak. Kasalanan nya kung bakit nakapagsinungaling ako sa kuya ko. Kasalanan nya kung bakit kailangan kong magtiis dito sa iisang kwarto kasama sya.

"Hush, don't worry you're safe now." niyakap nya ako at hinaplos ang buhok ko, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sa'kin. "I'll make him pay for what he did, hmm. I will make that fucker pay."

"I hate you!" kinagat ko sya sa braso. Napangiwi sya dahil sa sakit pero hindi nagreklamo, nagpakagat lang sya sa'kin. "Sorry." natauhan ako sa ginawa ko. Tiningnan ko ang braso nya, bakat ang bite mark ko doon. May dugo pang tumutulo, napadiin pala ang kagat ko.

Captivating Deception (Affection Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon