CHAPTER 10

43 28 30
                                    

Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nililigawan sa mismong bahay. Kapag hinaharana. I felt so special. Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko.

Sa panahon ngayon bihira na ang mga lalaking punupunta sa bahay ng gusto nilang babae para mangharana humarap sa magulang at manligaw, kung may gumagawa man bilang nalang sa daliri. Iba na kasi ang panahon ngayon. Sa paglipas ng panahon madami na ang nagbago. Thru the use of social media pwede nang manligaw thru messenger, text or call.

You can easily get a partner in social media. 'Yong iba ko ngang classmate may boyfriend pero hindi nila kilala or na mi-meet in person. They just meet them in social media. Ang ilan naman ay may strict na parents kaya nagpapaligaw ng patago, katulad ko.

Noong una akong niligawan ni Trevence nag effort din sya. He didn't give me such a expensive gifts, he didn't brought me to a expensive restaurant for a date. But he give me his time, effort and assurance. He made me feel special. That's more than enough for me.

Ngayong nanliligaw sya sa harap ng magulang ko mas lalo ko syang minahal. He proves that he will do anything for me, he would risk everything for our relationship.

Actually he don't need to do this because we're already together but because he wants to prove himself and he want us to be legal in good way, he still court me for the second time.

"Hindi ka tatakbo? Hindi ka natatakot?" Dad asked.

Ngumiti si Trevence at hindi natinag sa kinatatayuan kahit may hawak na baril si Dad at nakatutok sa kanya.

"Hindi po Sir. Handa akong saluhin 'yang bala kung 'yan po ang paraan mo para matanggap ako. Kapag po tumakbo ako parang pinatunayan ko na duwag ako, na hindi ako seryoso at hindi ko kayang ipaglaban si Larissa. Shoot me Sir...wag mo lang po akong tuluyan gusto ko pa pong makasama si Larissa."

"Dad..."

Binaba ni Dad ang baril at nagkipit balikat. Ilang sandali pa ay tinutok nyang muli kay Trevence at kinalabit ang gatilyo, tubig ang lumabas mula roon, sapol sa muka ni Trevence.

Dad chuckled maging si Trevence ay napatawa kahit halatang kinabahan nang kalabitin ni dad ang gatilyo, kita ko ang panlalaki ng mata nya.

"Come inside nakakangalay tumayo."

Naunang pumasok si Daddy at Kuya nagpaiwan kami ni Trevence sa labas. He smiled at me at kissed my cheeks. "Shit! gagi! akala ko tutuluyan ako ng Daddy mo. Kinabahan ako ng slight." he laughed.

Pagkatapos kumain umalis din kaagad ang kaibigan ni Trevence naiwan syang mag-isa dito sa bahay. Kuya, Daddy and him is in our living room they are seriously talking. Hindi nila ako hinayaang lumapit sa kanila para makinig pina akyat agad ako sa kwarto kaya hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila.

"Talaga?! Wow hindi ako makapaniwala." Sierra said over the phone. Tinawagan ko sya at kinuwento ang nangyari. "Lakas ng loob nya huh, nice." she laughed.

"Kinikilig ako Sierra! Ang sarap pala kapag hinaharana." I rolled over my bed biting my lower lip to prevent my shriek.

"Anong lasa?"

"Patayin ko na nga! Panira ka!"

"Joke lang 'to naman. Ako kasi hindi ko pa nararanasan 'yan, sabihin mo sa kuya mo, ligawan na nya ako. Wala namang hahabol ng taga sa kanya wala naman akong...tatay."

"Hindi na kailangang manligaw ni Kuya kasi sure ako hindi pa sya nanliligaw, you'll say yes agad. Aminin!"

She laughed. Nailayo ko sa tenga ang cellphone ko sa lakas ng tawa nya.

"True! at saka kaya ko namang haranahin ang kuya mo, ako nalang ang kakanta. Gagawin kong mic yung ti---"

"Bye!"

Captivating Deception (Affection Series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon