PROLOGUE

9 2 0
                                    

"Sobrang pinagsisisihan ko na hindi kita pinigilang umalis." unti-unting bumabagsak ang mga luhang puno ng kalungkutan,pagsisi at   pang hihinayang ang aking mga mata.

Unti-unti akong nag lakad patungo sa kabaong  na nasa harapan ko. Ayokong maniwala...kahit nasa harap ko na ang ebidensya.

Kumikirot ang puso ko. "Ang akala ko magiging ayos na ang lahat..."

"Ginawa ko ang lahat para lang lumayo ka, akala ko magiging maayos na ang lahat kapag itinigil natin 'to, p-pero..." Hinawakan ko ang mukha ni Leonardo, sobrang lamig...wala akong maramdamang init hindi tulad noon.

"L-leo pwede bang bumangon kana jan?" pag mamakaawa ko dahil umaasa ako na sasagutin nya ko pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.

"Pinangako mo sakin na hindi mo ko iiwan!" sumbat ko sa kanya "K-kaya tuparin mo ang ipinangako mo p-pakiusap...bumangon ka jan"

Sobrang sakit.

"Paano na ako?"

"Paano na tayo?"

"Paano na yung kwento ng pagmamahalan natin na ipinangako mong hindi magtatapos?" Napaupo ako habang umiiyak sa harap ng kabaong ni Leonardo.

"Ito na ba?"

"Ito na ba ang katapusan ng kwento natin?" Tumayo ako at tinitigan ang mukha ni Leonardo. Sa huling pag kakataon masambit ko kung gaano ko siya ka-mahal.

"M-mahal pa rin kita Leonardo. Kahit kailan hindi nag bago yon kahit pa nung umalis k-ka, Kahit pa na umalis ka noon...nagbabakasakali ako..." Hinahaplos ko ang mukha ni Leonardo habang ipinag tatapat ang tunay na nararamdaman ko.

"Nag babakasakaling matuloy ang pag mamahalan natin, na kung pwede maibalik natin ang dati"

"P-pero siguro itinadhan na hindi talaga tayo pahintulutang ipag patuloy ang pag ibig nating dalawa."

Umaasa ako na sana mabalik ko ang oras at mabago ang lahat.

Tumingin ako sa aking likuran. At doon nakita ko ang buwan na naging saksi sa pagmamahalan namin ni Leonardo.

Napakaganda ng buwan noon pero ngayon sa tuwing nakikita ko ito bumabalik ang alaala ng nakaraang hindi ko na maibabalik.

Hello guys! Sa Future Readers ko supper thankyou sa inyo.❤️

Hi guys, While Reading this Story I Suggest na Makinig kayo ng kanta na HABANG BUHAY at MY LOVE MINE ALL MINE❤️


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding My Way BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon