DESE-OTSO

35 7 0
                                    

“Ang ganda mo Bella,” puri nito sa ’kin, kita ko rin ang mga ningning sa kaniyang mga mata habang sinasabi niya iyon.

“A-alam ko,” nabulol ako dahil nahihiya ako, isa pa may gusto ako sa kaniya kaya ganoon ang impact sa ’kin no’ng sinabi niya iyon.

Siya si Hiro ang kaibigan ko simula pagkabata. Hindi ko alam kung paghanga lang ba ang nararamdaman ko sa kaniya o talagang gusto ko siya.

“Ang ganda mong pagmasdan, para kang isang dyosa. Maganda ka pala kung tititigan ka nang matagal, mukha ka kaseng batang pulubi minsan, eh,” pang-aasar niya.

“Kapal mo naman Hiro, kung meron mang mukhang batang pulubi rito ikaw ’yon,” bawi ko sa kaniya.

“Ah, talaga ba,” at tinapunan niya ko nang mapang-asar na ngiti.

Tinapunan ko naman siya nang pamatay na tingin.

“Oh, ikalma mo Bella, chill ka lang ako lang naman ”to,” bwisit na ’to.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla siyang nanahimik kaya tinanong ko siya. “May problema ba, Hiro?” sincere na pagkakasabi ko.

Tinapunan niya muna ako nang tingin bago nagsalita. “B-bella, may aaminin sana ako sa’yo,” ngayon lang ako kinabahan ng ganito kung may sasabihin siya.

“A-ano 'yon?” pati ako nabubulol na.

“A-ano kase. . .” ’wag kang pabitin lalo akong kinakabahan.

Nakita kong malalim ang kaniyang bawat paghinga talagang kinakabahan siya, nakikita ko rin ang kaniyang tainga na namumula.

“B-bella, gusto kase k-kita,” pagkatapos niyang sabihin ’yon ay bigla siyang nakahinga nang maluwag.

Isang senyales na sa wakas ay nailabas niya na rin ang kaniyang matagal ng gustong sabihin.

“H-hiro. . .” nagulat ako sa biglaang pag-amin nito at hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, totoo ba ito?

Tinignan niya ’ko habang may takot sa kaniyang mga mata. “Matagal na kitang gusto Bella, simula no’ng mga bata pa tayo,” pag-amin niya.

“A-ayos lang kung hindi mo ako gusto Bella, hindi ko naman hawak ang nararamdaman mo o ang puso mo,” bahagya akong nagulat sa sinabi nya, mali ka Hiro.

Nagsalita naman ako agad, “G-gusto rin kita Hiro, mali ka kung iniisip mong hindi kita gusto,” pagtatapat ko rin ng aking nararamdaman.

Napatingin siya sa akin at biglang napalitan nang ningning ang kaniyang mga mata mula sa takot na nakita ko kanina.

“T-talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango naman ako rito upang tugunan ang kaniyang tanong.

Biglang sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi. “Simula pa no’ng una kitang makita, nagustuhan na agad kita,” pagsisimula nitong magkuwento.

“No’ng bagong lipat kayo rito, nakita kitang bumaba sa sinakyan ninyo habang hawak-hawak ang teddy bear at may ngiti ka sa mga labi. Ang saya ko no’n kase may magiging kalaro ako ulit at isa pa maganda ka. Simula no’n lagi na ’ko sa tapat ng bahay niyo para hintaying lumabas ka at yayain maglaro. Sa tuwing nakikita at nakakasama kita noon sobrang saya ko. Hanggang ngayon ’yon pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ka. Sa paglaon ng mga araw, linggo, buwan, at taon na nakakasama kita napatunayan ko na sa sarili kong gusto na talaga kita. Ayo’kong mawala ka.”

“Ako ba? Kailan mo pa ’ko nagustuhan?” tanong niya naman sa ’kin.

Umayos ako ng upo bago sumagot. “Hindi ko alam, basta naramdaman ko na lang bigla na gusto kita at gaya mo ayaw ko ring mawala ka,” tugon ko sa tanong niya.

Natuwa siya sa sinabi ko at biglang nagsalita. “Madami akong pangarap na gustong marating kasama ka. Kasama sa pangarap ko ang maikasal tayong dalawa pagdating ng araw. Susumpa ako na hindi kita iiwan, ikaw ang babae na ihaharap ko Sakaniya at ipapakilala bilang makakasama ko sa habang-buhay. Sa hirap man o sa ginhawa hindi kita iiwan. Magkasama tayong haharapin ang mga problema na ’ting kinakaharap, masaya rin na ’ting bubuohin ang isang pamilya." nangilid naman ang mga luha ko dahil sa narinig.

Paglaon ay tuluyan na ngang tumulo ang mga luha na pinipigilan kong kumawala. Pinunasan niya ito at ngumiti sa ’kin.

“Masaya ako sa mga sinasabi mo Hiro at kung saan ka masaya doon ako, susuportahan kita. Ayo’kong nakikitang nahihirapan ka,” ngumiti ako at niyakap niya ’ko nang sobrang higpit. Nagyakapan kaming dalawa habang parehong may mga ngiti sa labi dahil sa sobrang saya.

Napangiti na lang ako habang inaalala ang araw na iyon. Araw kung saan nagtapat kami ng nararamdaman sa isa’t isa at araw din kung saan kami nagbitiw ng mga salita na para bang isang pangako.

Masaya ako dahil natupad ang mga pangarap niya. Ngayon nasa harap na siya ng altar ipapakilala niya na ang babaeng mahal na mahal at hindi niya iiwan.

Nang in-announce na ng pari ang bagong kasal biglang nagsi-tayuan ang mga tao at pumalakpak, ang iilan din ay sumisigaw pa.

“Congrats Hiro at Athena!!!” sigaw nilang lahat.

Yes, natupad nga ang sinabi niyang ipapakilala niya ang babaeng mahal na mahal niya ngunit hindi naging ako.

Sa nagdaang sampung taon maraming nangyari, naging magkarelasyon kami sa loob ng pitong taon. Maganda ang naging pagsasama namin, kaso ganoon talaga meron pa ring mga bagay na biglang hahadlang sa mga bagay na gusto mong mangyari. Na-diagnosed akong may sakit sa bato, malala na ito at kumalat na sa katawan ko ang dumi na galing doon. Nagkaroon din ng taning ang buhay ko, kahit ayo’ko ay nakipaghiwalay ako sa kaniya.

Ayo’kong maging makasarili, gusto kong matupad ang mga pangarap niya. Ayo’ko rin na makita siyang nahihirapan dahil sa akin. Sobrang sakit no’ng araw na iyon ngunit alam kong napalitan na iyon ng saya ngayon, dahil nakita ko na siyang masaya muli, ang mga pangarap niya ay natupad na. Ako rin ang nagtulak sa kaniya na magmahal na ng iba, sa loob ng isang taon ay ’yon ang ginawa namin, mag move-on at maghanap na ng bago para sa kaniya. Alam kong masakit ’yon pero masaya naman ako dahil para naman sa kaniya ’yon, para kapag nawala na ako mayroon ng panibagong mag-aalaga sa kaniya at magmamahal ng kagaya ng ibinibigay ko, p’wede pa ngang higitan. Sa loob din ng 2 years ay naging sila at hanggang mangyari na ang araw na ito, ang maikasal silang dalawa. Alam ko na masaya na siya, alam kong iiwan ko siyang ayos na siya at ako masaya ako dahil doon. Masaya ako dahil naging parte siya ng buhay ko, masaya ako dahil naiparamdam niya sa ’kin ang tunay at dalisay na pagmamahal.

Ngayon handa na ’kong mawala sa anumang oras, sapagkat nakita kong masaya ang lahat nang maiiwan ko rito sa mundong ibabaw. Babaunin ko rin ang alaala ng araw na ’yon kung saan labingwalo kami noon, kung saan din na-ipagtapat namin ang aming mga nararamdaman.

Masaya akong lilisanin ang mundong ito dala ang masayang alaala naming iyon.

Sa Gitna ng Dilim (COMPLETED)Where stories live. Discover now