Tinapos ko ang plates ni Eliana kagabi. Hindi ko siya maiwan habang natutulog ito ng komportable sa kaniyang kama.
Hindi ko nga siya ginising para makapagpahinga siya kahit papaano. Alam kong masakit at nangangalay na ang kaniyang kamay sa paggawa ng kaniyang plates at pansin kong puyat din siya. Umuwi na din naman ako pagkatapos kong gawin ang plates niya at nag-iwan na lang ako ng notes doon sa study table niya.
I took a photo of her plates and posted it in my twitter account. Ako at siya lang ang makakakita no'n dahil pinalitan ko sa settings ng twitter kung sino lang ang makakakita. Ang lakas ng tama ko sa kaniya. Kung noon, iba't-ibang babae ang pinopost ko sa social media, ngayon siya na ang pinopost ko kahit wala namang kami.
Bakit hindi ko siya i-po-post? Kaya ko siyang ipangalandakan sa buong mundo mapatunayan lang sa kaniya na seryoso ako sa kaniya. Habang pinagmamasdan ko ang litrato niya, hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Paano ba naman kasi? Ang ganda pa din niya kahit nakatalikod tapos nakaharap pa siya sa sunset.
Tinamaan talaga ako sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. First time ko lang maramdaman itong kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.
Maaga akong pumasok ngayon. Nag-drive thru muna ako ng agahan at ibinili ko na din si Eliana. In case, baka kasi ay hindi siya kumain ng agahan. I bought fries and chicken sandwich sa McDo. Pareho na ang in-order ko. Nang makuha ko iyon ay nag-drive na ako papunta sa University.
Habang nagmamaneho, tumunog ang cellphone ko at may notification doon na chats ng mga kaibigan ko. Maaga din daw silang pumasok para sa plates na ipapasa ngayong umaga. Hindi ko na iyon pinansin at nang makarating ako sa University ay dumiretso na ako sa opisina.
"Good morning, Pres!" masiglang bati sa akin ni Kazmir, ang student council secretary.
Ngumiti lang ako. "Uy, ang aga mo." puna ko.
"Sadya talaga akong maaga, Pres." Natatawang sagot niya. "May kailangan akong tapusin na report."
Tumango na lang ako sa kaniya.
"Oo nga pala, malapit na ang foundation day. Natapos ko na ang draft, pakibigay na lang sa office ng University President para ma-aprubahan." Utos ko at ini-abot ang mga documents na nakapatong sa lamesa ko.
Tinanggap niya iyon. "Sige, Pres!"
Nang makuha ko ang kailangan kong plates, lumabas na ako sa opisina at nagtungo sa room namin. Medyo malayo ang room sa office ng student council pero mabuti na lang at hindi pa gaanong maaraw. Naabutan ko ang mga kaibigan ko na nagyayabangan sa plates nila.
"Pangit niyo," asik ko nang makaupo ako sa upuan ko.
"Uy, sino ka?" mapaglarong usal ni Gerard. "Ang guwapo mo naman," natatawang usal niya.
I smirked. "Guwapo naman talaga ako. Kayo lang ang pangit..." naiiling na sagot ko.
Inakbayan ako ni Carlo. "Pero kahit guwapo ka, hindi naman tumatalab kay Ms. Sy!" halakhak niya.
Sumang-ayon ang dalawa at talagang nagkampihan pa silang tatlo. Tinanggal ko ang kamay ni Carlo sa aking balikat at ngumisi sa kanila.
"Akala niyo lang 'yon," ani ko. "Binigyan ko nga siya ng singsing..."
Nanlaki ang mga mata nila.
"Seryoso?!"
"Kahit pa tignan mo ang kamay niya mamaya," pagyayabang ko.
Gerard smirked. "So, kayo na? In a relationship na kayo? Ang lupit mo master! Wala man lang ligawan na naganap!" bulalas niya.
Binatukan siya ni Travis. "Pinapairal mo na naman ang katangahan mo," asik nito.
BINABASA MO ANG
Playboy's Confession
Fiksi RemajaEntitled as the University Playboy, Silver A. Aquillo, an engineering student and a leader of the student council president sees dating like switching clothes and going over girls without a second thought not until his thoughts changes when he meets...