"OMG!" It was Maxine after reading the contract Simon gave to me.
"Is it bad?" I observed her reaction and she looked very surprised.
"Are you kidding me? This is a very reasonable contract for a slave. Parang hindi nga ito para sa master and slave relationship, eh!" Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Kaya pala missing in action ka nitong mga nakaraang araw. Umamin ka nga sa akin, nag-sex na ba kayo ni Simon?"
Ngumuso ako. "Oo naman. Hindi ko iko-consider ang contract na 'yan kung hindi ako nasarapan sa kanya." Umirap ako.
"Ay, grabe! Magaling ba?" Humalakhak siya at kinurot ako.
"Sobra." Tinago ko ang mga ngiti ko.
"Ang landi mo! Baka isipin niyang si Simon easy-to-get ka. Magpakipot ka ng konti para naman maglaway talaga siya sa 'yo," sabi niya at nagtaas-baba pa ang kilay.
"Bakit? Ganoon ka rin ba kay Dominic noong hindi mo pa siya dom?" tanong na ikinapula ng mukha niya.
Yumuko siya at kinagat ang labi. "Hindi. Gustong-gusto ko na siya, eh. Baka kasi mamaya makahanap pa ng iba kaya sinunggaban ko na."
Hinampas ko ang braso niya at pinanlakihan siya ng mga mata. "Tingnan mo nga, ikaw ang original na marupok sa ating dalawa." Bumaling ulit ako sa kontrata. "What should I do now?"
She sighed and tapped my shoulder. "Mukha namang masaya at komportable ka kay Simon. And the fact that he altered the original to not scare you away makes me think that he is really serious about keeping you. I suggest you should go for it but think about it carefully. Siguraduhin mong hindi ka magsisisi, your contract is indefinite. Si Simon lang ang may power para tapusin ang relationship niyo."
Napakamot ako sa ulo ko. Hindi nga ako bokya kanina sa exam at recitation, dito naman ako naguguluhan. Kung hindi ko 'to pipirmahan, Simon will probably look for another dom for me and he will get the slave he wants, baka umiyak na naman ako sa harapan niya at magmakaawang sa kanya na lang ako. And, if I sign this, I will be forever committed to him.
Baka kapag kaming dalawa na ay mabago ko pa siya ng tuluyan. He said that I making him do things that he doesn't normally do, that's a good sign.
"Where did you sleep last night?" bungad kaagad sa akin ni mommy pagkauwi ko.
"Darling, I told you, she's with Simon Ferrer," daddy rescued me.
"Is he your boyfriend? Narinig ko na nakita ka lang niya ay bigla na lang siyang pumirma sa kontrata ng daddy mo. Is he courting you?" She raised an eyebrow.
"Y-you can say that." Yumuko ako at kinagat-kagat ang labi.
"Be careful not to get pregnant, Yvette. Isang taon na lang at graduate ka na sa law school, don't waste your time and effort for a man." Tumingin siya kay daddy na nailing lang sa sinabi niya.
"I won't get pregnant. I know my priorities." I should get pills to drink.
"Good," she just said and left me alone after.
Mabuti na lang at ganoon lang mga tanong ni mommy. I don't think I can lie to her once she interrogates me more. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang setup namin ni Simon, baka kalbuhin ako ni mommy sa sabunot at kung ano-ano pa ang sabihin sa akin na masasamang salita. Hindi rin maganda sa image ko na as a future attorney at law ay pumapasok ako sa ganitong mundo.
From: Simon Ferrer
Did you make your decision yet?A text from him woke my sleeping soul that night.
To: Simon Ferrer
Can we meet tomorrow morning?From: Simon Ferrer
Sure, in our cafe shop. 7 am sharp.Bumuntonghinga ako. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko kahit simpleng salita niya lang. Siguro dahil naninibago ako sa kilos niya.
"You are really something, Simon," bulong ko habang nakatitig sa huling mensahe niya.
I decided to search for him on the internet to learn more about him. Kung magiging sex slave niya lang din ako, mas mabuting alamin ko kung anong klaseng tao ba siya talaga maliban sa pagiging businessman niya at isa sa mga miyembro ng RedCollar Organization.
Reading amazing articles about him makes me want him more. Nalugi pala talaga ang original na negosyo ng mga magulang niya at naibalik lang niya ang mga iyon dahil sipag niya rin at galing. He is a self-made millionaire, mas namamangha pa ako sa kanya kaya kay Jacob Cabrini.
I was enjoying reading positive news about him when I came across an article about him getting a warrant for sexual harassment and another one for illegal possession of illegal drugs.
"What?" Kinailangan ko pang i-verify ang sources ang article na iyon para lang maniwala ako.
I am not yet convinced kahit pa nakita ko na ang ilang litrato niya na lumalabas sa korte. Is this really true? Did they find him guilty though? Of course not, he wouldn't be here with me if they did.
Pinakalma ko ang sarili ko at napapikit nang mariin.
"Maybe, I should ask him about this. Kaya lang ay baka magalit siya o ma-offend ko. Nakakatakot pa naman 'yon kapag nagalit." Napasabunot ako sa sarili kong buhok.
Hindi ko tuloy alam ngayon kung maganda bang nag-research pa ako tungkol sa kanya. Mas lalo tuloy akong nalito sa desisyon na gagawin ko.
"Pero bakit gustong-gusto pa rin siya ni daddy na maging investor kung may criminal record siya? Baka hindi naman siya guilty talaga at napagbintangan lang. Hay!" napasigaw na ako sa inis sa sarili ko.
I should not overthink things. The right thing to do is to ask him, wala naman sigurong masama na i-background check muna ang magiging master ko forever. Pwede ko rin namang tanungin si daddy tutal ay mukhang concern din naman siya sa akin.
Naghanda na ako sa pagtulog at inalis na sa isip ko ang mga nalaman. Kung aaminin sa akin ni Simon ang nakaraan niya, gugustuhin ko pa rin siya. Honesty is the hardest virtue of all. Mahirap magsabi ng totoo lalo pa kung ikasasama mo iyon.
To be honest, the idea of being his slave really excites my body and my soul. Iyon pa lang mga ginawa namin ay gustong-gusto ko na. The way he fucks me makes me feel like the sexiest and the most attractive woman in the world. He boosts my confidence by doing those things.
"I can't think of anyone other than him as my master or dom." Napangiti ako habang nakatingin sa ceiling ng kwarto ko.
Bumangon ako at inabot ang kontrata. I signed it while smiling really wide thinking that it would be the best decision I would make for myself. Ito ang unang pagkakataon na gagawa ako ng desisyon para sa sarili ko. Even taking Law was not my entire choice, it was my mother's.
"This feels so good like him inside me." I giggled while staring at the contract.
Bumalik na ako sa pagkakahiga at hindi na makapaghintay na mag-umaga. I was about to close my eyes when my phone vibrated once again. Ang akala ko ay si Simon lang o si Maxine ang nag-text but it came from an unknown number. Bigla akong nanlumo sa nabasa ko.
From: Unknown Number
Stay away from Simon Ferrer. He is not the man you think he is. He is a devil dressed like an angel.
BINABASA MO ANG
RedCollar Series #1: Simon Ferrer
RomanceWarning: R18🔞 "It's a cliche, an attorney at law falling to her criminal client. But being its slave is not!" Si Yvette Villa Rico ay matalino, sa sobrang talino ay naging top 1 sa board exam sa abogasya, nakatapos ng tatlong kurso, at higit sa lah...