FUMIKO'S POV:
DUMATING ako sa sports complex at nadatnan kong napakaraming tao lalong-lalo na ang mga kabataang tulad ko na batak sa laro ng computer at online games. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid para hanapin sina Aries kaso hindi ko sila mahanap. Pinagtitinginan rin ako ng ibang players lalo na't puro kalalakihan ang nandito.
Pumunta na lang ako sa isang sulok at saka tumayo doon para hintayin sina Aries. Kinuha ko ang phone ko sa bag at sinimulang itext si Aries.
"Woah, dude. Look at that chic. Is she a player too?"
"She's pretty."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at iniignora ang mga sinasabi ng ibang lalaki na malapit sa akin. Parang hindi sila makapaniwala nandito ako.
"Player din yata, pre? Lapitan mo nga?"
"Gagu! Ayoko."
Itinutok ko na lamang ang atensyon ko sa phone ko habang hinihintay ang reply ni Aries kaso wala pa rin. Nagugutom na rin ako dahil wala pa akong kain.
"Hi, Miss?"
Umangat ang isang kilay ko nang may lumapit sa akin na isang lalaki at nasa likuran nito ang mga kaibigan niya. Pinagtitinginan na rin kami pero 'yong iba wala namang mga pakialam.
"May kailangan ka?" malumanay na tanong ko rito at saka ibinalik sa bag na dala ko ang phone ko.
"Uhm, itatanong ko lang sana kung player ka rin? Ano, gusto kasi ng kaibigan ko na makipag-kilala sa'yo." Napakamot ito sa sariling batok habang iniismiran ang mga kaibigan nito na inaasar siya.
"Oo. Isa ako sa mga player kaso pakisabi sa kaibigan mo wala akong balak na makipag-kilala."
He cleared his throat. "Uh, sige Miss."
Tinalikuran ako ng lalaki at saka siya lumapit sa mga kaibigan. Nagtutuksuhan pa ang mga ito na lapitan ako ulit kaso tinalikuran ko na sila at lumapit ako sa kabilang panig ng sports complex malayo sa kanilang lahat.
Mukhang majority dito ay mga lalaki at ang tanging nakikita ko lang na babae ay ang staff ng FuseFlight. Nakasuot din kasi sila ng uniporme para madali namin silang makilala.
Habang ang mga manlalaro ay kanya-kanyang porma at yung iba ay tipong mga nakapambahay lang; tulad ko.
Muli kong kinuha ang phone sa bag ko at nagpasyang tawagan si Aries at apat na ring pa lang ang lumipas, sinagot ng binata ang tawag ko.
"Ries, na saan kayo?" Bungad ko agad matapos niyang sagutin ang tawag.
"Uh, we're on our way. Nauna ka ba sa venue?"
"Oo. Naiinis kasi ako sa bahay eh. Pwede bang pasuyo na lang bilhan mo ako ng tubig at sandwich? Hindi pa ako kumakain."
Nakagat ko ang sarili kong daliri dahil nakaramdam ako ng hiya sa pang-uutos ko kay Aries. Mayaman naman siya barya lang para rito ang pinapabili ko.
At isa pa, nagugutom na talaga ako at alam ni Aries at Bugoy ang sitwasyon ko sa bahay pero hindi naman lahat na tipong detalyado. Ang alam lang nila, magkaaway kaming dalawa ni Kuya Fumiya dahil kay Tina.
"All right. Hintayin mo na lang kami dyan."
Naputol ang tawag kaya naman muli kong ibinalik sa bag ko ang phone. Hindi pa naman siguro magsisimula ang laro kaya may time pa sina Aries.
I was silently waiting to my friends when the organizers took the microphone and said something.
Lumapit ako nang magkumpulan ang mga manlalaro sa harap ng stage kung saan naroon ang organizers.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...