Taliana
Ilang araw na simula nang huli kong makita ko si Warden. Simula ng nangyari ay hindi ito mahagilap kahit sa kanyang opisina. Hindi na rin ako nagpupunta sa kwarto niya para tabihan siya, siguro ay tapos na ang parusang ipinataw niya sa'kin.
Bagama't nakakaramdam parin ako ng alinlangan kung nasaan siya ngayon at anong ginagawan niya sa mga oras na ito. Hindi dahil sa nag-aalala ako para sa kanya, ang akin lang gusto ko lang malaman kung ayos na ba siya at ang sugat niya?
Hindi ko din mawari kung bakit ako nag-iisip ng ganito samantalang ito naman ang gusto ko, ang mapalayo ng tuluyan sa kanya. Naguguluhan talaga ako ngayon. Dapat lang ay si Blue ang inaalala ko, siya dapat ang iniisip ko hindi si Warden.
"Are you okay?" Ito agad nag kanina pang tanong ni Blue sa'akin. Narito kami ngayon sa open field sa lilim ng malaking puno ng manga. Masarap ang simoy ng hangin at hindi medyo mainit ang paligid ngunit hindi ko magawang mag-enjoy kahit na malapit siya sa'kin.
Gayon paman ay pinilit kong ngumiti.
"Oo, ayos lang ako huwag kang mag-alala."
Ngumiti ito ng matamis at tsaka idinampi niya ang labi niya sa'kin. Hinawi niya ang buhok at tsaka matagal na tumitig sa'kin.
"Kahit na sinasabi mong ayos ka lang, alam kong hindi ka okay, Taliana. Ano ang bumabagabag sayo?" Halata sa ekspresyon ng mukha niya ang pag-aalala.
Paano ko siya sasagutin kung hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito? Hindi nga ako siguro kung ano o sino ang dahilan ng pakiramdam na ito. Isa lang naman ang pumapasok sa utak ko, isang taong hindi ko dapat iniisip. Tatanungin ko ba? Hindi naman siguro iyon masaya, hindi ba? Tatanungin ko lang naman para magtigil na ang utak ko sa kakaisip.
"Hindi. Wala akong problema. M-may tanong lamang ako baka sakaling alam mo ang sagot." Nag-aalinlanagang saad ko.
"What is it? You can ask me anything, Tali."
"Ahm, alam mo ba kung nasaan si warden?" Tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya sa tinanong ko at tsaka kumunot ang kanyang noo. Halatang parang bigla siyang naiinis sa narinig.
"Bakit mo tinatanong?" Malamig niyang saad ngunit pinagpatuloy ko ang pagtatanong dahil gusto ko talagang malaman kung nasaan si warden.
"Hindi ko na kasi siya nakikita, Blue." Napatungo ako dahil hindi ko kaya ang kakaibang titig ni Blue, tulad ng ekspresyon ng mukha niya noong naghiwalay kami. Ayoko mangyari ulit iyon.
"Kung saan man ang warden na 'yon, huwag mo ng isipin. Ang mahalaga ay magkasama tayo at walang nanggugulo sa'ting dalawa." Malamig niyang aniya.
"And don't ever ask me anything about him again, Taliana. Don't think about him, just think of me alone, baby."
Hinalikan niya ako ng mas malalim, hindi gaya ng dati na ramdam ang pagmamahal niya sa'kin. Ngayon, ibang-iba, wala akong maramdamang sensiridad.
Gusto ko siyang itulak ngunit hinayaan ko lang siya. Pumikit ako ay pinakiramdam ang ginagawa niya. Nakadagan na ito sa'kin, nakahiga na kami sa damuhan habang ang kamay niya ay gumagalaw sa dibdib ko pababa sa tiyan at sa pinakamaselang parte ng aking katawan.
Napakagat ako ng sariling labi at pinigilang humikbi. Ayokong amining natatakot ako sa ginagawa niya ngunit boyfriend ko siya, dapat ay tanggap ko iyon.
Makisama ka, Taliana.
Pasayahin mo ang nobyo mo.
Tumigil si Blue sa paghalik at tsaka tumayo. Walang sabi-sabing binuhat niya ako na parang buhat ng ikakasal.

BINABASA MO ANG
WARDEN'S PET
Romance"You are not just mine, you are me." - 𝙙𝙤𝙨 𝙬𝙤𝙡𝙛𝙜𝙖𝙣𝙜 Ang akala ni Taliana Hermoso ay ganoon na kamalas ang kanyang buhay ngunit hindi niya aakalain na may ikamamalas pa pala ito nang mapagbintangan siya sa isang krimeng hindi naman niya gi...