PART 99 🎭

85 3 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pablo's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pablo's POV

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag makipag kita, pero ng makita ko ang likodan ng babaeng nasa harapan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil gusto ko siyang makita, kundi dahil sa galit.

"Paulo, bakit late ka?' tanong sakin ng babae ng mapansing nandito na ako.

"Ikaw may kailangan diba, bakit parang kasalanan ko pang late ako?" Walang gana kong sagot dito.

"Hindi naman sa ganon, kamusta ka na?" Naka ngiting sabi nito.

"I'll give you 5 mins to talk, kaya sabihin mo na kung anong dapat mong sabihin."

"Paulo, 5 mins is not enough."

"Kung mag rereklamo ka sa oras na binigay ko sayo para sabihin ang mga bagay na gusto mong sabihin, aalis nalang ako. Madami pa akong bagay na dapat gawin. And please stop calling me Paulo. Pablo ang pangalan ko." Malamig na sabi ko dito.

"Sorry, na miss lang kita. Ilang taon na ba tayong hindi nag kikita. Ang laki mo na." Lumapit pa ito sakin, at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Pwede ba, huwag mo akong hawakan. Alam ko naman kung anong pakay mo kung bakit gusto mong makipag kita sakin, kaya sabihin mo." Hinawi ko ang mga kamay nito, at naupo na.

"Pasensya ka, masaya lang akong makita ka." Pilit na ngiting sabi nito, sabay upo sa harapan ko.

"5 mins." Walang gana kong sabi, nag panik naman ito bago simulang mag salita.

Habang nag sasalita siya, pinag masadan ko lang ang muka nito. Ganun padin ang itsura niya nung huli ko siyang makita, medyo tumanda lang ito.

Bakas din sa mga mata nito ang pag mugto at ang maitim nitong eyebags.

Nang marinig ko lahat ng gusto niyang sabihin, napangisi nalang ako. Tama nga, hindi ako nag kamali, alam ko na kasi kung bakit ngayon niya lang ako hinanap, at kung bakit gusto niyang makipag kita sakin nagyon.

TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon