Chapter 44: The Truth

202 2 1
                                    

WALA akong masagot. Nagtitigan lang kaming lahat. Naghihintay sila ng sagot sa tanong ni Daryll.

"Secret," sabi ko sabay tawa. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Akala ko pa naman naubos na 'yong luha ko kanina.

"Hala nabaliw na siya," narinig kong sabi ni Peter.

"Dahil ba kay Mae?" tanong ni Tine. "Bakit ka pa magri-resign kung tinanggal na siya rito?"

Hindi ko na alam ang isasagot sa mga tanong nila. Nag-aalangan akong sabihin 'yong totoo.

"Good morning! Nandito na ba si Ms. Jackie?"

Sinilip namin kung sinong nagsalita. Si kuya Seb pala.

Lumapit siya sa'kin. "Ms. Jackie, pinapatawag ka po ni Sir Uriel. Urgent po."

Binalik ko kay Buddha boss ang folder. "Pasensiya na boss, mamaya ko na lang po pipirmahan." Tumango siya as answer.

Sumunod ako kay kuya Seb. Bakit naman ako ipapatawag ni Sir U? Don't tell me na-miss niya agad ako eh kakakita lang namin kanina? Eme lungs.

Kumatok muna si kuya Seb bago buksan ang pinto. Pagkapasok ko nakita ko si Mae at ang bruhildang si Bea na naka-crossed arms na nakaupo sa sofa. Si Sir U naman nakatayo at in-game na naman sa poker face niya.

"It's good that you're here," seryoso niyang sabi. "Meet the people who made that malicious rumor about you."

Nag-mukhasim ako. "As expected, wala namang ginawang mabuti 'tong dalawang 'to eh."

"I told you," malditang sabi ni Bea. "Wala akong kinalaman dito. Ewan ko ba sa babaeng 'to at dinadamay ako!" duro niya kay Mae.

"Anong dinadamay ka? 'Di ba ikaw ang nagbigay ng idea na magpakalat ng chismis about kay Jackie? Sabi mo pa nga the more scandalous, the better."

Sayang walang popcorn habang pinapanood ko silang magsisihan. Ang saya-sayang pakinggan kung pa'no sila maghugas kamay.

"Mae, right?" tanong ni Sir U. Ngayon ko lang narinig ang ganitong tono ng boses niya. Ako 'yong natakot para kay Mae. "Tell us what really happened."

Nagsamaan muna ng tingin 'yong demonyita (Bea) at impakta (Mae). "Sinabi ko na Sir, siya ang nagsabi sa'kin na magpakalat ng chismis. Siya rin ang nagsabi kung ano ang -- Aray!" sigaw ni Mae nang sampalin siya ni Bea.

Nagulat ako sa nangyari. Ang lutong ng sampal ni Bea. Pulang-pula 'yong kaliwang pisngi ni Mae eh.

"You kept on dragging my name in this!" Tumingin siya kay Sir U. "Uriel, do you believe this bitch? Hindi ko 'yon magagawa sa fiancee mo! Takot ko lang kay daddy!"

Gusto kong masuka sa arte ni Bea. Trying hard na maging inosente kahit nararamdaman mo naman na siya ang mastermind. Direk, kulang pa sa workshop 'tong talent niyo oh.

Bumukas ang pinto ng office ni Sir U. Lahat kami napatingin kung sino ang pumasok.

"Good morning, Sir Uriel!" Kumakaway na bati ni Joana. "Uy, Jackie! Ngayon na lang kita nakita ulit," lumapit siya sa'kin at niyakap ako. "Oh? Bakit nandito 'tong dalawang kampon ng dilim? Ah! Gets!"

Nilabas niya 'yong phone niya sa bulsa. "Alam ko na kung bakit lahat tayo nandito. Oh, pakinggan niyo."

May narinig kaming umiiyak sa recording.

"Oh? Why are you crying?" boses ni Bea, walang duda. Nagbago rin ang reaction ng mukha niya nang marinig ang boses niya.

"Wala," masungit na sagot ni Mae na hanggang ngayon nakahawak pa rin sa pisngi niya. Naawa naman ako ng slight, sobrang sakit siguro ng sampal.
Naisip ko deserve niya rin 'yon.

Ang Pangarap Kong Love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon