CHAPTER 1

5 1 0
                                    






"Hi! ano pangalan mo?" tanong ko sa lalaki na itinabi sakin sa seating arrangement (first day of class)

"Lance." sagot nito ngunit hindi ko narinig nang maayos dahil sa ingay sa paligid.



"anong fb mo?"

"hoy gaga ka fb agad?!" pabirong saway nang katabi ko sa kaliwa, ang alam ko Domingo ang apilyido niya dahil naging kaklase ko ito dati.


tumawa ang lalaki at inignora ang pagbibiruan naming dalawa ni domingo, at tska umupo.










nag simula ang klase nang maayos at pagkatapos nang pang apat namin na subject ay recess na.

inaya ko si domingo sa canteen at inaya ko na rin ang binata.


"Lance sama ka? canteen?" aya ko ngunit tumanggi ito kaya nag paalam nalang ako.







habang nag lalakad sa canteen ay nag kkwentuhan kami ni domingo.




"transferee daw yung katabi mo ah?"

"infairness may itsura naman" komento niya.

"meron nga." sagot ko dito.


unang tingin ko palang sa lalaking iyon ay may gusto na agad ako sakanya.


nararamdaman ko nang siya ang magiging inspiration ko ngayong taon.


"type mo?" nakangising tanong ni domingo.

"huh?! hindi ah. may iba akong gusto noh." tugon ko kahit wala naman akong nagugustuhan.


"sayang, singkit pa naman tapos moreno na matangkad." dagdag niya pa. halatang nanunukso.


"ayoko sa singkit baka spy yan." mapagbirong sagot ko dito at iniba ang usapan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First LoveWhere stories live. Discover now