Part 1: Elevator ride

12 0 0
                                    

[ CELINE'S POV ]

Anu ba yan, andami ko namang assignments.. Hayys,anu namang bago dun, accountancy student kaya ako.. Ipapaputol ko ang maganda at mahaba kong buhok kung mawalan ako ng assignment. Hi:) nakalimutan ko palang magpakilala kakareklamo ko,hehe.. Ako pala si Celine.. Celine Castro, 18 yrs.old. 3rd yr. college na ako taking up BS Accountancy sa isang pribadong eskwelahan sa Manila. Ay naku! kung hindi lang dahil sa parents ko, hindi ako kukuha ng kursong ito. Yun kasi ang gusto ng parents ko eh.. Eh ayoko naman silang madis-appoint sakin kaya go lng ng go.. Globe lang peg ko diba??hehe.. At dahil nga dun, eto ako ngayon, ulirang anak.. nagsasakripisyo sa pag-aaral para sa aking pamilya. Naks!! :)) kung alam niyo lang kung gaano kahirap kumuha ng ganitong kurso. Kelangan kong mag-aral ng mag-aral para maka-survive sa ganitong kurso. Lagi kang nasa loob ng bahay para magbasa, magreview, mag-aral etc. Wala nga din akong social life eh, di na ko nakakapaggala tulad nung hayskul. Ni panunuod ng TV at pagkokompyuter ay di ko na din magawa. Haha..

At eto nga ako ngayon, nasa library, inaaral ang mga lessons para sa nalalapit nming exam kasama ang aking magandang kaibigan.. Hehe. Maganda daw kasi sya e. Sabe niya.. Haha..

"Be, panu nga ulit ito icompute?"
Tanung ni jillian sakin..

"Hayy.. Yan nga din ung pinoproblema ko ngayon e."
Sagot ko nman sakanya.

"Oo nga be, hirap nman nito. Kainis kasi si mam, di man lang tinuro, pero nagpapasagot na ng mga computation. Tsk.tsk.. Tapos ang ingay pa nung nasa kabilang table, akala mu sakanila tong library.. Di tuloy ako makapag concentrate. Hmp."
Pagrereklamo ni jillian.

Napatingin naman ako sa kabilang table na medyo malakas nga magpatugtog ng music sa phone. Pagtingin ko, nakatingin din pala sakin ung guy na may hawak ng phone.. Ohmyyyy!! Kanina pa ba sya nakatingin sakin?? Hmmm.. At ngumiti pa sya sakin ha.. Problema ng lalaking to?? Hmp. Makapag-aral na nga lang .

"Ok lng yan be, aralin nalang natin."

"Panu tayo makakapag-aral?? Eh mukhang nagpapansin sayo ung lalaking wagas makapagsoundtrip."

Nagpapapansin? Sakin? Hmm. Baliw talaga 'tong kaibigan ko.

"Ewan sayo be. Bkt nman mgpapapansin? Tara na nga lang sa canteen, kumain muna tayo bago pumasok sa susunod na klase."

At ayun nga, nauwi sa kain yung pagrereview nming dalawa ni jillian. Hehe.. Food lover's kasi kami e.. Yung tipong dinadayo pa namin yung mga sikat na kainan sa iba't-ibang mga lugar. Hehe.. Buti na nga lang at di kami tumataba.

Kung hindi pa tumunog yung reminders ko sa cp, baka nalate kami ni jillian sa klase dahil sa kakakain. Hehe.. Foreign language nga pala yung next class namin. Isa sa favorite subjects ko.

"Be, cr muna tayo. Naiihi na ako e. Hehe." Paalam ko kay jillian.

"Anu ba yan be, wagas ka kasi makainom ng iced tea kanina e. Antayin na lang kita sa room para makapagreserve na ako ng upuan sa harap."

"Hmm.Sige na nga."

Minsan talaga di ko maasahan 'tong kaibigan ko pag nagpapasama ako e.. Hehe. Sabagay, di ko din sya masisi, nasa 4th floor pa kasi yung cr e. Buti na lang may elevator ang skul namin.

"Tagal naman ng elevator, naiihi na ako e" bulong ko sa sarili ko.

Papasok na sana ako ng elevator ng time na un, kaso, feeling ko matutunaw ako dahil sa mga matang nakatingin sakin. Ewan ko, but there's something in his eyes na di ko magawang alisin yung paningin ko.

"Miss, going up?"

"Ahm. Yes."

Nasagot ko na lang sakanya.. Hayys. Anu ba yan, bakit parang natatameme ako. Medyo nakakailang pa dahil dalawa lang kami sa loob ng elevator..

"What floor miss?"

"Ahm.Five...Ay four pala."

Enebeyen, parang nawawala ako sa sarili ko.

"Are you tense?"

"Ha?......"
Yun lang ang nasabi ko.

"You look tense. But cute." sabay ngiti.

Tapos biglang bumukas ang elevator at lumabas na sya. Anu ba problema nun.. Pero , aminado nman talaga akong natetense ako, grabe nman kasi sya makatingin e.. Nakakatunaw. Hay.. But, he looks familiar.. Saan ko nga ba sya nakita? Hmmm..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love my BEST/BOY FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon