LOVESTRUCK SABIT Series 1: Kating-Kati Attitude
Naranasan ninyo na bang hindi mapakali sa sobrang kati? Iyong uber kati pero hindi ninyo maabot ang dapat kamutin? Para maibsan ang itchiness, ikiniskis ninyo ang inyong likod o parte ng inyong katawan sa puwedeng kumamot (i.e. pader). Careful ka lang at baka magasgas ang iyong skin at magkapeklat. Hindi ka na flawless.
Marami ang kating-kati na magka-BF/GF. Kasi may nagpapakati sa kanilang sitwasyon.
Napanood ang mga mag-jowang naglalambingan. Kinati.
Kinilig sa mga love teams at Koreanovela. Kinati.
Gustong magkaroon ng spice ang buhay. Kinati.
May nais patunayan sa sarili. Kinati.
Nag-panic attack bunga ng paglipas ng kalendaryo. In-allergy sa kati.
Gusto mag-trip sa pakikipagrelasyon. Pinilit ang sarili na mangati.
Umiwas sa mga bagay na magpapakati sa iyong emosyon. Ang mga kating-kating pumasok sa relasyon madalas nagkakamali sa pagdedesisyon. Kapag lagi kang nagmamadali, marami kang malalampasan. Hindi mo mararamdaman ang maraming "wonderful" na karanasan. Huwag isipin na kapag may partner, mas makulay ang buhay. Ang iba, sa halip na inspirasyon ang matagpuan, konsumisyon at sakit ng ulo at puso ang binagsakan.
May season ang lahat ng bagay. May panahon para damhin ang kamusmusan. May oras para i-enjoy ang iyong kabataan. May panahon para magsikap sa pag-aaral. May tamang oras para manligaw o ligawan. May panahon upang ihanda ang sarili sa pagpapamilya. Kapag nagkawindang-windang ang sequencing ng iyong life chapters, baka hindi mo maranasan ang magandang plano ni Lord sa iyong buhay.
Hintay-hintay at hinay-hinay. Waiting builds our character. Pag may tiyaga, may nilaga. Si Noe itinuloy ang paggawa ng arko kahit matindi ang sikat ng araw. Kahit tuksuhing nababaliw, sige lang sa pagtupad sa utos ni Yahweh. Nang dumaluyong ang grabeng baha, nag-swimming at nalunod ang mga tumutuligsa subalit naligtas ang lahat ng miyembro ng kaniyang sambahayan.
Si Abraham, hinintay na magka-anak sila ni Sara ayon sa pangako ng Panginoon. Pero tinamaan ng inip kaya ipinanganak si Ismael sa alipin nilang si Hagar. Nang matutunan nilang maghintay, dumating si Isaac kung saan nagmula ang lahi ng Israel.
Si Jose hinintay ang tamang pagkakataon upang maging kanang kamay ng paraon ng Ehipto. Nagtiwala siya sa Panginoon na ang lahat ng mapapait niyang karanasan ay aayusin ng Diyos para sa ikabubuti ng kaniyang pamilya. Nailigtas niya ang kaniyang ama at mga kapatid sa panahon ng taggutom.
Si Job, hinintay na maghilom ang kaniyang mga sugat. Kahit gawin siyang punching bag ng kaaway, keri lang. Pagkatapos noon, dumagsa ang pagpapala ni Yahweh. Pinalitan ng Diyos nang mas higit ang mga inagaw sa kaniya ng kaaway.
May ultimate solution sa mga kati ng ating puso. Hindi mo kailangang magkaroon ng partner upang mabuo ang iyong pagkatao. You need to understand first how to be "single", unique and whole before you enter into a relationship. Hanapin ang kaligayahan sa Panginoon. Siya lang ang puwedeng bumuo sa iyong pagkatao dahil Siya ang may likha sa Iyo.
Wait on God, not on your future mate. As you wait on Him, He will renew your strength. Delight yourself in Him. Huwag maiinip maghintay. Ika nga ni Santiago (1:4): "...let patience have its perfect work, that you may be perfect and complete, lacking nothing."
Let's pray. "Lord, turuan mo akong maghintay. Pakitanggal ang masasamang kati sa aking buhay. Nais kong maging kuntento sa iyong pagmamahal. Turuan mo akong manahan sa pag-ibig Mo. Nais kong kayo ang maging first love ko. Amen."
LOVESTRUCK Sabit Series 2: The Fast and the Curious
Isang estudyante ang naglahad sa akin ng kaniyang masalimuot na love life. Nabuntis siya ng kaniyang BF. Hindi alam ng kaniyang parents. Nabawasan ang kaniyang pag-aalala nang malaglag ang sanggol. Pinilit niyang hiwalayan ang lalake dahil sa pagiging "obnoxious" at "immature" nito. Pero muli siyang bumigay. Nagkabalikan at na-jontis siya sa pangalawang pagkakataon. Muling nalaglag ang bata dahil natagpuang may problema siya sa kaniyang matris. Huling balita ko, magpapakasal na siya sa lalakeng nagpasakit ng kaniyang ulo.
Isa pang dalaga ang nag-email sa akin. "May nangyari sa amin at pinayagan ko siya dahil akala ko mas titibay ang aming relasyon. Nagkamali ako. After that day, hindi na siya nagpaparamdam. Hindi na siya nagte-text. Hindi na niya ako pinapansin." Ilang beses ninyo nang nasaksihan ang ganitong drama?
May nakikipagsex sa partner dahil nais i-level up ang relasyon. Pero mayroon ding "curious" lang talaga. Sila ang mga nababagot at gusto lang magkaroon ng kakaibang "spice" ang pagsasama. Maraming Pinoy singles ang nakikipag-sex dahil ito raw ang "ultimate" expression ng kanilang pag-ibig sa kanilang BF/GF. Ang totoo niyan, hindi requirement ang love for you to engage in sexual intercourse. Maaaring seryoso ka sa iyong intensyon, e iyong partner mo?
Sex is more than a physical act. It is a spiritual union (Genesis 2:24, Matthew 19:6). Ito ang dahilan kung bakit kapag nakipagniig ka sa isang tao, mahirap mong malimutan ang iyong sexperience. Maging ang mga rape victims ay minumulto ng kanilang mapait na karanasan. Ito ang nangyari kay Dina sa Genesis 34. His rapist's soul cleaved to her. Wari'y nabaliw sa pag-ibig si Shechem. Handang "magpatuli" para lang mapasakanya ang dalaga.
Kapag idinagdag na ang "sex" sa relasyon, it will "never be the same again." Sa halip na matuon sa malalim na pagkakilala sa isa't isa, malaki ang posibilidad na makasama na sa menu ng bawat meeting ang pagniniig ng katawan.
Ang sex ay tinatawag ding "luto ng Diyos." Dahil ubod-sarap at siguradong babalik-balikan. Kapag natikman, mahirap tantanan. Kaya, kung wala pa sa panahon, huwag na huwag sisimulan. Huwag ipagpalit ang magandang kinabukasan sa 10-minutong kaligayahan.
Three major tips for you not to step into the "danger zone"
First, huwag na huwag makikipaglandian sa tukso. Ikaw ang dapat lumayo. FLEE! (1 Cor. 6:18). Ang tukso ay parang asong ulol na handa kang sagpangin. Takbo!
Huwag mahilig sa mga overnight out-of-town trips na kayong dalawa lang ng iyong partner.
Huwag maging member ng 4K Gang. Iwasan ang kadilim-diliman, kasuluk-sulukan at kadulu-duluhan ng sinehan upang gumawa ng kababalaghan.
Huwag nang mag-text sa partner ng "Sa'n Na U? Nag-iisa na me sa haws?" kung ayaw ninyong mag-init ang plantsa ng katawan.
Kapag iniisip mong yakang-yaka mo ang sitwasyon dahil prayerful ka naman at laging umaatend ng Bible studies, malamang doon ka babagsak (1 Cor. 10:12). Do not trust yourself when it comes to sexual feelings.
Second, focus your soul, mind and heart on righteous things (Phil. 4:8). Ang pinakamatinding sex organ ng katawan ay hindi ang genitalia kundi ang utak. Kapag umaalagwa na ang imahinasyon, siguradong kasunod na ang ibang parte ng katawan.
Pornography will surely increase your libido.
Erotic romance novels can titillate your imagination.
Garbage in, garbage out. Do not feed your lust. Disiplinahin ang isip na lumayo sa mga sexual messages and activities.
Third, keep your relationship non-sexual. Do not make sex as the primary expression of your affection. You can be cheesy without being "horny". Kung handa na kayong magpamilya, consider marriage (1 Corinthians 7:9) at nang mai-channel na nang maayos ang inyong sexual energies. You can have all the sex you want kung kayo ay kasal na. Else, practice self-control. Also have an accountability partner. Mas maigi na may mga taong nagbabantay sa inyo.
E, paano kung "naisuko mo na ang Bataan" at naibigay mo na ang iyong katawan? Well, hindi nagbabago ang paningin sa iyo ng Panginoon. He never stops loving you. Never think that you are a damaged good. Pero kailangang may gawin ka. Ask for God's forgiveness and leave your life of sin (1 John 1:9, John 8:11). Gamitin ang iyong karanasan upang maging mas mabuting single na nagmamahal sa Panginoon.
God does not intend our bodies for sexual immorality (1 Corinthians 6:18, 16:33; 1 Thessalonians 4:3-4). Kahit gaano pa ka-cute ang commercial ng mga scented condoms. Kahit umabot pa sa bilyon-bilyon ang sirkulasyon ng Playboy, Hustler at FHM magazines. Kahit ilang pelikula pa ang magsabing normal na ang "Friends with Benefits/FuBu" setup at adulterous love affairs. Hindi nagbabago ang kalooban ng Panginoon pagdating sa bagay na ito. No to fornication. Never awake your sexual desires until marriage (Songs of Solomon 2:7).