Nakapikit pa ako habang ang alarm ng aking cellphone ay kanina pa nag-iingay. Napadilat rin ako kalaunan ng may narinig akong katok sa pinto habang tinatawag ang pangalan ko. Napabangon ako kahit na ayaw ko pang bumangon.
"Miyo! Nandito na ang bill ng kuryente..." sigaw ni Aling Cristy. Ang caretaker dito.
"Lalabas na po," napapaos ko ring sigaw habang inaayos ang magulo kong buhok.
Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nakasisilaw na alahas ni Aling Cristy na nakasabit sa leeg nito.
"Pasensya na Miyo, nagmamadali ako. May papuntahan pa kasi ako," aniya at inabot sa akin ang bill.
Tinanggap ko 'yon. "Okay lang po. Teka lang po ah," sagot ko. Pumasok ulit ako sa kwarto para kumuha ng pera. Pagkabalik ko, inabot ko rin sa kanya kaagad iyon.
"Thanks much! Alis na ako," aniya tsaka nagmamadaling umalis.
I looked down at my feet when I felt something rub against my leg. "Hey Max," bati ko sa aking pusa.
Pagkatapos kong lagyan ng cat food ang kanyang bowl, nagluto na rin ako ng pang-umagahan ko. Naligo na rin ako kaagad pagkatapos kong kumain.
"Magandang umaga, Miyo," mahinang bati sa akin ni Manong Fidel pagkalabas ko sa aking apartment. Ang may-ari ng apartment. Siguro nasa sixties na siya. Nakaupo lamang siya sa labas ng kanilang silid, nagpapaaraw.
"Magandang umaga po," bati ko sa kanya.
Lumapit ako sa kanya upang magmano. Sa dalawa't kalahating taon kong nanirahan dito, medyo nakasanayan ko na rin. Mabait talaga ito sa lahat ng umuukupa rito.
"Aalis ka na ba?" Nanghihinang tanong nito.
"Opo."
"Sige. Mag-iingat ka, ah?" Aniya.
"Salamat po," nakangiting sagot ko sa kanya.
Pagkarating ko sa Frosco, sinalubong kaagad ako ni Aira sa locker area. Stress na stress ang mukha nito habang namewang na nakatingin sa akin.
"Akala ko ba susunod ka?" Nakabusangot niyang tanong.
Binuksan ko ang aking locker. "Sorry. Sa susunod pupunta ako, promise," paumanhin ko. "Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya dahil parang naiiyak na ito na ewan.
"Break na kami ni Luke." Bumuntong hininga siya. "He was my favorite," naghihinayang niyang sabi.
Sa pagkakaalam ko, isang linggo pa lang sila non. I didn't pry on her. Kusa niyang sinabi sa'kin yon noong nakaraang linggo.
"But anyway, may nagugustuhan naman ako ngayon so, okay lang," nakangiti niyang saad.
Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok tsaka ako nagpalit ng skirt.
"Naiinggit talaga ako sa katawan mo. Nag-eexercise ka ba? Anong sekreto mo?" Tanong niya sa'kin.
I shook my head immediately. "Wala," sagot ko.
"Weh? Di nga?" May pagdududa niyang tanong.
I chuckled softly. "Wala nga!"
Inilapit niya ang kanyang mukha sa'kin. Halos maduling ako sa lapit ng mukha niya. My eyes widened, but I didn't say a word. Medyo inilayo ko lang ng kaunti ang mukha ko at hinayaan siya.
"Alam mo, sa tatlong linggo mo rito, hindi ka palakwento." She scanned me. "Ang ganda ganda mo eh. Parang hindi normal ang haba at kurba ng pilikmata mo. Maliit at matangos rin ang ilong mo. Ang puti puti mo pa. May lahi ka ba?" mas tumaas ang pagdududa sa boses nito.
YOU ARE READING
Bewitching Scars
RomansaMiyori Ilysse Villamor is a simple woman with limited interests. A woman who puts her life back together after a heartbreaking betrayal. A woman who is putting a lot of effort into her aspirations. A woman who embraces every challenge life hands her...