Simon is in love with me!
Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay naumpog ko ang ulo ko sa study table ko. Hindi ako makapag-focus sa binabasa ko. Parang mababaliw ako kung hindi ko maipagsasabi sa iba ang nararamdaman ko kaya tinawagan ko si Maxine para pumunta rito.
"Sasabog na yata ang dibdib ko!" sabi ko at hinawakan ang dibdib ko.
Napabalikwas ako ng tayo nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko mula sa labas.
"Come in!" I said.
Ang akala ko ay kasambahay iyon at aayain na naman akong kumain pero nagtatalon ako sa tuwa nang pumasok si Maxine.
"Girl! Anong nangyari?!" tanong niya pagkatapos isara ang pinto.
"Simon confessed his feelings to me. Sabi niya mahal na niya ako," hindi mapakaling usal ko.
"Sigurado ka ba? Baka naman nanloloko lang 'yon," sabi niya at umupo sa kama ko.
Umirap ako. "What's the point? I am already his slave. Hindi na niya ako kailangang bolahin."
"Pumirma ka na? Akala ko ba ayaw mong maging slave? Iba talaga kapag tinamaan na," usal niya at tinaasan ako ng kilay.
"Hindi, ah!" Ngumuso ako at napaisip sa sinabi niya. "Gusto ko lang ang treatment niya sa akin kaya pumayag na ako."
"Ay sus, wala kang nararamdaman kay Simon Ferrer kahit konti?" usisa niya at naningkit pa ang mga mata.
"Wala," sabi ko pero namula naman ang mukha.
"Sabi mo, eh. Ang magandang gawin d'yan, huwag mo namang ipakitang easy-to-get ka. Relax ka lang, take your time to think about your feelings," she softly said and tapped my shoulder. "Mukhang confused ka pa, eh. At saka, mas magandang obserbahan mo muna siya."
"Kahit pa anong sabihin mo na huwag akong maging easy-to-get, pumayag naman akong maging girlfriend niya kaagad." Mas lalo akong ngumuso.
Napasampal sa noo si Maxine at tinawanan pa ako. "Ewan ko sa 'yo."
"Hindi ko nga alam sa sarili ko. Pagdating sa kanya parang ang bilis kong magdesisyon, ang bilis ng mga pangyayari at hindi ko na namamalayan na paulit-ulit na lang akong bumabalik sa kanya kahit anong gawin kong pag-iwas." Bumuntonghininga ako.
"Does the phasing overwhelm you?" she seriously asked.
Mabilis akong umiling. "No, it thrills my life. Ngayon lang ako naging kuntento at masaya ng ganito sa isang relasyon. Sa mga past boyfriends ko, hindi naman kasi ganito. Basta, masaya ako kay Simon Ferrer."
"Then, that's a good sign to keep going. Just don't hurt yourself, magtira ka para sa sarili because if he decided to end everything you have, you have no choice but to move on," payo ni Maxine na alam kong matatandaan ko dahil takot din naman ako sa sakit.
"Thank you for looking out for me. You are really the best!" I hugged her and then she helped me with my lectures.
Mabuti na lang talaga ay tinawagan ko siya para mapalagay ang loob ko. Sa totoo lang, parang bago kasi sa akin lahat ng ito. BDSM was not really a thing for me before until I learned about it through Maxine and Dominic. Wala akong experience pero alam ko naman masa-satisfy ako kung magaling ang makakasama ko sa kama. I want to experience that kind of feeling and Simon gave it to me. I want more and I'm sure I will look for more.
Paglabas ko ng university ay naririnig kong nagbubulungan ang mga schoolmates ko na nasa university ground. Gossiping is not a usual thing in our school kaya naman nagtataka ako sa pinag-uusapan nila at parang kilig na kilig pa ang mga babae.
"Who is he?" rinig kong tanong ng isa sa kausap niya.
"I know him. He is Simon Ferrer, ano kayang ginagawa niya rito?" sagot naman ng kasama niya.
"Baka may girlfriend siya rito.".
Sabay silang humagikgik at naglakad palayo.
Nandito si Simon Ferrer? Sino naman kaya ang pinupuntahan niya rito? Ako kaya? Ayokong maging assuming.
Totoo nga ang sabi nila. Simon Ferrer is leaning against his expensive black car looking bored and so handsome. Nakatupi pa ang mga kamay niya habang pinagmamasdan ang paligid.
"What is he doing here?" tanong ko sa sarili ko.
"Simon!"
May tumawag sa kanya na isang babae at kumaway pa. Nagtago ako at hinayaan ang babaeng lumapit sa kanya. Halatang nagulat pa si Simon sa babae. Pinagtinginan sila ng mga estudyanteng lumalabas at pumapasok ng school.
"What are you doing here?" tanong ng babae sa kanya.
"I'm here for my girlfriend. She's a law student here," he answered. Yeah, right!
"Oh, I see. Nag-uwian na yung iba kanina pa." Alangang ngumiti ang babae.
"I know her schedule. Palabas pa lang siyang kung wala na siyang ibang gagawin," sagot ni Simon at tumingin sa likuran ng babae siguro ay hinahanap ako.
Tumango na lang ang babae at nagpaalam ng aalis. Good for her, wala siyang mapapala kay Simon.
I was about to say hi to him when a person grabbed my arms and pulled me inside the university garden.
"What the hell?! What do you want?!" Pumiglas ako at inagaw ang braso ko sa babaeng walang habas na humila sa akin. Halos kaladkarin na niya ako.
Hindi pa man ako nakakabawi sa paghila niya ay malakas na niya akong sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko at naluha pa ako sa lakas ng pagkakasampal niya.
"What is your problem?!" sigaw ko sa kanya.
Imbes na sagutin ako ay binigyan niya pa ulit ako ng isang malakas na sampal.
"Sumusobra ka na!" Gaganti sana ako pero nasalo niya ang kamay ko at tinulak ako palayo.
"I hope you already come back to your senses. Really?" She hissed. "I warned you but you didn't listen. Law student ka pa man din pero nakikipagrelasyon ka sa kriminal. Save yourself from embarrassment, Yvette!"
Kumunot ang noo ko at ang unang pumasok sa isip ko ay ang text message na natanggap ko ilang araw na mula ngayon. "That was you."
"Yeah, but you just ignored my effort to reach out." She rolled her eyes. "Talagang jinowa mo pa si Simon Ferrer. That man is a criminal."
"He wasn't. He already explained everything to me. Napagbintangan lang siya," sabi ko.
She scoffed. "Sino bang kriminal ang aamin sa kasalanan niya? Tuso ang lalakeng iyon, Yvette. You should have known better, you will be a lawyer soon yet you are so dumb. Ano ba ang pinakain niya sa 'yo? Ang bayag niya? Come on!"
Nag-init ang ulo ko. "Sino ka ba? You don't even know me. Huwag kang mangialam sa buhay ko. Ano ngayon kung sinusubo ko ang bayag niya? Bakit? Inggit ka?"
Natawa siya at nakakainsulto akong tiningnan. "Bakit naman ako maiinggit sa 'yo? Nandito ako para iligtas ka sa halimaw na iyon. He raped my sister. He was a drug dealer and an addict! Alam mo ba kung bakit ang bilis niyang yumaman? Hindi dahil sa mga negosyo niyang legal, kung hindi dahil sa negosyo niyang ilegal na halos milyon ang kinikita niya sa bawat araw." Ngumisi siya. "Malalaman din iyon ng pamilya mo kalaunan. Hindi ka ba nagtataka? No one has given an interest in investing in his own company yet other businessmen want him because he is rich. Hindi kumikita ang legal niyang kompanya pero hindi man lang siya nalulugi kahit kaunti. Think about it carefully, Yvette. You can still save yourself. "
Nilampasan na niya ako. Naiwan akong tulala at gulong-gulo.
BINABASA MO ANG
RedCollar Series #1: Simon Ferrer
RomanceWarning: R18🔞 "It's a cliche, an attorney at law falling to her criminal client. But being its slave is not!" Si Yvette Villa Rico ay matalino, sa sobrang talino ay naging top 1 sa board exam sa abogasya, nakatapos ng tatlong kurso, at higit sa lah...