PROLOGUE

180 80 51
                                        

'WHEN everything is dark, I will be your light,'

Iyan ang nabasa ko sa isang post ng sikat na artista.

Tss! sinasabi lang naman nila iyan para sa kanilang mga tagahanga at hindi nila iyon binibigyang halaga, bawat salita na lumalabas sa bibig nila ay pawang kasinungalingan lamang. Tss!

Napailing na lamang ako dahil sa naisip.

Kapag ba sikat ka kailangan mong mag sinungaling? Na kailangan mong pagtakpan ang nararamdaman mo para sa nakapaligid sa iyo? Na handa mong itakwil ang lahat para sa kung ano mang kayamanan, kasikatan ang meron ka? Ang kawalan ng pakialam sa mga taong nagmamahal sayo ng tapat at totoo.

Mga tanong ko sa aking isipan na hanggang ngayon ay wala paring kasagutan. Ewan, hindi ko parin maintindihan ang lahat kung bakit ganoon ang gusto ng mga tao.

Puwede namang magmahal ng hindi nasasaktan hindi ba? Puwede namang puro saya lang kapag nagmamahal hindi ba? Siguro nga wala akong alam, dahil kahit noon paman ay hindi ko pinangarap na malaman ang mga bagay na iyan.

Marami na akong problema sa buhay, wala na akong mga magulang, may sakit pa ang nakakatanda kong kapatid, may pag-aaralin pa akong pamangkin at higit sa lahat, malaki pa ang bayarin ko sa hospital. . . at wala akong pera nang dahil sa hindi ako binigyan ng sahod sa dati kong trinabahuan pagkatapos kong masisante.

Bakit ako nasisante? Simple lang, hindi naman buwis buhay!

Sinipa ko lang ang kaligayahan ng customer naming ubod ng kamanyakan, ubod ng kawalang-hiya at higit sa lahat, ubod ng kapangitan! Lapastangan! J*rk!

Idagdag mo pa ang manager kong parang nakalunok ng sandamakmak na make up.

Sinigawan at pinahiya ba naman ako pagkatapos kong sipain ang kaligayahan na lubos na pinagsisihan ng customer namin.

At dahil ako si Hani Kara Moreleese, ang nag iisang independent woman ng mga Moreleese, ang tanging matapang at walang makakatibag sa aking makamandag na tindig, ang 'PINAKA' sa lahat.

Pinakamaganda, pinakamatalino, pinaka sa pinaka sa lahat!

Sa inis ko ay nasigawan ko din pabalik ang pabebe naming manager. Well . . . you can't blame me! Marami na akong napagdaanan at ayokong inaapi at tinapak-tapakan ako dahil para naring tinapakan ang dignidad at buong pagka tao ko.

To make the long story short, umuwi ako sa bahay na walang suweldo dahil raw sa ginawa ko sa cusmoter naming lalaki.

Wow! Just wow! Ako na nga ang namanyakan, ako na nga ang nasisante, wala pang suweldo, ako pa ang masama?! Tss, idiots! Nasaan ang hustisya para sa akin?!

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kuwarto ko at nag bihis ng pambahay. Tumunog ang telepono na nakapatong sa maliit na lamesang katabi ng kama ko. . . hudyat na may tumatawag.

"Hello? Kraa Elseerome, speaking." Bungad ko sa tumatawag ngunit kaluskos lang ang tanging maririnig sa kabilang linya. Bukod sa kaluskos ay wala ng iba pang maririnig na tinig o kahit ano sa kabilang linya.

"This is Kraa Elseerome, speaking. This is?" Ulit ko.

Sinadya ko talagang ibahin ang pangalan ko pag may tumatawag sa telepono.

'Kraa Elseerome'

Iyan lang naman ang tanging pangalan ko sa pag pipinta. Karamihan kasi sa mga tumatawag sa akin sa telepono ay tungkol sa mga pinipinta ko, kesyo daw may magaganap na exhibit at aalokin akong pumunta at dalhin ang ilan sa mga pininta na nilabas ko noong taong 2018. . . Ilan nadin ang tinanggihan ko dahil sa hindi ko naman talaga binebenta ang mga iyon.

The Secret's Unveiled (Da Vinci Trilogy: Book 1)Where stories live. Discover now