Kabanata 16

1.9K 85 26
                                    

This chapter is Dedicated to JomarBacanto Thank you for your undying support ☺️ sa matiyagang paghihintay ng updates at sa pakikipag-engage sa akin tuwing may bago akong released na update. Godbless you and your love to this story 🥰

-Kuya Sen

~*~

Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng gamit kahit na mabigat ang puso ko. Aaminin kong gusto kong maging selfish ngayon pero hindi pwede dahil sa una pa lang, hindi na sa akin si Kuya Damian at wala naman din akong karapatang angkinin siya dahil sino ba naman ako? 'di ba?

Pasimple akong sumusulyap sa kanya habang maayos na nagtutupi ng damit na siya namang naglalagay sa dadalhin niyang backpack.

Magulo ang kaniyang buhok. Mamula-mula ang mga mata dahil galing sa pag-iyak. Pawisan din siya marahil sa kakamadali. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong punasan ang katawan niya dahil maraming oras na akong babad at qouta sa kakamasid sa maganda niyang katawan. Ang akala ko ay sanay na akong makita siyang ganito, nakaboxer lang pero parang gano'n pa rin ang epekto nito sa akin kagaya noong unang pagkakataon na nakita ko siyang hubad.

Napailing ako sa naisip. Ibang hubad kasi ang pumasok sa utak ko. Napakarumi!

Napansin ni Kuya Damian ang ginawa ko kaya nahinto siya at napatingin sa akin.

"Babalik naman agad ako kaya tama na siguro ang ganitong karami," sabi niya saka ngumiti. Ni hindi naabot ng ngiting 'yon ang mga tainga niya kaya alam kong isa ang ngiting 'yon sa pinakamalungkot na bagay na nasaksihan ko ngayon mula sa kaniya.

Isinara niya ang zipper ng backpack at saka isinandal ito sa gilid. Maayos siyang humarap siya sa akin, ginulo nang bahagya ang aking buhok at saka ako tinitigan sa mga mata.

Hindi siya nagsalita ng kahit na ano.  Hindi ko alam pero panatag ang kalooban ko habang lunod ang sarili sa titig niya.

Mula sa kaniyang labi ay sumibol ang isang tunay na ngiti, bagay na nakapagpalundag sa puso ko.

"Babalik naman agad ako. 'wag kang mag-alala," sambit niya at saka ako kinulong sa mga bisig. Niya. "Salamat sa 'yo, Keifer. Salamat kasi mas naging madali para sa akin harapin ang mga bagay na kagaya nito. Kung wala ka siguro rito ay mas naging miserable ang buhay ko. Baka mas nahirapan akong harapin mag-isa lahat ng problema ko ngayon. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko," dagdag niya pa. Nasa gilid lang ng tainga ko ang labi niya. Para akong hinarana sa mga sinabi niya. May kung anong mahika ang tinig niya na nakapagpabaliw sa puso ko. Kahit na mabilis ang tibok nito ay hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa aking labi at ang labis na saya na aking nadarama.

Kinikilig ako! Bwisit!

Lumayo siya sa akin kahit na nakabalot pa sa akin ang kaniyang mga bisig. Dumuko ang tingin ko sa labi niya at agad na pumasok sa isipan ko ang muntik nang mangyari kanina.

Hindi pwede! May asawa na ang tao, oh! Ahas ka ba?

Pwede naman maging ahas kahit ngayon lang? 'di ba?

Hindi!

Kaya bago pa kung saan mapunta ang pwesto naming dalawa ay ako na mismo ang lumayo. Hindi pwedeng lumagpas ako sa linyang ako mismo ang gumawa. Hindi pwedeng sumobra. Hindi pwedeng maging padalos-dalos. Hindi ako nakituloy sa apartment niya para manira ng pamilyang meron siya.

Hindi naman malalaman ng asawa niya!

Kahit na!

"Magbihis ka na at baka wala ka nang masakyan! Oras na oh!" untag ko sa kaniya at saka siya bahagyang tinulak palayo sa akin.

Nagtungo ako sa pinto ng kwarto at bago lumabas ay nilingon ko siya. "Dito lang ako sa labas. Hatid kita sa labasan mamaya," sabi ko pa.

Sinara ko ang pinto ng kwarto at saka nagtungo sa salas habang bitbit ang mumunting dagundong sa dibdib ko. Walang pagsidlan din ang saya sa aking puso. Palibhasa napaparami ang skin contact namin ni kuya Damian kaya walang pagsidlan ang kilig ko. Ewan ko pero ang ideyang mas lamang ako sa asawa niya ngayon, kahit na alam kong mali ang mindset na ganito, pero kasi hindi ko maiwasang matuwa. Parang pakiramdam ko ay ako ang asawa ni kuya Damian kahit hindi naman talaga. Hindi naman masamang mangarap! Bwisit na konsensiya ito! Sasabat na naman, e!

Ilang minuto lang din ang itinagal at lumabas na rin si Kuya Damian. Simpleng puting polo shirt lang ang suot niya at maong pants. Nakaterno ito sa suot niyang itim na rubber shoes na lagi niyang ginagamit sa tuwing naiisipan niyang magpapawis at magjogging tuwing umaga. Nasukbit na rin ang bag sa kaniyang balikat at ito na naman ang kilig ko, walang pagsidlan! Napakagwapo naman kasi! Nakakainis! Kung wala lang asawa 'to baka kanina ko pa pinupog ng halik!

"Hindi ako nakakalimot! Ang sabi mo'y ihahatid mo ako kaya tara na sa labasan," aniya.

Nauna siyang lumabas. Madilim na dahil alas n'webe na rin ng gabi.

Sabay naming nilakad ang daan patungo sa high way, sa sakayan. Habang naglalakad ay panay ang paalala niya sa akin na saglit lang siya ro'n at babalik din agad siya rito.

"Ime-message ko na lang si mang Jerry para humingi ng pasensiya. Gagawan naman siguro ng paraan ng OIC namin na ihanap ako ng karelyebo," nahinto si kuya Damian at alanganing napatingin sa akin.

Kahit hindi niya sabihin ay alam kong matatagalan siya sa pag-uwi sa kanila kaya mas pinili ko na lang ang manahimik. Ngumiti lang ako para maitago ang lungkot na sumibol sa puso ko.

Ayos lang 'yan! Hindi naman sa 'yo ang lalaking 'yan kaya 'wag kang mag-inarte d'yan!

Tama! Walang karapatang mag-inarte kaya naman pinangatawan ko ang pakikipagplastikan sa tunay kong nararamdaman.

Kaya naman nang marating namin ang high way ay marahan mong sinuntok ang braso niya para iparating sa kaniyang ayos lang ako na maiwan dito sa apartment niya mag-isa. "Huwag kang mag-alala, kuya. Ako na ang bahala rito. Aalis kang maayos ang bahay, uuwi kang mas malinis pa kaysa noong umalis ka."

Ngumiti siya, bagay na nakapagpawala ng lungkot na nararamdam ko. Konti.

Inakbayan ako ni kuya Damian. Dumapo na naman ang malalaki niyang braso sa balikat at leeg ko. Sige! Ihead lock mo lang ako! Gusto ko 'yan! Kaya 'yan, nagtatambling na naman ang puso ko sa kilig. Letse!

"Tatawag ako sa 'yo. Hindi ko ipaparamdam na malayo. Mag-update ka rin palagi sa akin, ha?" sabi niya.

Sus! Akala mo naman jowa niya ako!

Pumara siya at doon ko lang napansin ang air-conditioned na bus na paparating. Ilang sandali pa ay huminto ito sa harapan namin at saka bumukas ang automatic nitong pinto.

Nagawa pang guluhin ni kuya Damian ang buhok ko bago sumakay sa bus.

Tanaw pa namin ang isa't-isa sa pamamagitan ng malinaw na salamin nito. Kumaway siya sa akin at saka pinakita ang call sign para maalala ko ang sinabi niyang tatawag niya ako. Malungkot man ay ngumiti ako nang malapad sa kaniya at saka tumango nang ilang ulit hanggang sa makalayo na ang bus na sinasakyan niya.

Bwisit na 'yon! Hindi ako na-informed na nadala niya pati ang puso ko! Paano na ako nito?

Dumapo ang kamay ko sa aking labi bagay na ipinagtataka ko ang ngiting nakaimprenta rito. Hindi ko alam pero magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko. Meron ding pangamba na kapag pinagpatuloy ko ang kung anong meron kami ay ako lang din ang mahihirapan at iiyak sa huli. Una pa lang, talo na ako, bakit kailangan ko pang ipagpatuloy?

May pag-asa ba akong manalo sa kaniya?

Kahit 0.1% lang papatusin ko 'yan at panghahawakan ko!

Ilalaban ko!

~*~

Thanks for reading!
If you want a chapter to be dedicated by you, you can comment here. Thank you again for your support and happy holidays! Ingats! 😘

-Kuya Sen

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon